Chapter 40

43.7K 1K 490
                                    

Chapter 40

Promise

He was holding my hand while we were walking inside the lobby. We have his guards behind our backs, and people are staring. Sino nga ba naman ang hindi ma-i-intriga? I'm with their CEO right now...

Laglag ang panga nina Maanne nang nadaanan namin sila. Galing yata sa cafeteria at pabalik na.

Ilang araw din akong lumiban sa trabaho. I was working at Zoren's condo, tho. At ganoon din siya no'ng mga nakaraang araw. Huminto siya sa harap ng department namin.

"Starting today, you will work in my office... I already had your things prepared..." aniya.

Tumango ako. "Okay. Nasabi mo na iyan kagabi, Zoren..." I smiled.

He smirked. "I'll give you time to get along with your... friends."

I bit my lip and nodded. "Pupunta na lang ako mamaya sa opisina mo. Pero May meeting ka, 'di ba?"

"And you will come with me," kunot ang noo niya. Nasabi niya nga pala kanina sa akin sa sasakyan.

"Okay! Just message me, Zoren... Saglit lang din naman ako rito."

Suplado itong tumango at nilingon sina Alfredo na papasok na sa opisina namin. Sa dating opisina ko rin.

"Okay. I'll wait for you..." he whispered huskily and pulled me for a kiss.

Laglag ang panga ko dahil sa labi niya ako hinalikan. It was just a swift kiss but we're in front of his employees! His employees were watching! At hindi ako makapaniwala na ginawa niya 'yon. Knowing him.

"I'll go now," bulong niya at ngumisi. "I'll leave my two men here." Bumaling siya sa dalawang nasa likod namin. "Cardo, Jude..." tawag niya sa mga ito at tumango naman ang dalawa.

"Yes, sir..." iyong Jude.

Umalis na rin siya matapos akong kausapin. Agad naman na tumakbo sa akin si Maanne at Vane. Nasa labas pa rin kami ng pinto at kanina pa sila nag-aabang... At ngayon, ang lalakas ng tili. Parang mga kinakatay na baboy.

"So, kayo na?! O kayo talaga from the start?!" si Maanne.

I smiled. Paano ko ba sasagutin? We haven't talked about it, pero parang kami naman na.

"Kita ko story ni Mr. Gray! Nasa condo ka niya... Kumakain ng breakfast noong isang araw!" si Vane.

I chuckled. "Yes, we're living together—" Natabunan na ng mga tili nila. Napahilamos na lang ako sa aking mukha.

"Live in naman pala! Grabe, grabe! Sana all!" tili ni Maanne kaya nasita na naman kami ng ilang matatanda.

"Pakiramdam ko naman noong high school pa kayo, e..." si Vane.

I couldn't tell them the story because of their high energy. Sa huli ay pumasok na kami sa department. People were extra kind to me. Dahil siguro alam na rin nila.

Napunta ang usapan namin tungkol kina Kylie.

"Ayon nga, girl, nadestino sila sa ibang branch... Medyo malayo rito," si Maanne.

"Pero ayos lang 'yon. Narinig namin na nautusan yata sila nina Mrs. Dina. Buti nga hindi na pinakulong, e... Binantaan naman daw kasi, na kapag lumabas ang katotohanan, mapapahamak sila. Parang gano'n..." si Vane.

Tango ako nang tango habang nakikinig.

"Tapos, alam mo ba?! Hinanap ka sa akin ni Mrs. Dina! Bago nag start iyong meeting."

"Meeting?" tanong ko kay Maanne.

"Ng mga board. Tinanggal na kasi sila... At on going din yung kaso sa kanila. Makukulong talaga..."

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon