11

1.2K 77 2
                                    

FRANCES POV


Nandito na kami ni Coco sa unit. Nakita ko naman yung jacket ni Jaydee na nakasabit sa likod ng pinto. Hindi ko pa pala nababalik sakanya yan. Naalala ko naman ang pangyayaring yon, na nasa waiting shed kami.



Agad dumeretso si Coleen sa kwarto at humiga, mukang pagod at walang balak mag palit.



Dumeretso ako sa bathroom at nag halfbath ng 15 minutes.



Lumabas na ako ng bathroom at nakabihis na din ako. Pumasok nako sa kwarto at humiga.



Naalala ko naman ang mga nangyari kanina. Kinuha ko ang phone ko at susubukan kong hanapin si Jaydee sa ig.



Pagbukas ko ng phone ko tinignan ko yung oras, 9:50 pm.



Agad akong pumunta sa ig at isearch si Jaydee. Pagbukas ko andaming nag notif na finallow ako, hinanap ko si Jaydee kung sakaling nandoon pero wala. Kaya ako na ang mag sesearch sakanya.



Pinindot ko ang search at nag type
"Jennifer Nandy Villaruel" Ang tinype ko pero walang lumabas.



binura ko ito at nag type ulit "Jaydee" palang ang natataype ko at may lumabas na. Pinindot ko ang "Jaydeerous" at siya nga, natawa naman ako sa un nya, Jaydeerous huh.



Jaydeerous

Nandy Villaruel

0 Post - 15k Followers - 80 Following



Wala man lang post at bio. Ang private naman nitong tao, nakita ko naman na may highlight siya pero isang compile lang, at ang caption "N'Y"



Pinindot ko ito at lumabas ang mga video at pictures. Medyo mahaba din yung highlight at sa New York itong lugar.



Nag slide ako ng nag slide at merong picture si Jaydee kaya napatigil ako sa pag slide. She's wearing a black turtle neck with gray coat, half picture lang ito kaya hindi ko alam ang ipang ibaba nya, muka siyang model sa suot na iyon, ang ganda.



Finallow ko si Jaydee, at nag dm ako sakanya na ibabalik ko na ang jacket niya, baka bukas.



Me: Jaydee yung jacket mo pa pala hindi ko pa nababalik, ibabalik ko nalang baka bukas?



Isesend ko palang nang bigla niya akong finallow back. Ang bilis ha, pinindot ko na ang send at na aantay sa reply niya.



Jaydeerous: That's Amy's jacket, sakanya mo nalang ibalik sinabihan ko na siya.



Kay amy pala iyon. Pero gusto ko pa din kay Jaydee ibalik, pipilitin ko nalang siya,  gusto ko din siyang makasama na kaming dalawa lang.



Me: Sayo ko nalang ibabalik sige na please? :((



Medyo matagal siya bago mag reply, kung ayaw niya edi don't.



Jaydeerous: Why? u want to see me?



Me: Kung ayaw mo edi don't.



Jaydeerous: Fine, see u at front of Dapitan 5pm.



Pumayag siya at kinikilig ako. Nag react nalang ako ng heart, baka sabihin niya type na type ko siya pag nag reply pa ako. Ang cute parang siyang nag yayaya ng date. Sana true!



May nag notif naman na dm at nakita ko kung sino 'to.



Eve Ezekielle: Are you free tomorrow?



Tatanggi ba ako? Magkikita din kami ni Jaydee bukas. Paano ko sasabihin? tanungin ko nalang kung anong oras.



Me: What time ba?



Eve Ezekielle: 3:30 pm?



Papayag ba ako? 1pm ang uwian namin baka siguro pwede na.



Me: Sure, see u.



Eve Ezekielle: At Starbucks malapit sa school mo.



Paano naman niya nalaman ang school ko? Hineart ko nalang ito at hindi na nag reply. Pinatay ko na ang phone ko at natulog.



JAYDEE'S POV


I'm here at the bed, nakatulala sa ceiling. Matapos kaming mag usap ni frances through Instagram.



Namimiss ko na si Mommy gusto ko na siyang makita. Currently sa Quezon City, Sanville Subdivision sila nakatira ng family niya ngayon. Namimiss ko na din yung kapatid ko kay Mommy.



Bisitahin ko kaya si Mommy sa clinic niya dito sa Manila, pwede naman baka sa Saturday.



Pinikit ko na ang mata ko, at ayoko nang mag isip ng kung ano ano. Gusto ko ng matulog.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now