8

1.1K 85 3
                                    

GABB'S POV


Nagulat ako nang biglang pumasok Sir Kurosawa, na may kasamang babae at kilalang kilala ko ito.



Siya yung tumulong samin ni Ella, nung bumaba clutch ng kotse ko kahapon.  Wait siya ba yung sinasabi ni Amy, na bestfriend niya na mag tra-transfer.



Lahat kami nakatingin lang sakanya at ngumiti. Kahit anong isuot nya muka talaga siyang anak mayaman.



"Class, this is Jennifer Nandy your new classmate" Pakilala sakanya ni Sir Kurosawa. Second name niya pala ang Nandy, bakit Jaydee ang pangalan niya?



Winelcome naman namin si Jaydee sa section namin. Siguro Jaydee nalang din ang itatawag ko sakanya.



Nag uusap kami ni Laney at nag kwento siya about kay Jaydee. Halatang miss na miss nya si Jaydee, kababata daw nila Amy si Jaydee sabi niya sakin.



kinuwento ko din ang nangyari kahapon,  Kung paano kami nag kakilala. Ganon daw si Jaydee kahit mayaman may puso pading tumulong, hindi daw tulad ng daddy niya nag papayaman lang nang nag papayaman.



Nakaupo si Jaydee sa right ni Coleen at sa left niya si Amy, so nasa gitna si Coco. Nakita ko namang naguusap silang tatlo at parang ang bilis nilang magka close.



JAYDEE'S POV


Nandito ako sa tabi nung Coleen. Parang nakita ko na siya, at natatandaan ko kung saan ko siya nakita.



hindi ba't siya yung kasama nung muntik ko nang masagasaan sa harap ng mall?  Nung papunta ako sa condo ni Amy.



Natatandaan ko siya dahil sa muka niyang chinita at katawan gayang gaya.  Pero ayoko naman manghinala kaya pinabayaan ko nalang.



Nagtatawanan lang kami dito, at napatingin ako sa naka pixie cut na kausap ni Laney.



siya talaga natatandaan ko siya, ako yung nag ayos ng kotse niya kahapon. Kaasama niya ang girlfriend niya, Gabb nga pala ang pangalan niya. Napatingin naman silang dalawa sakin ni Laney at umiwas ako ng tingin.



Dumating na ang susunod na prof at Pre-Calculus ang sunod na sub. Favorite kong sub ito, sa STEM nga pala ang strand ko dahil dito si Amy.



FRANCES POV


Nandito ako ngayon sa cr at nagtatali ako ng buhok. Pagkatapos, bumalik na rin ako sa room dahil malapit na ang second sub.



Hindi ko maiwasang isipin si Jaydee. Saan kaya ang room nya ngayon,  magkaklase ba sila ni Amy?



Nasa grade 11 palang ako at grade 12 na sila. Ang mga ate naman ay nasa college na, pero dito pa din ang school nila. Kaya lagi kaming nagkikita tuwing breaktime.



Pagkapasok ko sa room halos magkasabay lang kami ng prof. Kaya nakaabot pa ako at nag klase na kami.



breaktime 11:30 am. Nandito kami sa canteen at kasama ang mga ate,  hinahanap ko si Jaydee pero wala.



Maya maya lang ay nahagip siya ng paningin ko. She's wearing a white jeans and white polo shirt, at yung kapansin pansin nanamang balenciaga niyang sapatos.



Yung silver na necklace niya na nakatago nanaman sa likod ng damit, bakit hindi nya ineexposed yung pendant?



Napansin kong papunta siya dito sa'min at napansin kong lahat ng nadadaanan niya tinignan siya. Siguro baka bago palang siya dito.



Nang makarating siya dito agad syang pumunta kila Laney at Amy. Halatang parang matagal na silang mag kakaibigan.



"Pakiss nga par!" Rinig kong sabi ni Laney at nagtawan sila.



"Jaydee oh! Parang hindi kaibigan" Sabi naman ni Amy at tawang tawa.



"Ano nanaman!? Pauso nanaman kayo?" Sabi ni jaydee sakanila, Nagtawanan nanaman silang tatlo. Parang silang tatlo lang ang magkakasama.



JAYDEE'S POV


Nagtatawanan kaming tatlo dito. Namiss ko itong ganito namin sobra, buti nalang at dito nako mag aaral.



Napansin ko naman si Frances na katabi ni Coleen. Ang tahimik niya, uwiwas din ako ng tingin at baka mahuli niya ko.



12:30 pm ang balik namin sa room at 1pm ang uwian namin. 1 hour ang breaktime, at ang 30 minutes ay parang meeting na kung ano ano. Wala naman akong pake doo, baka matulog nalang ako sa 30 minutes na 'yon.



Nakilala ko na din ang mga sinasabing ate ni Amy at sabi nila sakin, ate na din daw ang tawag ko sakanila. Hindi ko mapagkakailang ang gaganda nila.



Nag bell na. Tapos na ang 1 hour break, pabalik na kami sa room. Hindi ko namalayan na katabi ko si Frances na naglalakad.



Tumingin ako sakanya ng mga 5 seconds, at umiwas na. Nakita ko yung pagmula ng pisngi niya, she's so beautiful sa kahit anong anggulo.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now