LTMH: The extended ending

17.1K 406 140
                                    

Maraming buwan ang lumipas. Ang bilis na natapos ang dalawang buwan na bakasyon namin-- bakasyon na puro saya at tawanan kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Sa muling pagbubukas ng Princeton Academy para sa huli naming taon sa highschool, masaya namin itong sinalubong.

Hanggang ngayon ay patuloy sa pag-arangkada sa kasikatan ang Princeton Band. Sa katunayan, isa na sila sa pinakasikat na banda sa buong Pilipinas. Ang Intricate Band sa ikalawang banda ay matagal ng nabuwag magmula noong nawala sina Julian at Reece. Malungkot man ang mga fans ng dahil sa sinapit ng banda namin, karamihan sa kanila ay ibinaling na lamang ang sarili sa Princeton Band. Isang bagay na lubos kong isinaya.

Matagal na akong pinipilit nina kuya Niel na bumalik sa Princeton Band bilang girl vocalist nila. Pero ilang beses ko itong tinanggihan dahil ang balak ko ngayong taong ito ay magfocus sa pag-aaral ko. Last year was such a series of rush and headache because of too many classes that I missed. Ayoko na ulit maulit yun.

Kasalukuyan mang na-on hold ang singing career ko, isa pa rin naman akong musician. Kamakailan lang noong huling violin concerto ko. Tulad ng dati dinumog ito, mas marami pa nga ito kaysa noon. At masaya ako dahil ang suporta ng papa ko at ng mga kaibigan ko ay buong buo. Wala akong mahihiling pa.

Sa ilang taon ko sa highschool, ang grade 12 year na yata ang pinakatahimik at pinakamapayapa sa lahat ng grade school na pinasok ko. Ngayong wala na si The Highest at si Jace na ang tumatayong Gangster King, malimit na lang ang sumusugod sa amin o kaya naghahamon ng laban. Di tulad noon na kailangan kong bantayan ang bawat galaw ko dahil alam kong palaging may nakasunod.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin na pinaghahanap sina Dal at Aps. Huli kong balita ay tumakas na raw sila at nangibang bansa. Todo ang pagbabantay nila Jace sa bawat airport at daungan ng barko sa buong Pilipinas. Kahit pa saan na maari nilang labasan ay talagang gwardyado na. Kung talaga ngang umalis na sila ng Pilipinas at nagtago, mas mabuti na iyon para hindi na sila bumalik. Sa ikalawang banda ang hirap pa rin ang magpakasigurado kaya ginagawa ni Jace ang lahat para mahanap sila sa lalong madaling panahon.

Kung ako ang tatanungin kung nasaan na si Julian, wala na akong balita sa kanya. Sa Ellipses Headquarters ang huli naming pagkikita. Pagkatapos nun, tinupad na nya ang pangako sa akin at tuluyang naglaho. Si Reece naman sa ikalawang banda ay nasa Canada na ayon kay kuya Paul. Noong pumunta ako roon kasama si papa hindi ko sya nakita. Siguro ayaw nyang magpakita. Nakonsensya sya sa lahat ng ginawa nya sa akin. Sinungaling ako kung sasabihin ko na wala akong nararamdaman ngayong wala na ang mga pinakamatalik kong kaibigan. Sila na nakasama ko ng matagal na panahon, sila pala ang hindi ko makakasama ngayon. Nalulungkot pa rin ako. Merong puwang dito sa puso ko na nawala kasama nila. Pero minsan kailangan talaga ang magparaya. Aalis ang aalis. Mananatili ang mananatili.

Kapag wala kami sa school pumupunta ang barkada kung saan saan. Minsan pumunta kami para mag out of town. Minsan tumatambay lang kami sa kung kanina mang bahay ang available. Minsan din nagjajamming kami. Tulad ngayon, kasalukuyan kaming nasa banda at inaayos ang mga instrumento na kagagamit lang. Nagpractice kanina sila Jace. Hindi ako sumali pero nakinood ako. Kami lang ni Shane ang natira dahil sila Rico, Jace at kuya Niel ang bumili ng memeryendahin namin.

Inabot ko ang isang gitara kay Shane. Kinuha nya naman ito mula sa mga kamay ko at isinabit sa dingding sa taas.

"Salamat." sabi nya. Ngumiti naman ako.

Matatapos na kami sa pag-aayos noong biglang pumasok sa isip ko ang matagal ko nang gustong tanungin sa kanya. Sandali ko syang pinagmasdan habang patuloy pa rin nyang tinatapos ang dapat tapusin. Napansin nya yata na nakatingin ako sa kanya dahil huminto sya.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon