• C H A P T E R 4

2.4K 52 0
                                        

Inspired by true events.

Pagkatapos ng gabing yun, Hindi na ako mapakali habang nasa bahay namin ang kotseng iyon. Kahit nga nasa opisina ako hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa nangyari sa akin.

°°°°

Kakatapos ko lang iclose ang deal sa isa naming costumer ng araw na yun. Isang latest model na brand new ang binili nya sa autoshop namin.

Thank you.

Sabi ko saka nakipag shake hands ako bago umalis.

Nang makita kong parang pinagagalitan ni Mr.Zamora si jacob, malakas ang boses nito habang kausap sya kaya medyo naririnig ko ang mga sinasabi ni Mr.Zamora mula sa kinatatayuan ko.

Ano bang nangyayari sayo jacob hindi ka naman ganyan dati ah. Tatlong costumer na ang nagbabalik ng kotseng binili nila sa araw na ito, Isa pa jacob, kundi tatanggalin kita sa trabaho. Nagkakaintindihan tayo??

Sabi nya.

Yes sir.

Sabi ni jacob bago umalis si Mr. Zamora sa harap nya at pumasok sa loob ng opisina.

Nagtaka ako kung bakit nagalit ng sobra si sir kay jacob, Lalo na hindi linggid sa amin na sya ang paboritong empleyado ni Mr. Zamora kaya tinanong ko ang kasama ko.

Ano bang nagyari bat' mukhang high blood si Mr. Zamora??

Sabi ko.

Tatlong costumer na kasi ang nagbabalik ng kotse ngayong araw kaya highblood si sir.

Sabi nya.

Bakit daw??

Sabi ko.

Ewan?? Hindi ko rin alam E.

Sabi nya.

Lalo tuloy akong nagtaka, bakit kaya may nagbalik sa mga kotse. Parang ang weird lang kasi.

Maya-maya lang at nagring ang cellphone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa ng slacks at sinagot ang tawag.

Hello.

Sabi ko.

Can i speak to Mr. Stanley Tuazon??

Sabi nya.

Ako nga po sino ito??

Sabi ko.

Si Gail Perez ito. Pwede ba tayong magkita ngayon??

Sabi nya.

Sige po. Walang problema.

Sabi ko.

Naalala ko ang pangalan nya dahil sya yung dapat na costumer ni jacob nung isang araw.

Pinuntahan ko ang sinabi nyang coffee shop kung saan kami magkikita. Medyo natagalan ang pagpunta ko dahil traffic ng araw na yun.

Pagpasok ko sa loob ng coffee shop agad ko syang nakitang naghihintay ng mag-isa sa akin. Lumapit akong sa kanya.

Ms. Perez?? Sorry I'm late.

Sabi ko saka naupo sa tabi nya.

Ano po bang problema??

Sabi ko.

Yung kotseng binenta mo sa akin?? Sino amg dating may-ari nun??

Sabi nya.

Nagulat ako sa tanong nya sa akin hindi ko talaga inasahan yun dahil sya lang ang tanging costumer na nagtanong sa akin nun.

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Where stories live. Discover now