Chapter 194_ Pagharap sa Kasalanan

183 15 3
                                        


"Umi," gumapang si Loo papunta sa babae. Naliligo na ito ng dugo pero buhay naman ito. Bagamma't naghihingalo ito. Ang tatay nito ay patay na.

Sila na lang ang naiwan doon. Wala na ang mga tao pagkatapos niyang sabihin kung nasaan ang lagusan at kung paano makakapasok doon.

Hindi niya maikilos ang mga paa. Hindi niya maalis ang kung anong nakadikit sa noo niya dahil napapaso siya.

"Ba't mo sinabi, Ru?" tanong nito ng makalapit siya.

"Dahil sinasaktan ka nila." naawang sagot niya. Ang dami nitong sugat sa mukha. Ang isang kamay nito ay wala ng daliri at punit pa ang damit nito. Ang tindi ng ginawa ng mga tao kay Umi para lang mapaamin siya.

"Hinayaan mo na sana na gawin nila ito sa akin."

"Hindi Umi. Mali." Umiling lang siya. "Hindi dapat nila ito ginawa sayo dahil lang nagmahal ka ng isang halimaw."

Ngumiti ito habang unti-unting tumutulo ang luha sa mga mata. Hinawakan ng isa nitong kamay ang teynga niya. "Isa rin siyang Alamid." Wika nito. "Ang lalaking minahal ko ay isang Alamid rin tulad mo, Ru. Namana ng anak ko ang pagiging Alamid niya. May nakakitang ibang tao kaya nabunyag ang lahat at ito ang nangyari sa amin. Alam kong mali. Alam kong bawal ang Alamid at tao pero nagmamahalan kami. Pinili namin ito." tuloy-tuloy ang tulo ng luha.

"Nagsisisi ka bang nagmahal ka ng halimaw?"

Ngumiti ito saka umiling. "Hindi. Hindi ko kailanman pagsisisihna yun. Ang pinagsisihan ko lang, ay kumbakit hindi umalis sa bayan na ito habang maaga pa. Umaasa kasi akong matatanggap ng lahat ang tungkol sa amin pero.."

Hinawakan ni Loo ang kamay nito.

"Pumunta ka doon," taboy nito. Inalis nito ang nakadikit sa noo niya dahilan para tuluyang bumalik ang lakas niya. "Wag mo silang hayaang makapasok sa lagusan papunta sa tahanan niyo. Sige na, Ru."



~~~~~~~


Bumuntong-hinga lang si Loo saka inilaglag ang bato at umalis na lang siya doon. Naalala niya ang lahat dahil doon.

Umalis siya at iniwan si Umi kahit naghihingalo ito. Sinubukan niyang bumalik sa bayan na yun pero, huli na siya. Wala na siyang nakitang buhay sa mga kalahi niya. Kahit ang mga tao na sumugod ay naubos na rin. Para bang nagkaroon ng matinding away ang dalawang lahi hanggang sa walang natira.

May kapangyarihan ang mga halimaw, totoo, pero may panlaban din naman ang mga tao kaya marahil ay yun ang nangyari.

Ng balikan niya si Umi ay huli na rin ang lahat. Nalagutan na ito ng hininga kaya ang nagawa na lang niya ay ang ilibing ito.

Lahat ng yun nangyari dahil sa isang taboo.

Sa katunayan ay kasalanan na rin niya. Nilabag na rin niya ang taboo. Kung hindi siya nagpakita kay Umi at kinaibigan ito, hindi sana niya gugustuhing alamin ang nangyayari dito. Hindi sana niya ito susundan. Hindi sana siya mahuhuli ng mga tao at gagamitin si Umi para takutin siya. Hindi sana niya sinabi ang lahat. Lahat ng yun dahil sa taboo. Tama si Enjeru. Lintik na taboo.

Kaya natatakot siya sa mangyayari kung sakaling maulit yun. Ayaw niyang may mangyaring masama kay Enjeru. Ayaw niyang magaya ito kay Umi. Ayaw niyang marami na naman ang madadamay. Natatakot siyang mangyari yun kaya nagpigil siya.

Lumabas na siya ng dating bahay nila at tinuntun ang libingan ng mga Alamid. Wala naman talagang bangkay ang mga ito eh. Kapag ang isang halimaw ay namatay sa Rojo nou o mundo ng mga halimaw ay naglalaho na parang bula ang mga ito.

Kaya gumawa siya ng libingan para sa lahat ng nasawi.

Pinagmasdan niya yun at may mga halamang ugat na ang nakagapang doon.

May nadinig na pag-singhap si Loo kaya nasundan niya yun ng tingin.

Nagulat siya dahil may mga puting Alamid ang nakatayo sa di kalayuan. Suot ng mga ito ang sinaunang damit ng mga hapon. Ang nagpaagaw sa atensyon niya ay ang puting Alamid na nakatayo sa gitna ng mga ito. Puti ang mahabang buhok at dilaw din ang mga mata.

May dala itong pumpun ng rosas.

May tatlong lahi ng halimaw na Alamid ang Rojo nou. Pula, puti at Itim na Alamid.

Nasa pulang Alamid siya at ang mga pulang Alamid lang din ang naubos sa nangyaring digmaan doon laban sa mga tao.

Nasa ibang bayan nakatira ang mga puti, at ang mga ito ang mas mataas sa lahat ng mga Alamid.

Napatingin siya sa Alamid na nakatayo sa gitna at sa dami ng buntot nito, isa itong prinsepe.

"Isang pulang Alamid?" may gulat sa mukha nito pero nakatitig lang sa kaniya. "Hindi ko alam na may pulang Alamid pa pala."

Marahil ang mga nakasunod dito ay mga kawani.

"Pero naubos na ang mga pulang Alamid sa digmaan laban sa mga tao." wika ng ibang Alamid sa likod nito.

"Hindi naman siguro malabong may isang alamid ang nakatakas diba?"

"Hindi. Nangyari lang ang digmaan sa una pa lang dahil may isang taksil na Alamid ang nagkanulo dahilan para mapasok ng mga tao ang lagusan."

Tinitigan lang ni Loo ang mga ito. Nakipagtagisan lang ng titig sa kaniya ang prinsepe. Nadidinig na niya ang tungkol dito at kilala niya ito. Iyon lang siguro ang unang beses na nakita na niya ito.

"Ikaw ba ang taksil na yun?" tanong nito sa kaniya.

Humarap si Loo at naglakad ng bahagya dito. "Ako si Ru Kurama, kamahalan."

"Ru Kurama?" naikunot nito ang noo. "Ikaw ang anak ni Daichi Kurama?"

Tumango siya.

Hindi na kataka-taka kumbakit kilala nito ang papa niya. Ang papa niya ang Pinuno ng mga pulang Alamid. Madalas itong pumunta sa tahanan ng mga puting Alamid kapag nagme-meeting.

"Isang taksil ang anak ni Pinunong Daichi?" bulalas ng mga Alamid.

"Kung gayon," pormal lang ang prinsepe. "Anong ginagawa mo dito pagkatapos ng mahabang panahon, Ru?"

"Nandito ako para harapin ang parusang nararapat sa akin." Malamig na turan niya.

Iyon lang ang paraan niya para matahimik na siya. Para mapagbayaran ang nagawa niyang kasalanan. Gusto na niyang makawala sa masamang alaalang yun.


=============================

Next, Chapter 195_ Katotohanan

Updates on 3/24


Sorry sa almost late update readers. Sama ng mood ng internet namin ngayon. Kakabalik lang ng buset.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now