Kabanata 21

2.7K 108 18
                                    

Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. Ang gusto ko lang naman ay mailabas si Nanay ng hospital. Ang tanging hiling ko lang naman ay sana matapos na ang lahat ng mga pagsubok, ngunit bakit habang tumatagal ay mas lalo lang pabigat nang pabigat?

Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakakulong sa bakal na rehas. Nakaupo sa sahig na pinatungan ng karton para hindi masiyadong malamig. Ang likod ko'y nakasandal sa kulay puti at puno ng sulat na pader.

"Gusto ko nang makalabas..." mahinang ani ko habang nakatitig sa kawalan.

Ang mga babaeng kasamahan ko sa loob ng kulungan ay mahimbing nang natutulog. Samantalang ako'y ni katiting ay walang maramdaman na antok. Patuloy lang ako sa mahinang pag-iyak at paghikbi. Batid kong kanina pa namamaga ang mata ko at nararamdaman ko na rin ang matinding pagsakit ng aking ulo.

Ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay makaalis sa apat na sulok ng silid kung nasaan ako ngayon. Ang gusto ko lang ay magising kung sakali mang nananaginip lang ako.

Tangina naman! Gano'n ba talaga kahirap ibigay ang kasiyahan na hinihingi ko? Bakit ba sa dinami-rami ng tao na makakaranas ng ganitong klaseng bagay ay ako pa?

Pagak akong natawa nang may mabuong napakalaking tanong sa aking isip. Totoo ba talaga ang Diyos? Totoo ba talagang pinapakinggan ang lahat ng hiling ng mga tao? Totoo ba talagang mahal Niya tayo?

And all of the sudden, I found myself doubting His existence.

I am physically, emotionally,mentally, and spiritually tired. Oo na, tanggap ko nang hindi ako malakas. Tanggap ko nang tao lang ako, mahina at nangangailangan din ng tulong.

Please Lord, I've done enough. I'm finally raising my two hands as a sign of surrender. Ikaw na ang bahala sa akin.

Kailangan ko ng tulong. Kahit ngayon lang. Kahit sa pagkakataon na ito lang... at hindi naman ako nabigo dahil kagaya nga ng palaging sinasabi nila, ang bagong umaga ay nangangahulugang bagong pag-asa.

Nagising ako sa marahas na tunog ng bakal sa silid kung nasaan ako at dahil na rin sa matinding pagkalam ng sikmura. Naalala kong wala pa pala akong kain simula kagabi.

"Tumayo ka riyan. Laya ka na..." salitang unang bumungad sa akin pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata.

Pupungas-pungas pa ako at hindi pa ma-proseso nang maayos ang narinig. Kung hindi pa muling uulitin ng pulis ang kaniyang sinabi ay hindi pa ako mapapabalikwas sa aking kinauupuan.

"Eloisa!" Mahigpit na yakap ni Reyster ang unang bumungad sa akin. Hindi iyon nagtagal dahil mabilis siyang kumalas at hinubad ang kaniyang pulang hoodie.

Siya na rin ang mismong nagsuot noon sa akin. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-igting ng panga nito nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mariin akong napapikit at kinuyom ang kamao.

Tangina, ngayon ko lang naalala na naka-bunny costume nga pala ako. Nakakahiya!

"Uhm..." I was about to say something when his mother--Tita Carolyn--went to us.

"I'm done settling all the bills. Puwede na tayong umalis," aniya at nang magtama ang paningin namin ay tipid niya akong nginitian.

Lumapit pa ito sa akin at marahang ipinatong ang kamay sa aking balikat. "Are you okay?"

Tumango ako at bumagsak ang mga mata sa paa ko. "O-Okay lang po, Tita..."

She nodded. "Mauuna na akong umalis sa inyo dahil may kailangan pa akong puntahan. Bukas na tayo bumalik sa Quezon. Sa ngayon ay kailangan mo munang magpahinga Eloisa, hmm?"

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon