Chapter 24

189 18 3
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Sa sobrang pagkasabik na nadarama ko ay hindi ako nakatulog nang maayos para sa gaganapin na graduation kinabukasan. Ang maliit na sobre na pinaglagyan ni Jean ng kan'yang mensahe ay hindi ko rin mabitawan. Ang maliliit na bato ay itinuring kong mga piraso n'ya, iniingatan ko ang mga iyon nang mabuti.

Napanatag ang kalooban ko na siguro naman ay maayos lang ang kalagayan n'ya, na dadalo s'ya at kikitain n'ya ako. Naisip ko rin naman kung paano ang mangyayari, lalo na't kapag nakita s'ya ng mga tao. Matagal na ang isang buwan at kalahati kung bibilangin noong simula s'yang mawala. At dahil nga dadalo s'ya, ibig sabihin ba noon ay babalik na s'ya?

Mas mabuti pang alisin ko muna ang iba't ibang mga pag-iisip na kinakain ang kapayapaan na mayroon ako ngayon sa utak ko. Ang mahalaga ay makikita kong muli si Jean. 

Dahil madaling araw na ako nakatulog ay iilang oras lang ang naging pahinga ko. Hindi ko na ininda ang antok ng gisingin ako ni Inay upang maghanda na. Sa alas-sais kasi ng umaga gaganapin ang Baccalaureate Mass, dito ay suot-suot na namin ang toga namin. Ang graduation rites naman ay gaganapin sa alas-dos ng hapon. 

Si Inay lamang ang kasama kong dumalo sa Baccalaureate Mass na may isang oras, o mahigit lang din naman gaganapin. Hindi nakasama si Itay dahil may kailangan pang asikuhin ito kaya maaga itong umalis.  

Nang makarating kami ng quadrangle ng Dumangan High School kung saan gaganapin ang misa ay naghiwalay na kami ni Inay ng pwestong uupuan. Magkahiwalay kasi ang mga estudyante at ang mga magulang. Nang maupo ako sa tabi ng sino ko man na kaklass ay agad kong hinagilap ng tingin kung nasaan man si Earl dala ng kagustuhan ko 'tong makausap. Ngunit hindi ko 'to mahanap, kahit ang mga magulang n'ya ay wala rin sa paningin ko. Mukhang hindi ito dadalo. Napaisip tuloy ako kung ano ang dahilan kung bakit hindi ito dadalo, malabo kasi na hindi iyon dumalo sa ganitong mga selebrasyon sa eskwela lalo na't mataas ang posisyon n'ya sa student council. 

Mataimtim na lamang akong nakinig sa misa, at hinihintay itong matapos. Mainit din ang pakiramdam ng aking mga mata dala ng kakulangan sa tulog kaya kinukusot ko ito para hindi ako makatulog habang sumasabay ang lahat sa pagkanta sa misa. 

Napatingin ako sa langit kung saan naghahari sa ngayon ang mga ulap para matakpan ang araw, sa isang selebrasyon ay mukhang uulan pa ata. Nang matapos ang misa ay parang ayaw pang magsialisan ng ibang mga estudyante at gusto pang magkwentuhan, para sa iba kasi ay maaaring heto na ang huli nilang pagkikita. Ang iba ay magpapatuloy pa ng pag-aaral at magkokolehiyo, ang iba may ibang plano katulad ng pagpili na magtrabaho na, at ang iba naman ay tila wala pang plano. 

Noon, wala ng mas makasisigurado pa sa'kin sa plano na nakalaan ko para sa kolehiyo. Ang nasa isip ko noon ay kukuhain ko ang kursong Political Science, pagkatapos mag-aral ay magtatrabaho ako sa gobyerno ng Dumangan, at kung may pagkakataon na makaipon ako ay bibili ako ng lupa para pagtaniman na magsisilbing negosyo ko kapag tumanda na ako. Lahat ng planong iyon ay nakalahad na, pero nawalan ako ng gana sa lahat ng iyon. Biglang pumasok sa isip ko na masyado ata akong mabilis sa lahat, baka hindi talaga iyon ang gusto ko para sa'kin? Baka mayroon pang iba, baka hindi iyon nasa Dumangan. 

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon