Chapter 2(Motorbike)

12.2K 520 66
                                    

Motorbike



Iritado ako nang marating ang mesa na okupado namin. Maingay sa dance floor at naabutan ko agad si Amethyst na nag oorder.

"Dalawang Henessy at apat na lalake," humagikhik si Amy pagkasabi niya nun. Nangunot naman ang noo ko.

Nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

Oh my.. Ito na talaga ang mga pinsan ko.

"Hi." bati ko sa kanila pero niyakap na agad ako ng mahigpit ni Ruby. 

"I miss you cuz." She whispered. She's wearing a pink dress at high heels.

Sumunod naman si Emerald na naka pulang dress. Kulot ang buhok niya. She's taller than me kaya minsan, ang daming offer sa kanya para maging model. Hindi naman siya interesado.

"Miss you Saphire," Mahigpit niya akong niyakap. Our table was a jungle that night. Ang daming pulutan at kung ano ano pa.

Binaba ni Amy ang sigarilyo niya at niyakap rin ako. Halos maubo ako sa mint flavor na cigar niya.

"That's bad Amy.." bungad ko at umupo na.

"Wow naman cuz. Akala ko Hermes bag ang pasalubong mo sakin. Bad Amy naman pala." uminom siya sa Henessy.

Sa amin, itong si Amy ang mabisyo. Masikreto rin siya kay tito Clinton at tita Kylie.

Nakangiti naman si Ruby at Emerald sa akin.

"Where's Margo?" I asked Ruby.

"Studying. Bagsak siya last year. How about you? Mag eenrol ka? "

Kahit na sa unibersidad sila naka enrol ay hindi nagkoconsider ang mga prof kung anak ka ng may ari o pamangkin dahil kung bagsak ka...bagsak kang talaga.

"I will think about it. Mas gusto ko sa ibang Unibersidad. May nagbago ba habang wala ako?" ininom ko ang Henessey na nasa aking baso.

The dance floor became wild. Even the beat of the music. Nakaka dala ang energy ng mga sumasayaw. Pate mga pinsan ko ay gumigiling na rin at nag heheadbang.

"Focus sa pag aaral syempre hindi nawawala ang landi." si Emerald ang sumagot.

"Yang si Ruby...may ka fuck buddy yan! Ilang beses na papalit palit ng fuck buddy!"

Nanlaki naman ang mga mata ni Ruby sa sinabi ni Amy.

"Duh.. hindi ah. Those are just my ex flings! Si Emerald nga matalino sa klase pero may lalaki rin ah."

Bakit hindi nawawala ang lalaki sa usapan? Hinilot ko nalang ang batok ko.

Fucking jetlag.

Alam ko naman na ayaw lang nila madepress ako dahil sa issue ko noon kaya maiingay sila. Sa iba hindi sila ganito.. natatakot ang iba na pumasin dahil mga snob ang mga to. Mga maldita.

"Seriously Rubz? Meron?" tanong ko.

Namula naman si Ruby.

"Si Ysmael." sagot ni Amy.

I nodded slowly. The younger brother huh? Tinitigan ko si Ruby. Ngumuso ako ng umiwas siya.

Damn guilty. Hindi ko nakakalimutan na sobrang gusto niya noon si Raphael.

Ew. Sinong magkakagusto sa isang hambog, maraming tats at nakasakay lagi sa motorbike? Parang pinabayaan ng magulang dahil sa dumi ng damit.

Umirap ako at ininom ang last shot ko for tonight. Ayokong umuwi na lasing ako. The last time I was drunk ay ano na ang nangyari kaya ayoko nang malasing pa. Hindi deserved ni Raph ang virginity ko. Goodness.

Broken Chains (Montemayor 2nd Gen)Where stories live. Discover now