Chapter 12

184 17 4
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Tatlong araw na lang ang natitira bago ang selebrasyon na gaganapin sa eskwela. Ngayong araw na rin ang kahuli-hulihan na pwede naming ayusin ang lahat ng dapat ayusin.

Mukhang tapos na nila Jean ang banner ng section namin, pero mag-isa s'ya ngayon na inaayos ang mga kagamitan katulad ng pintura, tela, at iba pa roon may isang kubo kung tawagin namin; maliit ito na bench na may bubong na nakapwesto sa gilid ng field. 

Dahil wala naman akong ginagawa kung 'di mag obserba at kumustahin ang booth ng klase na tapos ko nang gawin, ay oras na para naman kulitin ko ulit si Jean.

Pumwesto ako sa gilid ng pasukan ng kubo, pero mukhang hindi n'ya ako naaninag, o wala lang s'yang balak mamansin. Mukhang seryoso kasi ang mukha n'ya.

Lumunok ako bago magsalita. "Bakit mag-isa ka lang?" 

Agad na napatingin si Jean sa direksyon ko, nang makita n'ya ako ay naging malumanay ang ekspresyon n'ya. Pabiro rin 'tong umirap.

Gamit ang isang paintbrush ay itinutok n'ya 'yon sa'kin. "Masaya ka bang nakikita akong nagdurusa?" 

"Hindi ah," tanggi ko. "Mukhang masaya ka nga," depensa ko pa. 

Tinikom na lang nito ang bibig n'ya, binitbit n'ya ang mga kagamitan na nasa kubo, pero binitawan n'ya rin ang iba, lalo na ang mga pintura nang mahinuha n'ya na 'di n'ya kayang buhatin ang lahat.

Pumasok ako ng tuluyan sa kubo at kinuha ang ilang maliliit na lata ng pintura. 

"Ako na," pigil sa'kin ni Jean. Akmang kukuhain n'ya na sana ang mga pinturang hawak ko, pero inilayo ko 'yon sa kan'ya. Pilit n'yang kinukuha sa kamay ko, at nang matabig ng kamay n'ya ang isang pinturang hawak ko ay tumapon iyon sa polo ko.

Bumilog ang mga mata ni Jean, bakas rin sa mukha n'ya ang pag-aalala.

"Sorry, ikaw kasi," sisi pa nito sa'kin. Napalinga-linga s'ya na nagpahalata na hindi s'ya mapakali.

"Okay lang, Jean," tawag ko rito. Hinawakan ko ang isang braso n'ya, pero bigla na lang natapunan si Jean ng pinturang hawak ko. Mukhang hindi nasara nang maayos ang lalagyan nito. Nalagyan tuloy ng pintura ang parte na iyon ng puting t-shirt n'ya. 

Napa-awang ang bibig ko dala ng gulat, pati na rin si Jean.  

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa nangyari. "Sorry, Jean! Hindi ko sina-" huli na ang paghingi ko ng pasensya ng hablutin ni Jean ang isang pintura sa kamay ko. Binuksan n'ya iyon, at gamit ang kamay n'ya ay kinalat n'ya ang pintura sa polo ko. 

"Marunong din akong gumanti, Vale," nakangising sabi n'ya. 

Sumingkit ang mga mata ko, tutal may pintura naman na ang suot-suot namin pareho, lulubusin ko na. Agad-agad kong binuksan ang isang garapon ng pintura, at inilublob ko ang isa kong kamay roon. Nang tumingin ako kay Jean ay napaatras na ito, pero dahil maliit ang espasyo ng kubo, idagdag pa na nakaharang ako sa pasukan at labasan nito ay walang takas si Jean.

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon