Chapter 3

357 34 4
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Paulit-ulit ko atang kinukulit si Jean kada araw, sa kabilang banda naman ay paulit-ulit n’ya rin akong hindi pinapansin. Sa isang araw ata ay nakaka-sampung tawag ako sa pangalan n’ya na may iba't ibang emosyon at tono, pero ni isang beses ay hindi n’ya ako sinagot. Kahit pasaglit na tingin nga ay hindi pa n'ya magawa minsan.

Ultimo ata sa panaginip ko ay natatawag ko na ang "Jean!" at pagkatapos no'n ay bigla na lang akong magigising kung saan sikat na ang araw. Pero kahit pa roon sa mga panaginip ko ay mailap din s'ya, walang pinagbago. Gusto ko mainis, pero ako naman ang nagpupumilit sa ginagawa ko. Para akong tanga kung pati sarili ko ay kaiinisan ko.

Kaya nakaisip ako ng plano. Tuwing umaga, hinihintay ko s’ya sa labas ng classroom namin para batiin s’ya ng magandang umaga. Ngunit nang mapansin n’yang sinasadya ko ata iyon ay mas inagahan n’ya ang pasok, pero syempre hindi ako magpapatalo.

Heto tuloy ako ngayong Biyernes, alas-sais ng umaga at nasa labas na ako ng classroom—naghihintay sa kan’ya kahit alas-syete pasado pa ang simula ng klase namin. Humikab ako at kinusot ang mga matang kong pilit kong ginigising.

Napatuwid ako ng tayo nang makita si Jean sa dulo ng hallway. Sabi ko na nga ba, mas maaga s'ya papasok ngayon. Napangiti ako na agad ko rin naman binawi. Pakiramdam ko kasi ay nanalo ako dahil lang naunahan ko s'ya.

Bigla itong napatigil sa paglalakad nang madatnan ako, kumaway naman ako sa kanya. Wala namang parte sa'kin na umaasang kakaway s'ya pabalik kaya hindi na 'ko nanlumo nang hindi n'ya 'ko pansinin at ibinaba na lamang ang kamay ko. Lumakad lang s'ya papalapit sa kwarto ng diretso ang tingin na parang walang nangyari.

“Good morning, Jean,” bati ko na may kasamang ngiti. Nang dumaan s'ya sa harapan ko ay naamoy ko ang pabango n'yang kaamoy ng pinaghalong iba’t ibang bulaklak.

Lumapad lalo ang ngiti ko nang tumigil s'ya sa harapan ng saradong pinto ng classroom bago bumaling sa'kin na may ekspresyon na mukhang nagtatanong. Nahinuha ko agad ang pinaparating n'ya at hindi ko mapigilan ang matuwa pa lalo.

"Na kay President ang susi, kaya hindi pa tayo makakapasok," banggit ko habang nakaturo sa may seradura. 

Napabuntong hininga 'to at napakamot ito ng ulo n'ya, napansin ko tuloy na basa pa ang buhok n'ya. Hindi katulad dati noong mga bata pa kami na laging nakaipit ang buhok n'ya lalo na't kulot s'ya at makapal ito, ngayon ay lagi na itong nakabagsak.

Wala kaming tanging uupuan kung 'di ang sahig, kaya nilapag ko ang bag ko at tinapik iyon nang mahina para maging patag. 

"Umupo ka muna," aya ko sa kan'ya. 

"Sanay akong tumayo," tanggi nito. Isinandal n'ya ang likod n'ya sa malamig na pader at humalukipkip. Lumayo ang tingin n'ya at napunta ito sa dulo ng hallway na walang katao-tao.

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon