Inspired by true events.
Dumaan ang mga araw pero ang mga tanong sa isip ko wala paring sagot. Ngayon, mas maraming tanong ang bumabagabag sa akin kung sa mga kaluluwang nagpapakita sa kotse.
Nasa isang meeting kami ni faye sa isang restaurant sa timog. Dahil sa kakaisip ko sa mga nagyari sa akin ng mga nakaraang araw, hindi ko napansin na nagtatanong na pala sa akin ang kliyente namin.
Ms. Perez?! May I know what are the policies of the insurance I chose??
Sabi nya.
Pero nakalutang ang isip ko ng mga oras na yun kaya hindi ko sya naririnig.
Sir. These are the policies of our insurance. In addition to that also the terms of payments.
Sabi ni faye.
Okay.
Sabi nya.
Binasa ito ng kausap namin bago pumirma sa papel.
Okay. I'm in a hurry right now. I have to go. It's nice doing with the both of you.
Sabi nya.
Thank you sir.
Sabi ni faye.
Siniko nya muna ako bago tumayo sa upuan at kinamayan ang kliyente namin. Dun lang bumalik at natauhan saka tumayo ako sabay ngumiti bago kinamayan ang kliyente.
Thank you sir.
Sabi ko.
Pagkaalis ng kliyente, naupo ulit kaming dalawa ni faye sa upuan.
Ano bang nagyayari sayo?? May problema ka ba?? Buti nalang at mabait si Mr. Chua kundi baka hindi natin na close ang deal na ito. Okay ka lang ba??
Sabi ni faye.
Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon. Sige punta lang akong rest room.
Sabi ko.
Tumayo ako sa upuan at naglakad papunta ng restroom saka pumasok sa loob. Humarap ako sa salamin sabay tiningnan ang sarili sa harap nito at bumuntong-hininga.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas ako sa loob ng rest room. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha papunta sa kinatatayuan ko habang may kinukuha sa loob ng bag nya.
Mrs. Robledo??
Sabi ko.
Tumingin sya sa akin at ngumiti. Siguro naalala nya ako.
Gail Perez??
Sabi nya.
Ako nga po. Ano po ang ginagawa nyo dito??
Sabi ko.
Nagpahula kasi sa akin ang may ari ng restaurant. Kliyente ko kasi sya.
Sabi nya.
Pwede po ba tayong mag usap kahit saglit??
Sabi ko.
Sinamahan nya kami sa table namin. Umupo sya sa tabi ni faye at kaharap ko. Tahimik kaming tatlo bago ako magsalita.
Naalala nyo po ba nung hinulaan nyo ako?? Bukod sa sinabi nyo sa akin?? May iba pa ba kayong nakita??
Sabi nya.
Bakit interesado kang malaman?? May bumabagabag ba sayo??
Sabi nya.
Hindi po ako naniniwala sa hula pero may gusto po akong malaman!?
Sabi ko.
Ang totoo nyan, Gail. Nagsinungaling ako sayo. Di ba ang sabi ko, suswertehin ka sa trabaho mo pero ang totoo kabaliktaran ang sinabi ko.
Sabi nya.
Mas lalo akong kinabahan sa mga sinabi nya.
Ano pong ibig nyong sabihin??
Sabi ni faye.
May isa kang bagay na dinala sa bahay ninyo. At yung bagay na dinala mo ay malas. May mga hindi matahimik na mga nilalang ang naroon at nakakulong. Dapat hindi mo na dinala ang bagay na yun sa bahay ninyo. Mas mabuti pang ibalik mo na yun kung saan mo man binili.
Sabi nya.
Inaamin kong wala akong bilib sa mga manghuhula pero sa takbo ng mga pangyayari at sa mga sinabi nya. Unti-unti na akong naniniwala sa kanya. Mas lalo tuloy lumabas ang hinala ko na kung anong meron sa kotseng yun. Lalo akong nagilabot sa narinig ko. Tumaas ang mga balahibo ko sa mga nalaman ko. Ngayon, Hindi ko maisip kung papaano ko ibabalik ang kotse.
Papauwi na ako nun ng maabutan ko si Mang Kanor sa talyer. Bigla kong naisip si Gail kaya nilapitan ko sya at tanungin.
Mang Kanor! Hindi pa ba kayo uuwi?? Over time na naman ba kayo ngayon??
Sabi ko.
Gusto ko na sana umuwi kaso binilinan ako ni boss na hintayin sya, ngayon kasi darating yung mga bagong models ng kotse kaya kailangang nandito ako.
Sabi nya.
Anong mga models po?? Brand new o yung mga second hand??
Sabi ko.
Biglang lumapit ng kaunti si mang Kanor sa akin at hininaan ang boses.
Wag kang maingay! Sayo ko lang sasabihin ito. Ang darating mamaya yung mga surplus. Hindi lang basta surplus yun, Mga hot vehicles o yung mga carnap tapos ichochop-chop dito saka ilalagay sa ibang kotse para hindi mahalatang galing sa mga nakaw. Yun ang sikreto ng amo natin. Wag na wag mong ipagsasabi sa iba.
Sabi nya.
Nang may marinig kaming tunog kaya agad akong tinulak ni mang Kanor.
Umalis kana dito at baka maabutan pa tayo ni boss. Pag nagkataon pareho tayong lagot.
Sabi nya.
Sige po.
Sabi ko.
Agad akong dumaan sa likod ng autoshop at nagtago sa loob ng isang sasakyan. Dun ko nakita ang mga bagong sasakyan na pinapasok sa loob, Ito siguro ang mga chop-chopin nila mamaya. Yung mga tinatawag nilang hot vehicles.
Bilisan nyo na dyan at baka may makahalata sa atin.
Sabi nya.
Tiningnan ko ang ginagawa nila ng biglang may kumalampag sa window mirror bandang kaliwa ng sasakyan bigla akong nagulat. Agad akong lumingon sa tabi ko pero wala namang tao dun ng may naramdaman akong dumaan na isang lalaki sa likod ko. Mas lalo akong kinilabutan ng naramdaman kong may nakaupo sa may back seat ng kotse dahan-dahan akong lumingon bigla akong napasigaw ng makitang nakaupo dun ang lalaki na nakatingin sa akin.
Sa sobrang takot dali-dali akong bumaba ng kotse sabay umalis dun bago pa nya akong makita na nandun.
Anong ingay yun??
Sabi nya.
Wala po yun sir. Baka pusa lang.
Sabi ni Mang Kanor.
Nang makalabas ako ng autoshop. Napahinga ako ng malalim bago sumakay ng jeep. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ng gabing yun. Halos hindi mawala sa isip ko yun.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
K W E N T O N G B A Y A N ( C O M P L E T E )
УжасыU R B A N L E G E N D S T H R E E E V E N T S • T H R E E H O R R O R S T O R I E S • O N E T A L E Naghahanap ka ba ng supermarket na pwede kang mag grocery?? May alam akong supermarket na lahat ng hinahanap mo nandito. Pero ingat ka baka ma...
