Kabanata 8

2.5K 116 4
                                    

Nagpupuyos ako sa galit at kumukulo ang dugo ko inis sa tuwing nakikita ko iyong kapatid ni Boss Harrold na si Rhys. Nang dahil sa kaniya'y nagkaroon ako ng dahilan para tamarin sa pagpasok sa trabaho!

Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang ipakilala siya sa akin ni Boss... magmula nang dumating siya rito sa probinsya. Noong una, akala ko'y iyon na ang huling pagkakataon na makikita ko siya ngunit hindi pala dahil sa kasamaang palad ay palagi kong nakikita ang pagmumukha n'ya rito sa Aloha. Mabuti na lang ay kahit papaano'y pinagpala ako pagdating sa pagtitimpi.

He's rude to everyone. Karamihan nga sa mga kasamahan ko sa trabaho ay aligaga at palaging takot kapag nakikita siya. Kulang na nga lang ay pati ang nilalanghap nitong hangin ay iwasan na rin nila...

"Aalis ako next week. Papunta kaming HongKong ng mga kaibigan ko kaya baka si Rhys muna ang mag-manage nitong bar habang wala ako."

Palihim akong umirap. Tapos na ang duty namin ngunit bago tuluyang umalis ay tinipon muna kami ni Boss Harrold dahil may sasabihin daw siyang announcement. Akala ko naman kung ano na... sasabihin lang palang pupunta siyang HongKong. Edi sana all.

"Size 8 ako boss," nakangising pahaging ko at sinimangutan lang ako nito.

Tiyak na kung wala lang sana kaming ibang taong kasana ay kanina pa n'ya ako inirapan nang wagas. Bilib din ako sa isang 'to eh. Napakagaling magtago ng tunay na katauhan.

"Size 11 ako pero hindi ko pinagyabang..." nang-aasar na sagot n'ya sa akin kaya naman nagtawanan silang lahat.

Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap na iyon at agad na kaming pinaalis ni Boss. Sumibol ang malawak na ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang naghihintay sa akin sa labas ng Aloha. Nakasandal ito sa pader, ang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng kaniyang pantalon, at pansin ko rin ang pagpipigil n'ya sa pagbagsak ng mga mata dahil sa antok.

Napanguso ako at lumapit sa kaniya. "Inaantok ka na? Hindi mo na sana ako hinintay pa..."

Mula sa pagkakayuko ay mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kita ko ang pagliwanag ng mukha n'ya nang magtama ang mga mata namin.

"Eloisa... I miss you rin." Umayos siya ng tayo. Hinagilap n'ya ang isa kong kamay at hinigit ako papalapit sa kaniya.

I let out a relief sigh when his warm hug enveloped my body and his lips landed on my forehead. "Pagod ka, mahal?"

"Hmm..." I answered as I hugged him back.

Tipid siyang ngumiti at tumango bago kumalas ng yakap sa akin. Kinuha n'ya ang bag na nakasukbit sa balikat ko at siya na mismo ang nagdala no'n.

"Ihahatid na kita para makapagpahinga ka na..."

Kunot noo akong luminga-linga sa paligid. "Hindi mo ba dala 'yong raptor mo? Naglakad ka lang papunta rito?" taka kong tanong.

"Oo eh..." Nahihiya siyang humawak sa kaniyang batok. "Ayaw mo na ba maglakad, Tol? Gusto mong mag-tricycle na tayo?"

I shook my head instantly. "Naku hindi 'yon! Curious lang naman ako kung bakit hindi mo dinala."

"A-Ah..." He laughed awkwardly and I shot my brows up, waiting for his answer.

"G-Gusto kasi kitang makasama ng matagal kahit papaano kaya hindi ko na dinala 'yong sasakyan." Yumuko siya at mariing kinagat ang mapula n'yang labi.

Umawang ang aking labi. Lumamlam ang mga mata ko habang matamang nakatitig sa namumula n'yang mukha...

Wala pa rin pala kaming pinagbago. Simula noon hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang kalabog ng aking dibdib sa tuwing magbibitaw siya ng salitang hindi ko inaasahan. Hindi pa rin nawawala ang mga paru-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko sa tuwing tinatawag n'ya akong mahal, at iba pa rin ang epekto n'ya sa sistema ko sa tuwing naglalapit kaming dalawa.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti noon sa past life ko at biniyayaan n'ya ako ng isang Reyster Louise Perez. Sa isang yakap lang, pakiramdam ko'y ligtas ako. Sa isang halik lang, napapawi na ang lahat ng pangamba at pagod ko.

He always treats me right. He always makes me feel so loved...

"Nakakainis ba! Hindi ko talaga ma-gets kung anong problema no'ng Rhys na 'yon at para bang laki-laki ng galit n'ya sa mundo!" nakasimagot kong kwento na may halo pang panggigigil. Stress na stress na ako ngayon pa lang sa isipin na si Rhys ang maghahandle ng Aloha sa susunod na linggo.

Reyster chuckled. "Iwasan mo na lang, mahal. Baka ganon lang talaga 'yong ugali noong tao..."

"Hindi naman kasi lahat ng tao magugustuhan mo at hindi rin lahat ng tao magugustuhan ka. May ibang taong magaling makibagay at may mga tao namang mas pipiliin na mag-isa at gumawa ng sariling mundo..." paliwanag n'ya na nakapagpatahimik sa akin.

Sabagay, may point nga naman siya.

"Kung ayaw n'yang makipagkaibigan po sa inyo... then it's his choice. Baka komportable siya kapag mag-isa siya dahil doon siya mas nagkakaroon ng peace of mind..." dagdag pa n'ya at bahagya akong nilingon.

Mabagal lang ang lakad naming dalawa. Walang pakialam sa malamig na hangin na humahampas sa amin at sa unti-unting paglalim ng gabi.

I sighed. "Sabagay... tama ka naman. Kahit siguro ako ay magagalit din kung pilit akong ipapasok sa isang sitwasyon na hindi ako komportable."

In some ways, Reyster always educate me and making me realize some things without feeling insulted. He's my human diary. He listens to my nonsense story, corny jokes or even in my unending rants. Mukha lang talaga siyang mas maloko sa aming dalawa pero sa totoo ay ako talaga ang mas madalas n'yang pagsabihan at itama kapag may nagagawa akong sa tingin niya ay hindi mabuti o mali... at aaminin ko ring siya talaga ang nagbubuhat sa relasyon naming dalawa. Siya ang mas nag-e-effort. Wala naman kasi siyang masiyadong responsibilidad. Wala siyang ibang priority... samantalang ako'y may ibang bagay na pinagkakaabalahan.

"Day-off mo bukas di 'ba, tol?"

Tumigil kami sa paglalakad nang makarating na kami sa bahay. Aakmang bubuksan ko na ang pinto nang itanong n'ya 'yon.

I nodded my head. "Oo, bakit?"

He then licked his lips before a manly smile appeared on his lips. "Nice! Labas tayo!"

"Huh?" My forehead knotted. "Bakit? Anong mayroon?"

At gano'n na lang din ang pagtataka ko nang unti-unting naglaho ang ngisi at napalitan 'yon ng lungkot at pagkadismaya.

"N-Nakalimutan mo?"

"Ang ano?" naguguluhan kong tanong, naka-kunot pa rin ang noo.

Umigting ang panga n'ya kasabay ng bagsak ng kaniyang balikat.

"So nakalimutan mo nga talaga..." He then laughed bitterly before shaking his head. "Sige na, magpahinga ka na. Aalis na ako."

"Teka—" Naputol ang sasabihin ko nang halikan n'ya ako sa noo. Hindi na n'ya ako hinayaan pang magsalita, tuluyan na itong tumalikod at naglakad palayo. Hindi na ako muling nilingon pa.

Awang ang labi kong sinundan siya ng tingin... nag-iisip at nagtataka. 

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon