17

1.3K 81 12
                                    

FRANCES POV


Nandito na ako sa tapat ng condo at hinihintay ko si Jaydee na dumating.



Mga 10 minutes may humintong sasakyan sa harap ko, kilala ko ang sasakyan at kay Jaydee ito.



Bumaba siya agad at binuksan ang pintuan ng Passenger seat at pinapasok na ako.



Nang makapasok na ako, siya ang nag sara ng pinto. Feeling ko prinsesa niya ako omg.



Pumasok na din siya sa driver seat, tumingin muna siya sakin bago niya pinaandar yung kotse.



Wala akong alam kung saan kami pupunta. Nakatingin lang ako sa katabi kong window.



Narinig kong nag vibrate yung phone ni Jaydee na nakalagay sa harap, pero hindi niya ito pinansin. Pasimple akong umunat para makita kung ano iyon.



Madelain: Jaydong asan ka?



Ang nakita ko sa lockscreen ni Jaydee.  Sino naman yung Madelain?



May iba pabang dinedate si Jaydee? Marami ba kami? Hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano.



Biglang nag Red light yung traffic lights kaya huminto kami. Kinuha niya ang phone niya.



Naririnig ko yung keyboard niya tumutunog, siguro nireplyan niya na yung Madelain na iyon.



Hindi ko na mapigilan at nagtanong na ako.



"Who's that?" Tanong ko nang seryoso sakanya. Tumingin siya sa'kin bago sumagot.



"Friend ko lang" Sagot niya agad. Pinang singkitan ko lang siya ng mata, sigurado kalang dyan ha.



Umirap nalang ako at tumingin sa katabi kong window.



"Frances, friend ko lang yon, Promise!" Sabi niya ng mahinahon. Binaba na niya ang phone dahil nag Green light na. Hindi nalang ako umimik.



Andito na pala kami sa Quezon City at hindi ko alam kung saan talaga kami pupunta.



Lumiko si Jaydee at nakita ko yung nakapakal na pangalan ng lugar.



"Sanville Subdivision" Dito kami lumiko.



Mga ilang minutes hininto na ni Jaydee yung kotse at nandito kami sa tapat ng malaking bahay. May mga katabing bahay naman ito pero masyadong kapansin pansin yung bahay na nasa tapat namin.



Hindi siya Mansion pero ang laki nung bahay at ang ganda. Kaninong bahay naman ito?



Wala pang masyadong sinasabi sakin si Jaydee about sa Family niya, baka siguro bahay ito ng magulang niya?



Bakit kami nandito? Ilelegal na niya ba ako sa pamilya niya? Hindi pa ako handa Jaydee, charot.



Nagulat ako nang nasa labas na si Jaydee at bubuksan na ang pinto ng Passenger seat kung saan ako naka upo.



"Dalian mo, tara!" Sabi niya pag bukas ng pinto at inalalayan ako bumaba.



"Nasaan tayo?" Tanong ko agad nang makababa na ako.



"Basta!" Sagot niya at nakahawak pa'rin siya sa kamay ko.



Hindi ako nag-kakamali dahil yung bahay na tinitignan ko kanina, doon kami papunta.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now