Kabanata 18

2.5K 102 4
                                    

Dismayado. Iyan ang emosyong pinaka-nangibabaw nang sabihin ni Eunice na buntis siya. Noong umalis siya at nalaman namin na sumama ito sa kaniyang boyfriend ay naisip na namin ang posibilidad na iyon... pero hindi ko naisip na gano'n pala kasikip sa dibdib, mahirap pala kapag kaharap mo na mismo.

Masakit pero wala na kaming magagawa pa kundi tanggapin na lang ang lahat. Isinugod pa namin noon si Nanay sa hospital dahil nanikip ang dibdib nito nang ipagtapat ni Eunice sa kaniya na nagdadalang-tao siya.

Isa't kalahating araw lang siya na-confine at nang masigurong ayos na ay pinalabas na siya agad. Marami lang ibinilin ang doctor at nagdagdag pa ito ng gamot na maintenance.

Samantalang sa kabilang banda ay kinausap ko si Eunice nang masinsinan. Sinabi ko sa kaniya na hindi ko i-to-tolerate ang pagkakamaling nagawa niya. Tutulungan ko siya sa pagbubuntis niya. Sasagutin ko ang check-ups at iba pang pangangailan pero kapag pagkatapos niyang manganak at okay na ulit siya ay hindi ko na siya tutulungan pa.

Aalayaan ko pa rin naman siya sa pag-aalaga ng bata pero hahayaan ko siyang humanap ng paraan kung paano niya bubuhayin ang kaniyang anak.

Sa totoo lang ay naaawa ako sa kaniya. Nasasaktan. Nahihirapan... pero hindi ko puwedeng kunsintihin. Kailangan niyang harapin ang consequence ng kaniyang desisyon. Kailangan niyang matutong tumayo gamit ang sarili niyang mga paa... hindi na lang para sa sarili niya kundi pati na rin sa magiging anak niya.

Masiyado nang mabigat ang mga pasanin ko at hindi ko na kaya kung madagdagan pa.

"Mabuti naman at pumasok ka na. Ilang linggo kang nawala ah..." komento ni Trisha nang tahimik akong umupo sa tabi niya.

"Tatlong linggo lang naman. Sa madaling salita, tatlong linggo ka lang hindi nakakita ng maganda..."

Umismid siya. "Ang kapal ng mukha mo. Ngayon ka nga lang pumasok, puro kayabangan ka pa!" asik niya na ikinatawa ko.

Mula naman sa laptop ay nag-angat ng tingin sa akin si Shaeynna. Nang magtama ang mga mata namin ay malungkot niya akong nginitian. Nagsusumigaw ng awa ang paraan ng pagtitig niya sa akin kaya agad kong iniwas ang aking mga mata.

Hindi ko kailangan ng awa ng kahit na sino.

Pagod kong isinandal ang likod ko sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata. Ramdam ko ang bigat at pagod ng katawan ko. Kinailangan ko kasing humanap ng pera para sa check-up ni Eunice sa OB-Gyne, pambili ng vitamins niya at maintenance ni Nanay, pambayad sa renta at iba pang gastusin sa bahay.

Madalas ay dalawang oras lang ang pahinga ko sa isang araw dahil pagdating sa bahay ay ako pa rin ang gumagawa ng mga gawain. Naglalaba, nagluluto, pati na rin ang pag-aasikaso sa mga kapatid. Hindi ko na masiyadong pinapakilos pa si Nanay kagaya ng payo sa amin ng doctor na iwasan daw ang pagpapagod. Si Eunice naman ay gano'n din. Limitado lang ang kaya niyang gawin.

"In fairness, ang swerte mo kay Reyster..." saad ni Shaeynna habang kumakain kami ng lunch sa canteen. "Willing ka talaga niyang tulungan pero ikaw lang 'tong may ayaw."

Sumimsim si Kean sa iniinom niyang juice bago nagsalita. "Oo nga. Bakit nga bang ayaw mong humingi ng tulong dyan sa boyfriend mo? Kung tutuusin, kayang kaya ka noong tulungan." He then pointed my eyes. "Tingnan mo nga 'yang eyebags mo, oh! Mas mabigat pa yata sa shoulder bag ni Shae!"

Nalukot ang mukha ni Shaeynna at hinampas sa braso ang boyfriend niya. "Ang harsh mo naman sa kaibigan ko!"

Sumilay ang maliit na ngisi sa labi ko habang pinapanood silang mag-asaran. Bigla ko tuloy na-miss si Reyster. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil pareho kaming maraming ginagawa. Sa kasalukuyan kasi ay abala rin siya sa training.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon