Twenty-3: ***Ang Bata

165 12 5
                                    

ETHAN's POV

Simula pag gising ay magulo na ang isip ko, dahil sa isang panaginip. Alam ko sa sarili kong hindi totoo ang panaginip pero may nagsasabi sa aking isip na kailangan kong mag ingat.

Kaya naman, alam kong may nakakapansinna sa kinikilos ko.

Ang totoo hindi ako kinakabahan sa Interview na pupuntahan ko, kung hindi sa totoong pakay namin sa lugar.

Alam kong nandito ang matagal na naming hinahanap na lagusan patungo sa Mundo ng mga Witches. Subalit instead na maging masaya ako ay may kung anung tumatakbo sa isipan ko.

Napansin kong halos nasa pintuan na kami ng Hospital dahil Nababasa ko na ang Arko kung saan nakasulat ang pangalan ng Hospital.

Kaya lang biglang nandilim ang aking paningin ng mapansin kong nakapasok na ang aming sasakyan.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong sa mga kasama ko subalit napagtanto kong hindi iyon mangyayari dahil nakita ko na lang ang aking sarili na nakaupo pa din sa loob ng sasakyan kasama ang iba pa.

Para akong napasok sa isang portal na namamagitan sa dalawang mundo.

Yung tila lumabas ang aking kamalayan at nandito sa mundong ito at ang aking katawang lupa ay nasa normal at mundo ko at doon ay nakaupo sa sasakyan, pero tila hindi nagalaw ang panahon sa kabilang mundo.

Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto kong marinig ang tinig ni Liam at malaman niyang wala ang aking kamalayan.

Kaya lang wala akong magawa, ni hindi ko alam kung saan ako tutungo ng biglang may isang mumunting tinig akong narinig.

Tinig ng isang bata na tila humihikbi at naghahanap ng makakasama. Napaka misteryoso niyo dahil paanong may ganoong tinig. Saan ito nanggagaling.

Kaya walang anu't-ano ay mabilis kong hinakbang ang aking mga paa.

Subalit tila nagulat ako ng hindi sumasayad sa lupa o saan man ang aking paa. Doon ko napagtantong nakalutang ako at kayang lumipad.

Sa nalaman ay napangiti ako at nasabing "mas mapapadali ang aking paghahanap".

Wala akong sinayang na panahon, kahit hindi ko kayang kontrolin ang aking paglipad, hindi rin naman nagtagal ay nakontrop ko na ito. Doon sumagi sa isip ko na "Ayos pala talaga ang kapangyarihan ni Aldous".

Nang makontrol ko na ang paglipad ay doon ko na napansin ang di kaaya ayang paligiran. Kung sa unang tingin ay hospital ang mga building habang nalapit ako doon kl nakikita na mga Haunted House na ito. Halos kilabutan ako nang may makita akong tila isang bruha na naka dungaw sa ikalawang palapag nung isang building na malapit sa akin.

Nagtaasan ang mga balahibo ko ng animoy gandang ganda siya sa itsura nyang parang sampung taong hindi naligo. "Hahaha" nawala tuloy ang takot ko ng makita ko ang kabuuan niya. Pero iba talaga ang tawa niya, tawang isang bruhang Witch "hikhik kikik hikhik".

Pero muling natuon ang atensyon ko ng marinig ko ang panaghoy ng isang tinig.

Kaya naman mabilis kong hinanap ito. Wala pang isang sandali ay may nakita akong isang puting tela o damit sa loob ng isang malaking puno ng Balite.

Nang aking usisain ay natitiyak kong may isang bata ang nasa loob nito.

Kahit natatakot ako ay nilapitan ko ito. Anv daming pumasok sa isip ko ng nga sandaling iyon. Nanjan ung baka isang tyanak or isang mapagpanggap na bata lang iyon.

Subalit ng makuha ko na ang atensyon nito ay halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang pisikal na itsura nito.

Napakagandang bata at ramdam mo yung lukso na dugo na parang nagsasabing kilala mo ito. Pero nasabi ko na lang na "Maaaring mabuting nilalang lang ito".

"Bunso, anung ginagawa mo diyan..."

"Huhuhu" umiiyak ito na may pagtulo pa ng uhog. Kasabay nito ang pagpunas nito na parang may face powder lang sa mukha ng mga uhog niya.

"Ewan ko natawa talaga ako nung nakita ko iyon kasi iba talaga ang mga bata walang kamuwang muwang..."

Bigla itong yumakap sa akin at magalak ko naman siyang kinalong.

"Kuya, hindi po ako makauwi kasi natatakot ako. Pero alam ko naman paano umuwi kaya lang ang dami kasing bruhang nagkalat. Baka kainin nila ako"

Nang narinig ko ang sinabi nito. Doon pumasok sa isip ko ang sinabi nito na alam niya makauwi... Baka iyon na din ang lagusan na hinahanap namin.

"Kung gusto mo, ihatid na kita sa para naman makauwi ka na."

"Ay talaga po..."

"Oo naman..."

Habang naglalakad kami ay pansin ko ang mga matang kanina pa nakatingin sa amin... Sa una ay iilan lang subalit habang natagal ay padami na ng padami at bawat isa sa mata ay ramdam ko ang kakaibang takot...

"Huhuhu... Nakakatakot po sila, buti na lang nandito ka po para samahan ako."

Hindi ko alam ang dahilan pero kanina pa kami naglalakad ay wala ni isa ang umaatake o lapitan man lang kaming dalawa.

Hanggang sa marating namin ang isang tila isang bato na pinagpatong patong at nagkaroon ng hugis pinto.

Nang makarating kami sa harap nito ay biglang unti unting nagkakaroon ng ilaw dito hanggang sa napakatingkad ng ilaw na nito.

Ramdam ko na bumababa sa aking bisig ang bata hanggang sa nakita kong nanakbo na ito papasok sa loob.

Hindi ko na narinig ang sinabi nito ng muling humarap ito at ngumiting nang nakakaloko.

Napangiti na lang din ako sa inasta nito.

Subalit nang mawala na ito sa aking paningin unti unti na din nawawala ang liwanag sa lagusan.

Naglakad ako ng kaunti paurong nang maramdaman ko na may kung anu sa likod ko.

Nang humarap ako ay malakas na sigaw ang nasigaw ko. 

Halos lumabas ang ngala nga ko sa aking nakita sa aking harapan, yung kaninang nas alikod ko na ngayon ay nas aharapan ko na ay isang napakalaking grupo ng itim na Witches, mga Impakto at kung anu ano pa. Kaya naman napapikit na lang ako ng makita kong hahawakan na ako ng mga ito.

"WWWAAHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw ko. Na piling ko ay maiihi ako sa sobrang takot

Sa muling pagmulat ko ay nagulat ako sa nakita aking nakita.

Muli ay nasa sasakyan na ako at nakaupo sa sasakyan.

"Baby, what happen!" sabi ni Liam

"Ahhhh ehhhh,,,  ahhh ewan basta" hindi ko masabi sa letra subalit

Nang ako ay pumikit at unti unti kong buksan ang aking kamalayan ay nagulat ang lahat sa nakita nila sa aking isipan.

"Itinakda... Anu tong nakikita namin! Nakita mo na ang lagusan!!!! Pero paano..." Mabilis na sabi ni James

Nakita ko ang mukha ni Annia. Nandoon ang tuwa at takot dahil sigurado akong nakita niya ang lahat ng elementong pinakita ko.

"Baby, paano ka nakapunta doon samantalang kakapasok pa lang natin"

"Hindi ko maexplain, pero napansin ko na lang na tila pumasok ako sa isang dimensyon at nakita ko o kayo na naaa sasakyan at di nagalaw parang tumigil ang oras."

"Teka iyon ang kakayahan ni Pierre pero bakit di mo siya kasama." sabi ni Aldous

Nang tingnan namin si Pierre ay nakapikit lang ito.

Nang biglang magsalita si Pierre sa aking isipan.

"Itinakda... Isarado mo ang isipan mo, pakiusap ko. Ngayon na!"

Hindi ko maintindihan ang sinaaabi nito pero ginawa ko.

Nang biglang....

Itutuloy...
JuanDer25

The Alpha Series Book 2: The Se7en Guardians (boyxboy)Where stories live. Discover now