. . . ⇢ 07 ˎˊ˗

877 41 6
                                    

"joy! joooooooyyyy!"

patuloy ang pagtawag ni jay kay joy na nagmamadali sa paglalakad para hindi siya maabutan ni jay. ayaw kasi ni joy na nakikita si jay dahil nabi-bwiset siya dito.

ilang araw na rin mula ng maging magka-partner sila sa pageant pero kahit nasa practice room sila ay hindi pa rin pinapansin ni joy si jay na pinagtataka ni jay.

wala naman kasing naaalalang ginawang masama si jay para layuan at iwasan siya ni joy. at sa totoo lang, mas gusto pa ni jay na sinusungitan siya ni joy kaysa sa nilalayuan at hindi pinapansin.

nagpatuloy lang sa paghabol si jay kay joy hanggang sa mapatigil ang lalaki sa paghabol dahil may babaeng biglang nangharang sa kanya. napatingin si jay doon at nagtatakang tiningnan ang babae.

"oh, lucy?" sambit ni jay matapos makilala kung sino ito.

si lucy, taga-literature department na natamaan ng bola ng basketball kaya naman dinala siya ni jay sa clinic para ipagamot ang galos nito sa noo dahil sa pagtama ng bola.

napangiti 'yung lucy at kumapit sa braso ni jay. "thank you sa pagdala sa akin si clinic kanina."

ngumiti lang ng tipid si jay at tumingin kung saan niya huling nakita si joy. doon ay nagulat siya nang makita si joy na nakatayo habang pinapanood sila. agad tinanggal ni jay ang braso ni lucy at akmang lalapitan si joy pero agad itong tumakbo palayo.

napakunot ang noo ni jay hanggang sa muli niyang maramdaman ang pagsabit ulit ni lucy sa braso niya. napatingin siya sa babae at nagtatakang tiningnan.

"may kailangan ka pa?" tanong niya dito.

"ano kasi.." napakagat ito sa kanyang ibabang labi at nagpapa-cute na tiningnan si jay. "pwede ba tayong sabay mag-lunch? libre ko para naman makabawi sa ginawa mo sa akin kanina."

natahimik si jay sa kanyang narinig at muling tumingin sa tinakbuhan ni joy saka napabuntong hininga. bumaling siya kay lucy at saka tumango sabay ngiti dito.

"sige."

-♡️-

jay
@rasleader

jay
bakit di ka sumipot sa practice kanina?

jay
hinahanap ka nung teacher sa akin

jay
may problema ba?

jay
joy?

jay
ano bang kasalanan ko? bakit kahit sa chat hindi mo ko pinapansin o kinakausap?

jay
PARK JOY

joy
anuba?

joy
masama pakiramdam ko okay?

joy
sabihin mo bukas din hindi ako makaka-attend

jay
masama pakiramdam mo?

jay
oh, okay

jay
rest well okay?

jay
goodnight

-♡️-

jay @rasleader

mas sanay ako sa joy na dragon kaysa sa joy na feeling peymus at hindi ako kinakausap at pinapansin :(

reply | retweet | reply

*failed to load the tweet*

campus flirt. pjsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon