BONUS CHAPTER 2(Honeymoon)

19.8K 713 291
                                    

" Congrats!" Bati sa amin ni Zeke at Katie habang nasa tabi ko si Keian.

Bumalik kami sa hotel kasi dun ang reception ng kainan.

Tapos na yung event at lumilibot kami sa mga table para batiin yung mga bisita.

" Thank you!" Nakangiting nagyakapan yung dalawang lalaki habang halos mabuhat na ako ni Katie nang yakapin niya ako.

" Myghaddd. Kasal na kayooo! Akala ko hindi na magkakaroon ng asawa si Kei eh" natawa kaming dalawa habang tinignan siya nang masama ni Keian.

" Ano tingin mo sa akin? Hindi tao? Ako nga, hindi inasahan na magkakatuluyan kayo ni Nicolas" si Zeke naman ang yumakap sa akin.

" At bakit naman Kei? Anong ang hindi kagusto-gusto sa akin? I'm handsome, hot, cool, smart, sexy, gorgeous---ow!" At dahil ako ang pinakamalapit kay Zeke, ako ang unang bumatok sa kanya sumunod naman si Katie.

Baka masabi pa niya lahat ng mga subject complement eh...

" Hindi kita gusto nung una noh! You seduced me kaya and I hate you for that!" Sabi ni Katie dito.

Nanlaki ang mata ni Zeke at hindi makapaniwalang tumingin kay Katie.

" What? Why?" Umirap si Katie at pinagkrus ang braso.

" There's a lot of reason why I don't like you in the first place... You're arrogant---" Nagkatinginan kami ni Keian nang magsimulang idescribe ni Katie si Zeke. Mwahaha.

Ngumisi si Keian sa akin tsaka bumulong.

" Let's get out of here before they start fighting..." Sumang-ayon ako dito at magkahawak kamay kaming pumunta sa isa pang table.

Kung nasaan yung mga maid sa mansyon kasama si manang, at yung mga agents na nakilala namin.

Unang lumapit sa amin sina Commander Levi at Semil.

" Congrats on your wedding" propesyonal at nakangiting sabi ni Commander Levi.

I shook his hand and Keian did the same.

Binati din kami ni Commander Semil.

" Thank you for coming" sabi ko sa dalawa.

Habang kinakausap ni Keian yung commanders, humarap ako kila Ema, Jane, Roxy at Manang.

" Ateeee!" Excited na sabi ni Roxy.

" Roxyyy" bati ko pabalik.

Nagtata-talon siya habang nasa harap ko.

" Ang ganda mo talaga ate. Congrats!!!"

" Oo nga Nass, kinabog mo mga artista" ngumiwi ako kay Ema.

" Hindi naman, magkasing ganda lang tayo"

" Naku, huwag ka nang maging humble Nassandra!" Sabi naman ni Jane.

" Hay naku kayong mga bata, lahat kayo magaganda" sambit naman ni manang kaya napatingin kami sa kanya.

Nagkatinginan ang tatlong dalaga, hindi ako kasama tsaka sabay sabay nilang sinabi na;

" Ikaw din manang ehhhh" nagtawanan kami at nagkwentuhan hanggang sa naramdaman kong hinawakan ni Keian ang bewang ko.

" Uy" gulat kong sambit. Hinalikan niya ang pisngi ko at sinuksok ang mukha sa leeg ko.

" Alis na tayo dito" sabi nito. Kinunutan ko ito ng noo at bahagyang lumayo sa kanya.

" Ang dami dami pang bisita eh, hindi pa nga natin nababati lahat" ngumisi ito sa akin.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon