Kabanata 16

2.4K 107 8
                                    

Parang hinahalukay ang tiyan ko sa sobrang kaba. Dama ko ang namumuong pawis sa aking noo na sinabayan pa ng panlalamig ng mga palad ko.

Binasa ko ang aking pang-ibabang labi at pasimpleng sinulyapan si Rhys na prente at kalmadong nakikinig sa nagre-report sa unahan.

Si Rhys kasi ang gumawa ng report namin. Sinend lang niya sa akin sa messenger kagabi para mapag-aralan ko, ngunit sa kasamaang palad ay nasa ikalimang slides pa lang ako ng PowerPoint ay nakatulugan ko na.

Pagkalipas ng labing-limang minuto ay natapos na sina Shae. Napanguso ako sa inggit dahil kahit ginisa sila ng napakaraming tanong ng professor namin ay nasagot nila iyon nang maayos at wala man lang mababakas na kaba sa mukha.

Oh well, perks of being matalino.

“Be ready. Tayo na ang next,” malamig na wika sa akin ni Rhys.

Muli kong binasa ang aking pang-ibabang labi bago kinakabahang tumango. Mas lalo pang dumoble ang kalabog ng aking dibdib. Tulala ako habang sine-set-up ni Rhys ang projector sa unahan.

“Ayusin mo. Dapat masagot mo ang lahat ng tanong, huwag kang magkakalat...” mariing bulong ni Rhys, hindi ko alam kung paalala ba iyon o pagbabanta.

I took a deep sigh before flashing a smile to our professor. Rhys explained his part and I explained mine. Medyo nanginginig pa nga ang boses ko ngunit dinaan ko na lang iyon sa simpleng tikhim nang pandilatan ako ng ka-partner ko.

And as I expected, binato rin kami ng maraming tanong. May ilang nasasagot ko pero mas marami yata ang hindi. Good thing, mabilis na nasasalo ni Rhys ang tanong at matiwasay niya iyong nasasagot.

So far so good ang kinalabasan ng report... pwera lang yata rito sa babaeng katabi ko at kanina pa ngumangawa sa panggigigil.

“Ang ayaw ko talaga eh 'yong tinitira ako patalikod...” malakas na aniya at dinig ko ang impit na pagtawa ng mga ka-blockmates namin.

“Kung may galit ka sa 'kin, huwag mong sabihin sa iba, i-direkta mo kaagad sa akin. Paano tayo magsasampalan niyan?” patutsada pa nito.

Pinaparinggan nito iyong ka-partner niya na mabait lang kapag kaharap siya pero grabe siya kung siraan kapag nakatalikod. Wala na ngang ambag sa mga activities, malakas ang loob para magreklamo.

Maging si Shaeynna na tahimik na nakaupo sa isang sulok ay natatawa at napapailing na lang din sa kaibigan naming naghihimutok sa galit.

Sumulyap ako sa wristwatch ko at nang mapagtantong bakante pala kami ng dalawang oras ay naisipan kong lumabas muna ng campus para bumili ng damit na susuotion namin bukas nina Nanay sa birthday party ng Mommy ni Reyster.

Simpleng handaan lang iyon. Nothing extravagant, ika nga. Tanging malalapit na pamilya at kaibigan lang ang imbitado katulad nang nakasanayan.

May kaya man ang pamilya nila, hindi sila nababahiran ng kahit anong karangyaan o kayabangan sa katawan. Maging sa pananamit. Sa paraan ng pagkilos. Lahat ay napaka-natural.

Marami namang clothing boutique na nagkalat sa labas ng campus. Kasama ko si Trisha dahil magaling siyang pumili. Pinaghandaan ko talaga ang bagay na ito. Pinag-ipunan ko nang matagal mula sa baon na binibigay ni Nanay.

“Sino bang dadalo ro'n?” tanong ni Trisha habang pumipili ng damit para sa kaniyang sarili.

Tapos na kasi ako. Siya na lang ang hinihintay ko at didiretso na kami roon sa counter.

“Ako, si Nanay, si Albert, at Marie. Bakit?”

Ngumuso siya at pinagtaasan ako ng kilay. “Eh bakit lima 'yang binili mong damit? Apat na pambabae at isang panlalaki...”

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon