Kabanata 9

2.4K 118 13
                                    

Nabalikwas ako sa kinahihigaan ko dahil sa isang malakas na kalabog ng kaldero at kawali na sinundan ng dumadagundong na tawa ng pamilyar na boses. Inis akong bumangon, kinapa ang unan at ibinato iyon kay Trisha at Shaeynna na kaaga-aga'y nambwi-biwisit na.

"Sa wakas, nagising ka rin! Akala ko'y kailangan na naming tumawag ng punerarya para ipa-embalsamo ka!" nakangising usal ni Trisha bago tumalon patungo sa kama ko.

"What the—"

"Kanina ka pa kasi namin ginigising. Sinigawan ka na nga nina Kean at Albert sa tainga kanina pero hindi ka man lang gumalaw mula riyan sa pagtulog mo," natatawang dagdag ni Shaeynna bago pabagsak na humiga sa tabi ko.

"Ano ba kasing ginagawa n'yo rito?" naiinis kong tanong bago kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Binuhay ko 'yon para tumingin ng oras sa screen. Anak ng pating! Alas sais pa lang ng umaga!

Kaya naman pala ang sakit ng ulo ko pagkabangon! Paano ba naman kasi ay mag-a-alas dos na ng madaling araw nang makarating kami ni Reyster sa bahay tapos ay matagal pa ako bago dalawin ng antok.

Iniisip ko kasi kagabi kung bakit biglang nag-iba ang timpla ng mood ni Reyster. Kung hindi ko pa aksidenteng makikita ang kalendaryong nakasabit sa pader ay hindi ko pa maaalala ang lahat.

I sighed and massaged my temple. Today is our eighth-year anniversary—how the hell did I forget our special day?

Nakaka-guilty. Sa sobrang busy ko sa pagtra-trabaho at ibang bagay ay nakalimutan ko na naman ang anniversary namin.

"Gumayak ka na dahil pupunta tayong Tagaytay. Ikaw na lang ang hinihintay..."

"Anong—Tagaytay? Anong gagawin doon? Hindi ako puwede!" bulyaw ko sa kanila.

Bukod sa wala akong sapat na pera papunta roon ay kailangan ko ring bumawi kay Reyster. Akala ko talaga ay tinoyo lang siya kaya bigla siyang nawala sa mood... iyon pala'y may kasalanan talaga ako.

"Hala, ang epal mo! Sayang naman 'yong ilang araw na paghahanda ni Esteng para rito sa anniversary n'yo tapos hindi ka pala sasa—"

"Huh?" Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang tumitig sa kanila. "Si Esteng ang nakaisip na pumunta tayo sa Tagaytay?"

They nodded slowly.

"Actually... dapat kayo lang talaga ang pupunta ro'n. Nabanggit lang ni Reyster kay Kean noong bumili siya ng Longganisa sa amin tapos nabanggit naman sa akin ni Kean... tapos ayon! Nag-decide kami na sumama, pumayag naman." kuwento ni Shaeynna.

"Tapos sinabi sa akin ni Shaeynna... siyempre hind naman ako papayag na kayo lang ang masaya, di 'ba? Wala akong pakialam kahit maging fifth wheel ako. Wala akong pakialam sa inyo kaya nagpaalam ako kay Esteng na sasama rin ako... pumayag din siya. Sabi pa nga n'ya, mas marami ay mas masaya."

"Wala akong alam." I sighed. I can feel the guilt creeping into my soul.

Trisha groaned and rolled her eyes. "Wala ka naman talagang alam, sis. Hindi na nga nakakagulat sa amin na nakalimutan mo na naman ang anniversary n'yo. Pasalamat ka na lang dahil maintindihin 'yang jowabels mo..."

She groaned and stood up. "Kaya nga tumayo ka na riyan para makapag-gayak ka na. Doon na kami sa labas maghihintay. 'Yong mga lalaki ay chine-check lang 'yong van na gagamitin natin." Litanya n'ya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko kasama si Shaeynna.

Hindi ako sumagot at sinundan lang sila ng tingin hanggang sa makalabas. Walang gana kong binagsak ang ulo sa unan at ilang sandali pa akong tumitig sa pangit at tagpi-tagpi naming kisame. Mas lalong nalukot ang mukha ko dahil na-guilty ako sa sinagot ni Trisha kanina. Totoo naman... wala talaga akong alam. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang nakalimutan ang anniversary na namin. Ni isang beses nga ay hindi ko rin maalala na nag-effort o nagregalo ako kay Reyster.

Gustong-gusto kong bumawi. Ang laki na pala ng kasalanan at pagkukulang ko sa kaniya...

Ni-rentahan lang pala nina Kean ang van sa isang kakilala nila. Hindi kasi pinayagan si Reyster na gamitin ang raptor dahil aniya'y hindi pa masiyadong gamay ni Reyster ang pagmamaneho sa malayo... at isa pa, hindi rin naman kami kasya roon.

Maingay ang lahat pagsakay sa van. Sayang nga dahil si Terrence lang ang hindi nakasama. Mayroon daw kasi siyang training ng soccer at hindi siya puwedeng mawala roon. Sa likod ng driver kami umupo ni Reyster. Sa ibang pagkakataon ay tiyak na makikipag-agawan ako sa kaniyang umupo sa tabi ng bintana pero ngayon ay hindi muna.

Bukod kasi sa kanina pa n'ya ako hindi pinapansin ay hahayaan ko muna siyang umupo roon dahil gusto kong makabawi. Ako naman ang magpapaubaya ngayon.

Sa likod namin ay ang nagbabangayang si Jolo at Trisha. Oo, kasama si Jolo. Hindi ko alam kung paano niyan napilit si Esteng, but knowing that asshole, malamang ay tinakot o dinaan na naman n'ya sa pagiging siga 'kuno' n'ya ang boyfriend ko para lang mapapa-payag.

"Tangina naman kasi, eh. Magpaka-gentleman ka naman! Sabi na't palit tayo at ako riyan sa tabi ng bintana!" nanggagalaiting sigaw ni Trisha sa pinsan ko.

Jolo scoffed. "Imong mama gentleman. Ako ang nauna rito kaya ba't ako aalis? Kung gusto mo rin dito sa tabi ng bintana, kumandong ka sa 'kin beybe!"

"Ew! Kadiri ka, huh!"

Natatawa akong umiling sa walang kwentang bangayan nila.

Sa pinakalikod naman ay naroon sina Kean at Shaeynna na lantarang naglalampungan. Parang mga linta, amputa. Hindi mapaghiwalay sa isa't isa.

"Babe, may dala ka bang plastic?" dinig kong tanong ni Shaeynna.

"Wala, bakit?"

"Hala! Baka kasi mamaya sumuka ako, eh!" tarantang tugon ng kaibigan ko.

"Jusmiyo marimar ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? Lunukin mo na lang, sanay ka na naman eh," halakhak ni Kean at kumunot naman ang noo ni Shaeynna.

"Sanay na ano?"

"Lumunok..." nagpipigil ng tawa nitong sagot. Ilang saglit pang prinoseso sa utak ni Shaeynna ang sinabi ng boyfriend n'ya bago ito hampasin sa braso.

"Kadiri 'to! Parang gago ampotek!"

Napalingon ako sa katabi ko nang magpakawala ito ng buntong hininga. Nakasandal siya sa bintana habang mariing nakapikit ang mata. Hindi ako gumalaw at pinagsawa muna ang sarili ko sa pagtitig sa kaniya.

I heaved a deep sigh as I stared at him. Kahit saang anggulo talaga ay hindi siya nakakasawang tingnan. Mula sa salubong at makapal nitong kilay, mapupungay at maamo nitong kulay itim na mga mata, matangos at perpektong hugis ng ilong, maging ang mapula n'yang labi...

I can't help to ask God why did he gave me an almost perfect man to flawed woman like me? Reyster is deadly handsome inside and out. He's immature when it comes to other things but when it comes to me... when it comes to our relationship, he can handle everything so well.

Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko na agad ko ring pinigilan. Tumingala ako at bumuga ng hangin. Nang kumalma ay dahan-dahan kong ipinatong ang ulo ni Reyster sa balikat ko. Akala'y hanggang doon na lang 'yon ngunit mariin kong nakagat ang aking labi upang pigilan ang malawak na pagngiti nang unti-unting siyang umayos ng pagkakaupo, pumulupot ang mga braso nito sa baywang ko at bumagsak ang ulo sa aking dibdib.

Malakas ang pagpintig ng dibdib ko at batid kong naririnig n'ya iyon.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon