Chapter 35

157K 7.2K 4.3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG35 Chapter 35

"Text mo ko pag uuwi ka na," sabi ni Indie sa akin. It's either kinu-kunsinti niya iyong katangahan ko... o magaling lang talagang umarte si Indie. Nang sabihin ko sa kanya iyong nangyari kanina, sinabi niya sa akin na ihahatid niya ako kay Nikolai. Para lang daw matapos na 'tong iniisip ko.

Hindi ko nga alam kung tama ba na nandito ako! Hindi ko rin naman alam kung paano ko iinterpret iyong reply niya kanina!

Seriously?

Wala naman kasing tono sa text!

Seriously as in... seryoso ba?

O baka naman seriously as in... lol you wish.

Hindi ko alam kung paano iinterpret! Wala namang naituro sa Statutory Construction tungkol sa ganitong bagay!

"Patanga lang ako nang patanga," sabi ko habang naka-tayo sa labas ng sasakyan ni Indie.

"True that," sagot niya. Napa-irap ako. "But also, gawin mo na para matapos na. 'Di naman kita ija-judge. Baka naman miss mo lang katawan nun," sabi niya tapos sinamaan ko siya ng tingin.

Syempre namimiss ko 'yun...

Pero hindi lang naman 'yun.

Alam mo iyong feeling na nakita mo sa iisang tao iyong best friend at lover mo? Iyon siya, e. Gets na gets niya lahat sa akin. Tapos biglang nawala... Kasi ako mismo iyong hindi maka-intindi sa sarili ko. Understandable naman siguro iyong panghihinayang na nararamdaman ko.

"Joke lang naman!" sabi niya na tuma-tawa. "But text me lang. Nag-aaral lang naman ako somewhere, as always."

Tapos ay mabilis na umalis si gaga para raw wala na akong choice. Siya kasi iyong nagsasabi sa akin palagi na kausapin ko na raw si Nikolai para mawala na 'yung pag-aagam-agam ko sa buhay. Tama naman siya... malapit na talaga iyong BAR exam namin. Ayoko naman na distracted ako sa kanya kapag nag-e-exam na ako...

Kailangan kong pumasa agad.

Take one lang.

Kung akala ko dati madadaan ko sa matinding memorization skills, ngayon hindi na. Sobrang kinabahan ako nung nagkwento si Shanelle sa akin... kasi biruin mo 'yun? Si Shanelle na 'yun! Valedictorian ng Brent tapos bumagsak nung unang take! Kamusta pa ako?

Kaya tama lang talaga 'to na puntahan ko si Nikolai.

Uubusin ko na iyong kahihiyan ko ngayon... tapos sana ay tama na.

Stop na.

Hindi ko alam kung nandoon pa rin siya sa dati niyang hotel room. Baka kasi nagpalit na rin siya... kasi dati nagpalit siya ng sasakyan dahil lang naaalala niya ako sa sasakyan na 'yon. Kahit gaano niya pa ka-paborito iyong sasakyan, pinalitan niya dahil lang sa akin.

Sobrang lala pala talaga ng tama niya sa 'kin.

Sayang kami.

Diretso lang akong naglakad na para bang naka-check-in din ako doon. Nginitian ko lang iyong bantay sa elevator at pinindot niya naman iyong floor kung nasaan iyong kwarto ni Nikolai dati. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapa-nood ko iyong pagtaas nung numero.

Itodo na iyong katangahan.

Siguro naman madadala na ako pagkatapos nito.

Huminga ako nang malalim nang huminto ako sa harap ng kwarto niya. Ilang beses akong sumubok na kumatok, pero lagi akong natitigilan. Muli kong ipinikit ang mga mata ko, humugot ng malalim na hininga, at saka kumatok nang tuluyan. Bahala na.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon