Chapter 11

221 21 5
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Pagkatapos kong marinig lahat ng hinaing ni Jean tungkol sa Dumangan ay nag-isip akong mabuti kung paano ko maaalis ang hindi n’ya magandang pakiramdam sa lugar na ‘to. Sisiguraduhin kong mamahalin n’ya ulit ang Dumangan.

Kaya una, kailangan n’yang maramdaman na parte s’ya, na hindi s’ya kakaiba. Hindi ko s’ya babaguhin, pero kailangan s’yang tanggapin ng mga tao kung ano s’ya. Walang mali kay Jean, papatunayan ko ‘yon sa lahat.

Pangalawa, kailangan n’yang magkaroon ng kaibigan. Hindi pa sapat na ako lang, baka may ibang tao na mas magiging komportable s’yang kasama, o kausap. Labasan ng mga problema n’ya, mas mabuti iyon.

Pangatlo at panghuli, kailangan n’yang lumahok sa mga bagay. At dahil parte ako ng student council, mas madali itong unahin. May tiwala ako sa sarili ko na kaya kong matupad ang mga plano ko, at magsisimula ito ngayong araw na mismo. 

Dahil intramurals na, ang mga estudyante at mga kalahok sa mga palaro ay abala. Ang mga lalaban sa palarong magaganap ay nagsasanay, habang ang klase naman ay nandirito ngayon sa classroom para pagplanuhan ang gagawing pagsuporta. Malaking bagay raw pala ito ayon kay Earl, at kadalasan ay may namumuno pa para sa cheering team ng klase. Iba’t ibang pakulo ang ginagawa ng mga cheering team bawat section.

Napatingin ako sa harapan ng klase kung saan si Dani, ang presidente ng klase.

“Sino ang may balak na maging leader para sa cheering team ng klase?” tanong nito habang nakapatong ang dalawa n’yang kamay sa lamesa na ginagamit ng mga guro.

Siniko ako ni Earl. “Ikaw na, pre,” pilit nito.

Sinimangutan ko ‘to. “Baka nakakalimutan mo na ako ang kanang kamay mo sa student council, marami pa tayong kailangang gawin para sa foundation week,” paalala ko sa kan'ya. 

Napa-awang nang bahagya ang bibig ni Earl atsaka tumango. “Oo nga pala, nawala sa isip ko.”

“Wala? Walang may gusto?” patuloy na pagtatanong ni Dani nang walang sumagot sa kan'ya. Katahimikan ang nanaig sa klase.

Gusto ko sanang sabihin kay Dani na wala, wala talagang may gusto. Sa susunod na linggo na ang foundation week kung saan ang iba naman ay nakatalaga para sa booth. Ang iba naman ay paniguradong walang pakialam. 

Nagtaas ako ng kamay at nang makita ni Dani iyon ay bumilog ang mga mata nito. 

"Ikaw, Vale?" may sigla sa tonong banggit n'ya. 

"Hindi ako… pero may alam ko kung sino ang pwede," sagot ko. Bumuntong hininga ako bago tumayo sa kinauupuan ko para tumungo kung nasaan si Dani. 

Humarap ako sa klase at nagbigay ng maliit na ngiti. "Si Jean. Pwedeng s'ya ang maging leader para sa cheering team ng klase, tutal walang may gustong mag volunteer, suhestiyon ko na s'ya na lang."

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon