Kabanata 7

2.6K 124 16
                                    

"Ate, hindi ba pupunta rito si Kuya Reyster?"

Natigilan ako sa pagpupunas ng lamesa at marahang nilingon ang kapatid kong si Albert gamit ang nagtatanong na mga mata.

"Oo nga, mag-iisang linggo na siyang hindi dumadalaw dito. Kung pumunta man, saglit lang..." dagdag na reklamo naman ni Marie.

Tumagal ang titig ko sa kanilang dalawa bago nagpakawala ng buntong-hininga. "Midterm exam kasi nila ngayong linggo. Baka next week pupunta na siya rito..." I trailed off and gave them a weak smile. "Bakit? May problema ba?"

Albert shook his head lightly. "Wala naman, Ate. Namimiss lang namin siya lalo na 'yong pagkaing niluluto niya sa atin tuwing hapunan!"

"Ang sabihin mo... naghihintay ka ro'n sa pangako ni Kuya Esteng na dadalhin ka n'ya sa bahay nila para makapaglaro ng xbox tapos ibibili ka n'yang sapatos katulad no'ng sa kaniya," sarkastikong sabat naman ni Eunice na abala sa paglalagay ng nail polish sa salas.

"Huh! Bakit, ikaw? Hindi ka ba excited na magkaroon ng bagong damit? Hindi ba't nagpromise rin siya sa 'yo?"

Pabalik-balik lang ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Pinapanood ko silang magtalo at nang maramdaman na medyo nagkakapikunan na sila ay agad ko na silang inawat. Matapos kong magpunas ng lamesa ay nagsimula na akong maghain ng pagkain para sa tanghalian.

"Huwag kayong mag-alala. Pagka-sweldo ko sa linggo, ibibili ko kayong damit at sapatos. Hindi n'yo na kailangan pang hintayin si Kuya Esteng n'yo—"

"Huwag na, Ate!" putol sa akin ni Albert at nagpalitan sila ng makahulugang tingin ni Eunice bago muling bumagsak ang mga mata sa sariling pinggan, hindi makatingin nang diretso sa akin.

My forehead knotted, confused. "Bakit?"

"Eh kasi..." nakangiwing anito at napakamot pa sa ulo. Nang hindi niya malaman ang isasagot ay pasimple n'yang siniko si Eunice.

Eunice heaved a deep sigh before facing me. "Mauubos lang ang pera mo... at isa pa, hindi mo naman afford ang original. Sawang sawa na kami sa fake na damit at sapatos."

Natigilan ako sa sobrang pagkabigla. Bahagyang umawang ang aking labi at kumurap-kurap. Walang bahid na kahit anong emosyon at napaka-natural lang naman ng paraan ng pagkakasabi n'ya noon pero... hindi ko alam kung bakit parang natapakan ang pagkatao ko't nainsulto.

Agad akong nakabawi at pinilit na itinago ang emosyong kanina pa gustong kumawala. Padabog kong binitawan ang kutsara't tinidor bago bumuga ng hangin.

"Eh ano naman kung fake 'yong damit at sapatos n'yo? Hindi naman 'yon kabawasan sa pagkatao n'yo, ah? At saka isa pa, magpasalamat ka na lang na may nasusuot ka pa." Binigyan ko ng matalim na tingin si Eunice na 'tila napapaso siyang umiwas ng tingin.

Masama ang loob ko sa buong araw na iyon, wala akong kinibo ni isa sa kanilang lahat hanggang kinabukasan  Kung hindi pa biglang sumulpot sa bahay namin si Trisha ay hindi pa gagaan nang kaunti ang loob ko.

"May trabaho pa ako mamaya. Ano bang ginagawa mo rito?"

"Sasabay nga ako sa 'yo papuntang Aloha. Pinapapunta ako ro'n ni Kuya Harrold dahil umuwi na si Rhys." Paliwanag n'ya habang prenteng nakaupo sa sofa, nakataas pa ang paa.

Kumunot ang aking noo. "Sinong Rhys?"

"Hindi mo kilala si Rhys?" hindi makapaniwalang tanong n'ya kaya naman napairap ako.

Obvious ba? Itatanong ko ba kung sino 'yong Rhys kung kilala ko siya?

"Si Rhys! Bunsong kapatid ni Kuya Harrold. Pinsan ko..." naiiling na aniya at nagkibit balikat. "Sabagay. Malamang hindi mo nga siya kilala dahil sa Maynila 'yon nakatira, eh, pero simula ngayon ay dito na 'yon maninirahan para magkasama na sila ni Kuya Harrold."

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon