. . . ⇢ 19 ˎˊ˗

710 36 14
                                    

two days.

two days ng nagtataka si joy sa mga inaasta ni jay at dahil din doon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inis. sa loob din kasi ng dalawang araw na 'yon ay pakiramdam niya iniiwasan siya ni jay.

and she hates it.

postponed din ang pageant pero ang school festival ay tuloy pa rin kung kaya't madami ngayong mga estudyante ang pakalat-kalat at may mga kanya-kanyang booth na binabantayan.

she frowned as she saw jay walking with his friends, ni-ki and jake. pero mas lalo siyang napanguso matapos makita si lucy na tumatakbo papunta kay jay at agad kumapit sa braso nito.

ang mas nakakainis pa ay lahat sila pinapansin ni jay pero siya, papansinin lang siya saglit pero bigla itong mage-excuse na may gagawin pa siya, na may pupuntahan pa siya o 'di kaya ay busy siya.

ni-hindi na nga rin siya chinachat o hinaharot man lang ni jay gaya ng palagi nitong ginagawa sa kanya. nakakapanibago lang at wala siyang ideya kung bakit biglang naging ganito si jay sa kanya.

"nakabusangot ka diyan?"

napatingin si joy doon at nakita si julie na ngayon ay nakaupo na pala sa tabi niya. kasama ni julie si heeseung syempre, pero humiwalay muna silang dalawa para makisama sa mga kaibigan nila.

hindi sumagot si joy habang si julie ay kunot-noong tiningnan kung saan nakatingin si joy ngayon. nang makita niya 'yon ay unti-unting napa-angat ang gilid ng labi ni julie sabay tusok sa tagiliran ni joy na ikinagulat nito.

"julie, 'wag ka ngang nangingiliti bigla!" bulaslas ni joy at saka tiningnan ng masama si julie na nakataas ang kanang kilay sa kanyang tabi.

"kaya naman pala nakabusangot mukha mo, may ibang babae naman pa lang kasama si jay mo—"

"jay ko!? ulol." agad niyang putol dito.

napailing-iling na lang si julie, "alam mo joy kung ayaw mong may ibang kasama si jay umamin ka na lang na may gusto ka sa kanya para diretso happy ending na agad."

kumunot ang noo ni joy, "paano ako aamin kung hindi ko naman talaga siya gusto?" hindi maitago ang pagka-irita sa boses niya.

hindi niya kasi maintindihan kung bakit pinipilit ni julie na gusto niya si jay kahit hindi naman talaga? bakit ba kailangan pang ipilit ang bagay na wala namang katotohanan?

"hindi mo talaga siya gusto?"

agad na tumango si joy, "hindi!"

"then why are you staring at them as if jay did something wrong? paalala ko lang joy, hindi dapat magselos kung wala namang label." paalala ni julie na ikinatahimik ni joy.

pero hindi naman ako nagseselos, di'ba?

campus flirt. pjsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon