Epilogue

178 10 4
                                    

Justin Russell's Point of View

Ala una na ng umaga pero heto, gising na gising pa rin ang diwa ko. Nasa dibdib ko si Austin at tulog na tulog na. Tinitigan ko ang kanyang napaka among mukha.

Ang maganda at mahahaba niyang pilik mata. Ang kanyang matangos na ilong at ang mapupula niyang labi na napakasarap halikan. Ang pisngi niyang ang sarap kurutin lalo na kapag namumula siya. Lahat ng sa kanya ay gustong gusto ko. Sa bawat galaw niya. Sa way nang pagsasalita niya. Sa pag-iiba ng kanyang ekspresyon sa mukha. Sa pagtawa niya. Oh, god. It's an ectasy hearing him laugh. Parang gumagaan ang pakiramdam ko mapakinggan ko lang ang tawa niya lalo na kung ako ang dahilan nito. It's a euphoric feeling.

His heart captivating smile. I still remember the first time I saw him smile. Napangiti ako at inalala ang unang pagkikita namin.

Flashback

First day of school ko ngayong college kaya maaga akong gumising. Agad na akong naligo at nagsuot ng damit. Pwede pa namang naka sibilyan ngayon since first day pa lang naman. Baka next week pa kami mag u-uniform. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at ngumiti.

"Ang gwapo ko talaga." puno ng confident kong puri sa sarili ko. Nag spray na ako ng pabango ko at bumaba na ako para kumain.

"Good morning! Ang gwapo talaga ng panganay ko." bati sa akin ng mommy ko at lumapit pa ito sa akin saka hinalikan ang noo ko.

"Good morning din 'my." ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya at tahimik na naupo para kumain.

"'Di ba ngayon ang first day mo sa college?" tanong nito sa akin. Naupo na rin siya sa tabi ng bunso kong kapatid, si Josiah. Naka uniform na rin 'to. Nauna nga lang ang academic year nila since grade school pa lang naman siya.

"Opo." maikli kong sagot.

"Ihatid pa ba kita?"

"Huwag na mommy. Kaya ko na po ang sarili ko." since patapos na rin akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanyang papasok na ako.

Agad na akong sumakay ng kotse ko na regalo sa akin ni mommy pagka graduate ko ng Senior High School. Pinaandar ko na ito at nagtungo na sa paaralan namin. Pi-nark ko na ang sasakyan ko at nagtungo na muna sa registrar. Wala pa kasi akong copy ng schedule ko.

Nagmadali na ako dahil alam kong marami ring estudyante ang mag i-inquire. Baka ma-late pa ako kung magkataon.

Pagkaliko ko sa isang hallway ay may nabangga akong tao.

"Ay, sorry po." ang agad niyang paghingi ng paumanhin.

"No it's okay." sabi ko naman.

"Sorry po talaga." napatingin naman ako sa mukha niya. Nakangiti siyang parang nahihiya dahil sa nangyari. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiting iyon. Parang tumigil naman ang mundo at nawalan ako nang pandinig nang makita ko siya. Napatitig lang ako sa kanya. Nagsasalita siya pero wala akong mainitindihan at nakatingin lang ako sa kanya. Ang ganda ng mata niya. Ang tangos ng ilong niya. At ang labi niyang mapulang parang nag slo-mo habang nagsasalita siya.

Bumalik naman ako sa reyalidad nang magsalita ulit siya.

"Sige po, kuya. Late na po ako. Sorry po talaga." umalis na siya at naiwan akong nakatanga sa hallway habang sinusundan siya ng tingin. Hindi ko alam pero napangiti ako. Ang weird ng feeling. Ba't gano'n ang naramdaman ko nang makita ko ang mukha niya? Lalo na ang ngiti niya. Pinakalma ko naman ang puso kong mabilis pa rin ang pagtibok.

"Uy, pre. Nandito ka pala. Tara na. Male-late na tayo." narinig kong nagsalita sa likod ko. Si Kian pala. Kaklase ko nga pala 'to. Matagal ko na rin itong kaibigan.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon