9

1.1K 76 5
                                    

FRANCES POV


Nandito na kami ni Coleen sa condo. Time check, 4pm palang biglang nag pop up sa phone ko yung gc namin,  kasama doon ang mga ate.



Brei: Tara inom sa condo daw nila Gabb.


Abby: Tara na wag na kayong kj, libre daw ni Gabb yung alak.


Gabb: Tara na dito 6pm sa condo.


Nile: G.


Cole: G(2)


Sheki: G hindi scam yan gabo ha, baka mamaya pabayarin mo kami.


Lara: SCAM YAN HAHAHAHAHA char.


Gabb: Pababayarin ko talaga kayo pag hindi kayo pumunta hahahaha.


Seen by Sheki, Alice, Coleen, Sela, Amy, Lara and so on.


Brei: G na lahat ha wag nang maarte, minsan lang manlibre si Gabb.


Wait kasama ba si jaydee? Sana nandoon siya. Tumingin ako kay coco na nakatingin na din sakin, siguro nakita niya na yung chat sa gc.



"G?" Tanong niya sakin at mukang natatawa siya.



"Tara g" Sabi ko naman, at natawa kaming dalawa.



JAYDEE'S POV


Kakarating lang namin ni Amy sa unit kasama si Laney, Dito daw muna siya, kase wala naman daw siyang masyadong ginagawa.



Agad akong umupo sa couch, at napahilamos ako sa muka ko. Agad ko namang kinuha yung phone ko at naglaro ng CODM.



Nakakatatlong laro na ako at biglang nag usap si Amy at Leney sa kitchen.  Pero hindi ko maintindihan kung anong pinag uusapan nila.



Maya maya lumapit silang dalawa sakin at pumagitna sakin.



"Gusto mo sumama bhie? Inom tayo kila Gabb, diba kilala mo na yon sabi mo?" Sunod sunod na tanong ni Amy, habang ako nag lalaro lang.



Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ako, nagsalita naman ito si laney.



"Sumama kana par, tayo tayo lang yon. Dali na minsan lang e" Pamimilit ni Laney. Tapos na yung laro ko at tumingin na ako sakanila.



Ang ingay talaga ng bunganga nila.



"Sige, di ko sure kung iinom ako. Baka tumambay nalang ako doon" Sabi ko sakanila at tumayo na. Tumingin naman ako sa clock, 4:30 pm.



GABB'S POV


Nandito ako sa condo ko. Kakadating lang ng mga alak, at dalawang case ito ng Redhorse at nag order pa ako ng limang boteng Cuervo at Tequila. Tsaka ako umorder ng pwedeng pulutan.



Sana naman pumunta sila. Nandito na pala sila Brei at ate Abby kanina pa, at kami ang nakaisip nitong inuman.



Kesa naman daw mag bar pa kami, tsaka para din daw makapunta yung iba.



5:40 na at padating na daw sila ella.  Kaya nag aantay nalang kaming tatlo dito, sa mga darating.



FRANCES POV


5:50 na at papunta na kami ni coco sa condo nila ate Gabb. I'm wearing a fitted pitch dress at may dala akong pouch.  Hindi naman ako masyadong naglagay ng make up dahil inuman lang naman ito at sa condo lang ni ate Gabb.



Nag grab lang kami ni Coleen at hindi na niya dinala ang kotse niya. Dahil baka malasing daw siya, at wala daw mag ddrive.



Nandito na kami sa harap ng condo ni ate Gabb. Nagbayad na si Coco sa driver at bumaba na kami.



Pumasok na kami sa building at pumunta sa unit ni ate Gabb. Pagkapasok namin medyo madami na sila at nag ku-kwentuhan, napansin nila na pumasok kami ni Coleen. Hindi naman kasi naka lock yung pinto.



Nilibot ko ang paningin ko at wala akong nakitang Jaydee, ano bayan.



"Dito na kayo mga vhaklaaa!" Sigaw ni ate Sheki sa'min. Nag iinuman na pala sila at biglang tumayo si ate Gabb.



"Gusto niyo ba mag walwal!" Sigaw ni ate Gabb na parang lasing pero parang inaacting niya lang. Nagtawanan naman silang lahat.



Pumunta na kami sakanila at umupo.  Nandito kami ni Coco sa kabilang couch at nasa right ko si Cole.



Ang ganda ni cole. Napatingin ako sakanya at ngumiti, ngumiti din naman siya. Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pinto.



Iniluwal nito si Amy, Jaydee, Laney silang tatlo magkakasama. Ang pormal ni jaydee kahit simple lang ang suot niya.



She's wearing a black pair shorts and white shirt and white shoes vans. Hindi siya naka balenciaga baka siguro hindi bagay.



Suot nanaman niya yung Silver necklace niya, nakatago nanaman yung pendant nito sa damit.



"Hoy, tara na dito!" Sigaw ni ate sela sakanila. Tinapunan lang ako ng tingin ni Jaydee saglit.



Agad naman silang pumunta at inabutan ng shot ni Gabb si Amy, tinanggap naman to ni Amy at nilagok.



Inabutan ako ng shot ni ate abby,  tinanggap ko ito cuervo yung alak. Ininom ko nalang ito at uminom ng chaser.



Nagsimula ng mag batak ng inom ang lahat at mag ingay habang ako dito kausap si Cole. Tumingin naman ako sa baso na hawak ko nakaka 12 shot na pala ako, kaya medyo sumasakit na yung ulo ko.



Nag uusap lang talaga kami ni Cole dito at nag eenjoy naman kami.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now