Kabanata 19

2.5K 108 23
                                    

Wala ako sa sariling lumabas ng campus. Hindi na ako muli pang bumalik sa classroom. Para saan pa, 'di ba?

Nagpatianod na lamang ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ayaw kong umuwi. Ayaw kong magpakita sa kahit na sino dahil hindi ko alam kung anong mukha pa ba ang ihaharap ko kay Nanay. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat sa kaniya na ang panganay niyang anak na inaasahag mag-aahon sa hirap ay isang talunan, bobo, at walang kwenta. Na kahit pagdating sa pag-aaral ay pumalpak pa.

Sa huli ay natagpuan ko ang aking sarili sa parke. Nakaupo ako sa bench na gawa sa bakal. Tulala at wala sa sarili. Lumilipad ang utak. Walang pakialam sa paligid. Tila ba mayroong malaking bagay na nakapatong sa aking dibdib sa sobrang bigat noon. Na sa sobrang bigat ay nararamdaman ko ang unti-unting panghihina ng aking sistema.

Mabigat... pero ni isang luha'y walang pumapatak sa aking mata. Nakaka-frustrate... pero ni ibuka ang bibig para sumigaw ay hindi ko magawa.

Nadidismaya ako sa aking sarili. Alam at aminado akong napabayaan ko talaga ang pag-aaral. Madalas akong umabsent at sa tuwing papasok ay palagi kong nakakatulugan ang lectures ng mga professors kaya naman pagdating sa mga gawain ay madalas din akong hindi pumasa at hindi rin ako nakapag-take ng final exams na naging malaking epekto sa grado ko.

Nilibot ko ang tingin sa buhay na buhay na paligid. Nagkalat ang mga tao lalo na ang mga estudyante. Maraming dumadaan na sasakyan na sinasabayan ng malalakas na busina. Lahat ng napapasadahan ko ng tingin ay abala sa kani-kaniyang ginagawa. Masaya. May ibang naglalaro ng sipa, naglalakad habang tumatawa, may iba naman na nakaupo lang at masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang kasama...

I smiled painfully in my mind. Bitterness spread like a wildfire all over my system. A thousand of questions bugging into my mind. Why? Why can't I just be happy like them... like other people? Bakit parang ang dali sa iba na maging masaya? Hindi ba puwedeng ako rin?

Hindi ba puwedeng maranasan ko rin kahit minsan na tumawa nang totoo at walang halong pagpapanggap?

Hindi ba puwedeng kahit isang araw lang... kahit isang araw lang ay magkaroon ako ng pahinga sa lahat ng bagay? Iyong tipong gigising ako na walang pangamba, na walang pag-aalala.

Kahit isang araw lang. Kahit saglit lang.

Suminghot ako at tumingala sa madilim at mabigat na kalangitan. Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko habang namumungay ang mga mata.

Kung ganito lang din pala kahirap ang buhay ko, sana hindi na lang isinilang dito sa mundo. Kung alam ko lang na nakakapagod pala, sana hinayaan mo na lang diyan ako sa piling Mo...

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa parke. Inabot na ako ng dilim at kung hindi ko pa naramdaman ang malalaking patak ng ulan sa aking balat ay hindi pa matitigil ang paglipad ng isip ko sa maraming bagay.

Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa upang tumingin ng oras ngunit ang hindi ko inaasahan na bubungad sa akin ay ang mga napakaraming mensahe at tawag mula sa mga kaibigan ko, sa kapatid ko at kay Reyster. Isa-isa kong binasa ang mga mensahe nila. Ang halos ay puro pagtatanong kung nasaan ako ngunit isang mensahe ang pumukaw sa atensyon ko.

Nahigit ko ang aking paghinga nang mabasa ang texts ni Eunice at Reyster sa akin. Kanina pa itong alas-tres ng hapon. Alas-siyete na ngayon! Napatayo ako sa gulat kasabay ng pag-awang ng aking labi. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad akong pumara ng tricycle.

"Sa MMG hospital po..." natataranta kong usal sa tricycle driver.

Batid kong bakas sa pagmumukha ko ang pag-aalala kaya naman halos paliparin ng driver ang minamaneho niyang sasakyan. Mahigpit ang hawak ko sa aking bag pack. Kagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang panginginig. Tahimik at taimtim na nanalangin na sana'y walang malubhang nangyari sa aking ina.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon