Chapter 02

252K 3.7K 394
                                    

Selena’s POV

 Bwisit na manyak yun. Ang gwapo este ang sarap halayin este ang panget niya. Bwisit. Nagpunta lang ako sa isang botique at bumili ng isang simpleng off shoulder na damit at sinigurado ko na hindi na kulay white instead pinili ko yung kulay black. Kasing itim ng buhay ko ngayon. Letche na yan. Pagtapos kong magbihis, kumain lang ako at nagmadali na dahil kailangan ko pang humanap ng matitirhan. Hindi ako pwedeng mag check-in sa hotel dahil hindi kakasya ang pera ko dahil wala pang laman ang credit card ko because of my dearest mother. And I must congratulate her dahil nagtatagumpay siya sa pagpapahirap sakin!

Naglakad lakad lang ako hanggang sa may nakita akong karatola na may nakasulat na “Room for rent. If you’re interested, go inside this room number blablabla” Agad naman akong lumapit at tinignan kung anong room number. Naks. Hotel lang ang peg? Anyway, para kasi siyang apartment na dikit dikit. Tas sa upper part ng pinto, may mga number siya. Para siguro hindi malito. Mga more than 10 din kasi ‘tong rooms na nandito. Ang hirap mag explain. Bahala na kayong maguluhan.

Room 202 yung nakasulat sa tarpaulin whatever. Pinuntahan ko naman at kumatok. Sabay pasok. Eh ba’t ba. May nakalagay na post sa pinto eh, “Knock 3 times before you enter.” Nakatok na kong 3 times kaya pumasok na ko. Bahala yung tao dito kung hindi niya narinig. Pagpasok ko naman, may babaeng around 40’s ang nakaupo at nakatutok sa harap ng laptop niya. Nanunuod siya ng porn. Seryoso.

Joke. 

“Ah excuse me, I just want to ask if may available room pa ba kayo?”

 

 

“Oh, hi. I’m Lory. Ate Lory na lang. And you are? And yes, we still have one room available.”

 

 

“Glad to hear.  Btw, I’m Selena. Ahh.. mag rent po sana ako. And pwede na bang mag stay don today?” I tried all my best para magmukhang mabait sa harap niya. Mahirap na magtaray baka mamaya sa kalsada pa ako bumagsak nito.

“Yes. Pwede na since maayos naman yun.” Nag-usap lang kami. Tas nag bayad na rin ako ng advance payment for 3 months. Hinatid nman ako ni Ate Lory sa room. Ayos naman at isa pa, parang it’s too big para sa one person lang. I mean, sa lahat ng rooms dito, eto ang naiiba. Nasa pinaka middle kasi. And MAS malaki siya obviously sa ibang rooms dito. Kaya nagtataka ako. But bahala na. Inayos ko na yung mga gamit ko at habang nilalagay ko sa kama yung mga damit ko, dun ko lang napansin na dalawa yung kama. Wtf. Don't tell me.. No, no. Maybe nakalagay lang talaga diyan.

Pagtapos kong ayusin yung mga gamit ko. Nahiga lang ako. Matutulog ako. Kailangan ko ng beauty rest. Kaya yung mga panget diyan, hindi niyo kailangan ng beauty sleep. HIBERNATE ang kelangan niyo. 

 

Clyde's POV

Kakatapos ko lang kumain ng tumawag sakin si Mama. Nakahanap na daw siya ng bago kong titirhan. Sinabi ko sa kanya simula pa lang na ayoko ng condo. Ayos na sakin yung sa simpleng apartment lang. Hindi porket drop dead gorgeous ako, magiging maarte na ko. Hindi dapat ganon pag gwapo at hot. Pero nakakainis 'tong si Mama. Sinabi ko naman na ako na lang hahanap pero hayaan na lang. At least, pabor sakin. Walang hassle.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon