Kabanata 7

4.4K 232 43
                                    

Kabanata 7.

TINANGHALI AKO NG GISING. Nasa labas ako ng room ng matanaw ko si Ma'am Gomez na nakatayo sa harap at nagtuturo. Dahil hindi siya tumatanggap ng late bukod pa sa pagiging mainit niya sa akin, umisip ako ng paraan kung paano makakapasok nang hindi niya nahahalata. Nang tumingin sa akin ang kaklase ko na malapit sa likurang pinto, sinenyasan ko siyang huwag maingay saka pinadulas ang bag papunta sa kaniya. Pinagpasa-pasahan nila iyon hanggang sa mailagay sa upuan ko.

"Hi, ma'am," malawak ang ngising bati ko. Mahirap na dahil baka siya ang makahuli sa akin. Uunahan ko na lang siya. "Nandito na po pala kayo."

"Mr Jackson Alonto, ikaw na naman," magaspang niyang sabi. "You know my rules. Hindi ako tumatanggap ng late."

"Hindi naman po ako late." Napakamot ako sa batok ko. "Nag-CR lang po ako. Nandoon nga po iyong bag ko sa upuan ko o. Saka hindi po ako maglalakas-loob na batiin kayo kung late ako kasi alam ko pong hindi ninyo ako papapasukin."

Naniningkit ang mga mata niyang bumaling sa direksiyong tinuro ko bago ako pinabayaan. Ayos nakalusot.

"Kung ganiyan nang ganiyan ang gagawin mo ay siguradong hindi ka papasa kay Cleo," bulong ni Simon pag-upo ko.

"Talaga?"

"Talagang-talaga."

"Sige. Makikinig na ako sa mga teacher natin tapos kapag nagtanong si Patricia kung anong klase ng estudiyante ako, sabihin mo magaling at masipag. Kung hindi man siya magtanong, banggitin mo na lang sa kaniya. Ibida mo ako, kaibigan." Bago pa siya makasagot ay isinara ko na ang usapang iyon. "Deal na iyan." Napailing na lang siya.

Sa second subject, napilitan akong makinig sa discussion ng teacher namin. Sumasakit ang ulo at tenga ko dahil hindi naman ako sanay na ginagawa ang ganito pero kailangan kong magtiis. Kailangan maging "matino" ako sa paningin ni Patricia. At nakasalalay iyon sa mga ikukuwento ni Simon kung sakali. Pagkatapos mag-lesson, nagpalabas si ma'am ng ½ paper para sa short quiz. Buong intermediate pad lang ang meron ako kaya itinupi ko iyon sa gitna saka nilawayan para mabilis mahati.

"Pati na ba iyan ikukuwento ko kay Cleo?" natatawang wika ni Simon.

Dalawang beses binasa ni ma'am ang unang tanong pero hindi ko pa rin matandaan kung ano ang dapat isagot doon. Nangangati nga akong sumilip sa papel ni Simon kaya lang nagbabagong-buhay pala ako. Tiyanggala. Kung hindi lang dahil sa paghahangad kong gumanda ang tingin sa akin ni Patricia hindi ko ito gagawin e. Bakit ko pahihirapan ang sarili ko, hindi ba? Kaya lang deserve niya ang matinong lalaki. At kung hindi ako magpapakatino, hindi ako babagay sa kaniya.

Pagkatapos ng klase ay tinipon kami ni Simon para sa panibagong practice session. At tuluy-tuloy ang ganoong sistema namin—tuwing hapon—hanggang sa sumapit ang third periodical exam. Magkakahiwalay ang upuan at iba-iba ang set ng test papers para masigurong hindi kami makakakopya sa katabi namin. Pero ang hindi alam ng mga teacher ay madali pa rin iyong malulusutan ng mga estudiyanteng desidido na may maisagot kahit hindi nag-review.

Ipinasa ni Harold ang papel niya sa harap at pagbalik, nakangisi niyang iwinagayway pailalim ang papel ni Fatima na tapos ng sagutan ang math. Nasa lamesa si Ma'am Santos pero hindi niya talaga nababantayan kung ano ang ipinapasa o kinukuha namin—nila pala. Nagbabagong-buhay ako e. Mediyo naiinggit nga ako e. Gusto ko rin ng instant. Ng biyaya. Pero hindi puwede. Kailangan kong magpakabuti.

Lumingon sa akin si Daina. "Gusto mo?" Inabot niya sa akin ang papel sa science. Naiyukom ko ang kamao, pinipigilan ang sarili na kuhain iyon.

"H-hindi na. Magsasagot ako mag-isa ngayon," mediyo alanganin kong sabi.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon