CHAPTER 34

440K 20.9K 51.9K
                                    

CHAPTER 34

ANO KAYANG isusuot ko?

Kagat ang sariling daliri, kanina pa paroo't parito ang tingin ko sa cabinet gayong iilan lang naman ang damit ko. Dumaan ang halos isang linggo nang hindi ko namamalayan dahil sa dami ng kailangang gawin sa eskwelahan. Ni hindi ko napaghandaan ang isusuot.

Mamayang gabi na ang birthday party ni Rhumzell, napilitan akong pumayag dahil sa pamimilit ni tatay at pagpayag ni nanay. Pumayag na lang din ako dahil nakumbinsi kong sumama sina Kuya Kev at Bree. Naghati-hati kami para sa mamahaling cake bilang regalo.

"Hindi ka pa rin ba nakapamili, ate?" natatawang ani Bree nang pumasok sa kwarto namin matapos maligo. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, bilhin mo na 'yong dress kahapon."

Napabuntong-hininga ako. Nagpunta kami sa mall ni Bree kahapon para ibigay ang design at bayaran ang cake na regalo namin kay Rhumzell. Sapat lang ang pera ko at wala akong budget para dress na sinabi niyang bagay sa 'kin. Gusto ko rin naman 'yon, kakulay ng balat at type ko ang style. Pero masyadong mahal 'yon para isuot ng tulad ko, bukod sa hindi talaga sapat ang aking pera.

"Pahihiramin na lang kita ng dress ko, ate," mayamaya ay suhestyon niya. "Tamang-tama, may binili ako na hindi ko pa naisusuot."

Nanlaki ang mga mata ko. "Pero ang style ng mga damit mo..." Hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa takot na masamain niya ang sasabihin ko.

Tumawa si Bree. "Oo nga!" nakuha niya agad ang hindi ko tinapos sabihin. "At dahil mas matangkad ka sa 'kin, paniguradong maiksi sa 'yo ang mga damit ko, ate! Pero siguradong mas babagay sa 'yo ang mga ito. Halika, pumili ka!"

"Ayoko, Bree. Hindi bagay sa 'kin 'yan," 'ayun na agad ang pagtanggi ko, wala pa man akong nakikita.

"Hindi mo pa nga nasusubukan, ate. Sige na, subukan mo."

"Ayoko. Sigurado akong hindi babagay sa 'kin alinman diyan."

"Anong hindi? Ate, mas maganda pa nga ro'n sa manekin ang katawan mo! Saka ang ganda-ganda ng mukha mo, ate! Halika rito." Hinila ako ng kapatid ko papalapit sa kaniyang cabinet.

Nanlaki agad ang mga mata ko nang tumambad sa 'kin ang nag-iiksiang palda niya. "Diyos ko, Bree..." natutop ko ang aking bibig.

Nagbaba ako ng tingin sa paanan ko, hindi man lang aabot sa kalahati ng binti ang haba niyon. Paano akong mauupo, kung gano'n? Ang iba niya namang damit, kung hindi sa likuran ay sa tagiliran may disenyong butas na malalaki. Karamihan din sa mga 'yon ay malalalim ang dibdib at hapit sa katawan.

"Alam mong hindi ganito ang mga damit na tipo ko, Bree," kunot-noong sabi ko. "Hindi ko kayang isuot 'yan."

"Hindi ka lang sanay, ate."

"Dahil hindi ko natutunang magsuot ng...damit pa ba 'to?" nangingilo ako, gayong tinitingnan ko lang ang mga 'yon.

Humalakhak si Bree. "Kelan ka pa matututong mag-ayos kung hindi mo pa sisimulan ngayon, ate?"

"Hindi ko naman kailangang mag-ayos, Bree. Kontento ako sa pananamit ko at iyon ang damit na maaayos. Hindi ako komportable sa ganitong klase ng maiiksi at bulgar..."

Natigilan ako sa sinasabi nang makita ang reaksyon sa mukha niya. Saka ko lang naisip ang mga sinabi ko. Siya ang may ari ng mga damit na 'yon pero masasama ang sinabi ko. Nag-alok siya ng tulong pero sa halip na magpasalamat ay pinuna ko ang itsura ng mga 'yon.

"'Sabagay, kahit hindi ka mag-ayos, ate, napapansin ka naman talaga dahil sobrang ganda mo," nakangiting sinabi ni Bree 'yon pero nalasahan ko ang pait. "At kahit anong isuot mo, terno man o magkakaibang kulay, madadala mo. Lahat bumabagay sa 'yo."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon