Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 5

1M 21.6K 4.1K
                                    


RHIANNE

Nasa AVR (Audio Visual Room) kami ngayon. Bakas sa aming mga mukha ang takot, gulat, at pagtataka. Namumugto na ang aming mga mata.

Sino ang gumawa nito?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na wala na si Cesar, ang class clown namin, ang laging nakangiti at nangungulit.

Maya-maya'y may dumating na investigator. "Magandang umaga sa inyo. Ako ang investigator na may hawak sa nangyari ngayon. I'm Detective Lux. Magtatanong lang ako saglit. Sino ang kasama ni Cesar kanina bago siya pumunta sa C.R.?"

Nagtinginan ang lahat. Halatang walang may alam kung sino. Katahimikan ang bumabalot sa buong AVR, nang biglang tumayo si Andrei. Lahat ng mga mata'y tumingin sa kanya.

"Niyaya ko si Cesar kanina na pumunta sa library. Noong una ko siyang tinanong, hindi niya ako pinansin. May ka-text kasi siya. Noong tinanong ko siya ulit, sabi niya busy daw siya kaya ako na lang mag-isa ang pumunta sa library."

Tumingin kami kay Detective Lux. Tahimik siya na nag-isip.

Mga ilang sandali pa ang nakalipas at nagpaalam na sa amin si Detective Lux. "Babalikan ko kayo sakaling may malaman ako regarding sa case, okay?" paalala niya sa amin. Binalot muli kami ng katahimikan. Cesar. Wala na nga si Cesar.

"Sino ang gumawa nito kay Cesar? Bakit?!" Umiiyak pa rin si Ayah. Kita ang pagkabahala niya dahil magkababata sila ni Cesar. Kinder pa lang ay mag-best friend na sila. It's like losing a brother.

"I already talked to your parents," anunsyo ng principal. "They made sure that all of you are safe. Huwag na huwag ninyong ibabalita sa labas ng paaralan ang nangyari, understood?"

"Bakit bawal ipaalam sa iba?" tanong ni Ayah. "Hindi ba dapat ay alam 'to ng mga news outlet?"

"Pinapangalagaan natin ang pangalan ng paaralan. Besides, your parents are okay with it. Anak kayo ng mga kilalang tao. Gusto niyo bang mabahiran ng issue ang mga magulang niyo? Gusto niyo bang isipin ng iba tao na kayo'y nag-aaral sa isang paaralang may pinatay?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng principal. This is wrong.

"Bakit ganito sila?" bulong ko.

"Ayaw nilang malaman ng iba ang kaguluhan sa school. Mine-maintain nila ang magandang image ng Hillton University," bulong sa akin ni Alexander. "In short, makasarili sila."

***

Tahimik sa classroom ngayon. Ramdam ko ang lungkot sa klase. Dati kasi, si Cesar ang pasimuno ng kalokohan sa klase. Siya ang palaging nagpapatawa at palaging maingay.

At dahil sa wala pa kaming teacher na papalit kay Miss Gaiza, free time kami hanggang uwian. Umupo ako sa tabi ni Ayah. Napansin ko na kanina pa siya tulala at nakatingin sa bintana. Namumugto ang kanyang mga mata.

"Ayah, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik. Miss ko na 'yong kakulitan mo." Pinilit kong ngumiti sa harap niya. Hinimas ko ang malambot niyang buhok.

"Samahan mo ako sa library mamaya. May pag-uusapan tayo." Tinignan ko ang mukha ni Ayah. Walang expression ang mukha niya, para bang wala na siyang pakiramdam... wala na siyang damdamin. It felt like she's so empty inside, like she's being swallowed by darkness and sadness.

Tumayo si Ayah at lumabas ng classroom habang ako'y naiwan. Malungkot na makitang malungkot ang taong madalas mong nakikitang masaya.

"Nagbago si Ayah dahil kay Cesar." Napansin ko na tumabi na pala sakin si Ynna. Napatingin ako sa kanya at nginitian naman niya ako. Napakagaan talaga ng pakiramdam ko tuwing kasama ko si Ynna.

"Wag kang mag-alala, lilipas din 'yang kalungkutan ni Ayah. Just give her some time." Hiniwakan ni Ynna ang kamay ko, na muli naman ikinabuhay ng loob ko.

Natapos na ang klase. Naalala ko na magkikita pala kami ni Ayah sa library kaya dumiretso na ako doon. Pagpasok ko, agad kong nakita si Ayah dahil kami lang yata ang tao sa library.

"Ayah, anong pag-uusapan natin? Magse-self study ba tayo?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya. Binigyan ko siya ng ngiti na kahit pilit ay umaasa akong susuklian niya din ng isang ngiti. Napansin kong nagfi-flicker 'yong ilaw sa dulo ng library. Nakakatakot.

"May seryoso tayong pag-uusapan. Alam mo ba kung bakit at sino pumatay kay Cesar?" Seryoso ang mukha ni Ayah.

"Hindi. Bakit, Ayah? May nalalaman ka ba?" Medyo nabubulol ako. Takot kasi akong malaman ang nangyari. Naaalala ko pa rin ang itsura ni Cesar kahapon.

"Sumpa. May sumpa ang section natin. Nagsimula ito noon pa, 20 years ago. Handa ka bang malaman ang katotohanan? Ang nangyari? Ang sagot sa mga 'bakit' mo?" Pinaglalaruan niya ang mga hibla ng buhok ko. Kinilabutan ako. Parang hindi si Ayah ang nasa harapan ko.

"Hindi ako handa but I want to know."

"20 years ago, may Special Section na. Payapa ang section nila noon until may nag-transfer na student. Simula noon, sunod-sunod na silang namatay. Nagsimula silang mamatay nang nag-quit ang teacher nila sa pagtuturo. Nabaliw daw ang teacher."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Transfer student ako, nag-quit si Miss Gaiza, pagtapos ay namatay si Cesar.

"Ibig mong sabihin... ako ang... ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Cesar?"

Tinigil ni Ayah ang paglalaro sa buhok ko. Naging seryoso nanaman ang mukha niya.

"Hindi kita masisi dahil hindi mo naman alam. Let's not forget na may killer, Rhianne. Galit na galit ako kung bakit si Cesar pa ang nauna. Bakit hindi na lang 'yong mga demonyo sa Special Section ang nauna?"

"Wala bang solusyon kung paano matitigil ang sunod-sunod na pagkamatay?" Kinakabahan na talaga ako sa mga susunod na mangyayari.

"Meron. 'Yon ay ang mamatay ang dapat mamatay. At alam mo kung sino 'yon?" Nginitian niya ako at hinawakan ang aking mga kamay. Ang lamig ng mga kamay niya.

"Ang anak ng nagsimula ng sumpa. Siya ang killer. Siya ang pumatay kay Cesar."

"Sino? Ang anak ng transfer student noon?"

"I'm not sure. Konti lang din ang alam ko."

Naguguluhan na talaga ako. Bakit ba naging ganito ang sitwasyon?

Special Section (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon