4

1.2K 75 5
                                    

JAYDEE'S POV


Napansin kong may babaeng umupo sa harap ko. Bakit ba siya nandito? Para makipag kaibigan? tsk nakakatamad.



"Hey, I'm Madie" Pag papakilala niya at naaninag ko naman ang kamay niya sa harap ko. Wala talaga akong balak pansinin ito.



May biglang nag pop up na chat sakin galing Messenger si Amy pala.


Amy: Par kumain kana? Wala akong naluto dyan. Kung kaya mo mag luto, marami namang pang sangkap dyan.


Amy: Breaktime namin kaya, nasabihan kita.



Nag type ako ng irereply ko kay Amy. Nang biglang binaba ng waiter, ang order ko dito sa table.



Tumingin ako dito sa kaharap kong babae, naka ngiti siya sakin. Kita ko sa mata niya kung gaano siya kasaya, nung tumingin ako.



"What" I asked with no emotion.



Tinuloy ko na lang ang irereply ko kay Amy.


Me: Sige par, andito ako sa Mall. Dito na ako kakain, hindi ako marunong luto e hahahaha.



SInend ko na ito at tsaka binaba ang phone, para kumain na.



"Thank you for this food, Lord in Jesus name Amen" Pabulong kong dasal at nag Sign of the Cross.



"Hindi mo ba ako papansinin?" Tanong ng babae sa harap ko. Tumingin ako sakanya.



"Ano bang pakay mo?" Tanong ko pabalik, habang ngumunguya.



"I just want to make friends, is it forbidden?" She asked. Sabi na nga ba, makikipag kaibigan lang ba talaga?



"Crush moko no?" Tanong ko sakanya at hindi ko pinahalatang natawa ako. Nagulat naman siya sa tanong ko.



May narinig naman akong ubo dito sa katabi naming table. ito ata yung kasama niya, parang sinadya niya yung ubo niya.



"Masyado kang mahangin" Sambit nitong babae sakin. What's her name again?



"Ano bang, pangalan mo?" Tanong niya. Muka siyang naiirita, natatawa naman ako sa kilos niya.



"Nandy" I said, Nandy muna sa mga tulad niyang tao. Tsaka na nya kong tawaging Jaydee, pag kilala ko na siya.



"What's your name again?" I asked.



"Grabe, kanina pa ako salita ng salita dito. Hindi mo pa din alam?" Tanong niya at parang napatingin siya sa kasama niya, dito sa tabi namin. Nag uusap sila gamit mata at, parang nagkaintindihan naman sila.



"I'm Madie, i have to go nandy bye" Paalam niya sakin, sabay silang tumayo ng kasama niya at tsaka lumabas ng resto "madie huh" i whispered to my self.



Tinapos ko na itong kinakain ko, at nagbayad na ng bill. Lumabas nako dito sa resto at pumunta sa parking lot. Tinignan ko kung anong oras na sa phone ko, 1pm na pala.



Nag mamaneho ako at pabalik nako sa condo ni Amy. Nang may nakita akong parang nasiraan ng sasakyan. Dalawa sila, yung isa hindi ko mawari kung lalaki o babae.



Parang gusto kong tumulong. Nag park ako malapit sakanila at bumaba.


"Anyare boss?" Tanong ko sa naka pixie cut.



GABB'S POV


May napansin akong nag park dito, malapit samin naka Fortuner.



Bumaba yung clutch ng kotse ko kaya namamatay pag inii-start. Pauwi kami ni Ella galing school kaya dito muna kami. Hindi ko maayos ang kotse ko dahil kulang ako sa pyesa, kaya kailangan talaga namin tulong.



Bumaba yung nag park malapit sa'min, at nagtanong.



"Anyare boss?" Tanong niya sakin. Muka siyang mayaman kung titignan, pero baka mayaman naman talaga.



Napatingin naman sakin si Ella, kaya nagsalita na ako.



"Bumaba yung clutch ng kotse ko pre" sambit ko sakanya.



"Buksan mo yung harap ng kotse mo" Utos nito. Ginawa ko naman, at tinignan niya kung paano gagawin at tinanong ulit ako.




"May pyesa kaba ng, sasakyan mo?" Tanong niya at agad naman ako sumagot.



"Kulang ako sa pyesa pe-" Hindi niya na ako pinatapos at, derederetso siyang pumunta sa kotse niya na parang may kukunin.



Nilabas niya ang mga pyesa niya, na gagamitin sa aayusin.



Pabalik na siya dito, at inaayos na ang sasakyan ko. Halos 20 minutes lang ang tinagal.



"Okay na ito. Start mo nga" Utos niya, at pumunta naman ako sa Driver seat para ii-start. Nag start naman, at pinaandar ko ito ng konti. Hindi na sya namamatay.



JAYDEE'S POV


"Thank you sa tulong ah, Gabb nga pala ito si Ella girlfriend ko" Pagpapakilala niya at ngumiti. Agad ko naman silang kinamayan at tinanguan.



"Nandy" sabi ko at ngumiti, humiwalay na rin ako agad.



"Thank you ulit nandy" Sabi nung Ella. Tinanguan ko nalang ito.



"Mekaniko kaba?" Tanong nung gabb. Mukka ba akong mekaniko? Hindi ko nalang ito pinansin.



"Una na ako, Gabb Ella" Paalam ko sakanila. Baka hinahanap na ako ni Amanda.



"Sige, kami din" Sabi ni Gabb at sumakay na sa kotse niya.



Tumalikod na din ako, at nag lakad papunta sa kotse ko.



Pauwi nako sa condo ni Amy baka hinahanap niya na ako. Tinignan ko kung anong oras na sa phone ko, it's already 1:45 pm. Sigurado ako nasa unit na siya, dahil ang uwi daw nila 1pm.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now