Chapter 5

13.9K 743 174
                                    

My breathing is so heavy as I continuously bang on Kuya Apollo's door. Para akong iniihaw rito habang naghihintay na pag buksan niya ako. Saan ba ang lalaking ito at ang tagal mag-bukas ng pinto! Kadalasan ay sumisigaw na rin siya sa inis kapag binubulabog ko siya sa kwarto niya. 

"Apollo!" I intend to make it sound disrespectful in the hopes that that will grab his attention if he really is ignoring me right now. To no avail.

Napa-hinga ako ng malalim. Wait, is he even home? We went home together pero baka umalis ulit at mukhang may ka text pa kanina ang loko loko!

"Apolinario, why are you shouting? It's ten in the evening!" Boses sa unahan. Napatalon ako sa gulat. Si Daddy na naka-robe at tila na-istorbo sa mga sigaw ko.

"Dad, si Kuya? Umalis ba?" Tanong ko habang umaatras pabalik sa pinto ng room ko. Hawak hawak pa rin ang ticket.

"Yes, he went back to Fort to go to a club with his friends." Aniya. I smiled apologetically.

"Alright. Sorry for the noise. Good night." Tumalikod na ako. Just when I'm about to grab the door knob he spoke behind me.

"Congratulations. Good night."

At narinig ko na ang pagsara ng pinto nila ni Mommy. I frozed. Ilang segundo pa akong tulala na nakaharap sa pinto bago ko naramdaman ang pag-lusaw ng puso ko. I blinked my eyes multiple times as I inhale heavily. I went inside my room again and sat down the bed.

Tumitig ako sa ticket pero nagtatalo ang isip ko sa dalawang bagay. Daddy's cold congratulations to me and the ticket itself. My father is not the showy type of parent. He rarely express his emotions even to my Kuya— whom he's very proud and fond of as the eldest child. Ano pa sakin na medyo tutol siya sa kasarian ko. But him finally showing me an emotion since I have started to transition is such a big blow to me. Hindi ko namalayang napaluha ako habang naka-titig pa rin sa ticket.

Hindi ko pinatagal ang pagmuni-muni dahil bukod sa likas akong hindi nagpapa-dala sa issue ko rito sa loob ng bahay ay naibalik ko agad sa ticket ang atensyon ko.

I giggled as I grabbed my phone again. I opened the empty chat box for the two of us. Magkatabi lang ang pictures namin at nagsasabing nag matched kaming dalawa. Hindi ko pa rin mapigilang kiligin. It has been months and yet I still cannot get over it.

Parang tumalon ang puso ko nang aksidente kong napindot ang 'type a message'. The keyboard popped up at halos atakehin ako na baka may ma e type at ma e-send lalo na ngayong namamasa ang mga daliri ko. The fuck!

Agad kong pinatay ang phone at tinakpan ang mukha ko ng unan. Sumigaw ulit ako. Pinahid ko ng mabuti ang mga kamay ko sa comforter ko kasama ang phone ko. Nang masiguradong hindi na namamasa ay binuksan ko ulit. A sigh of relief came out from me as I've found no messages in the chat box.

To prevent myself from doing any stupid things, I turned off my phone and called it a day.

I woke up in a cold afternoon with a smile on my face. I checked my phone immediately and look for a notification from the app. Most were just recent matches and some messages but none of them came from Ty. I stopped and suddenly wonder if that's really his name. Ty? Oh, I'm sure that's not his complete name. Anong kasunod kaya? Tyty? And how is it pronounced if it's really like that? Titi? Hehehe.

Naka-ngisi ako habang pababa ng hagdan upang kumain ng almusal. Still wearing my silk satin pajama pair. Naabutan ko ang nag-iisang kaagapay namin sa bahay— si Nang Lupe. Tumandang dalaga kakatrabaho bilang kasambahay sa iba't ibang pamilya mula Visayas hanggang sa napunta rito sa Luzon. She's a Cebuana and she does all the household chores. Nakakaawa nga pero lagi niya namang iniinsist na sanay sya at hindi naman gaano kalakihan ang bahay namin. Well, that's true.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon