Chapter 41: B.A Night

31.6K 797 38
                                    

a/n: #TyRa #VeRone moment

Brown-Eyed Queen

Chapter 41: B.A Night

--

Third Person's POV

Ala singko na ng hapon at isang oras na lang ang nalalabi para sa event. Lahat ay handa na. Nakabihis na lahat lahat. Si Sena ay nakakulot ang ibabang bahagi ng kanyang buhok at nakasuot sya ng black cocktail dress at pares ng itim na pumps. Si Vera naman ay nagkaroon ng kaunting volume ang kanyang buhok dahil maikli ang kanyang buhok, kahit papaano ay nagkaroon ito ng style. Nakasuot sya ng long back casual black dress at pares din ng itim na pumps.

"Let's go, it's.." bahagya pang tumingin si Jinx sa kanyang relo, "5:05 already."

Dinampot na ni Vera ang clutch na pinahiram sa kanya ni Sena at handa ng umalis.

Samantala, si Sena ay humarap pa sa salamin para sa kanyang final touch. Matapos nun ay dinampot na din nya ang kanyang clutch at handa na ring umalis.

Binuksan na ni Jinx ang pinto ng unit at pinalabas na ang dalawa. Sya ang huling lumabas at sinara na nya iyon. Inabot nya ang susi kay Sena.

Dumeretso silang tatlo sa elevator at sumakay pababa ng lobby.

Pagdating nila sa lobby, dumeretso sila sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyang ginamit ni Jinx.

Pinagbuksan ni Jinx ng pinto ang dalawa at sumakay na sya sa driver's seat. Magkatabi naman sa likuran ang dalawang sina Vera at Sena.

"Fasten your seatbelts, ladies." paalala ni Jinx.

Sinimulan ng ikabit ni Sena ang seatbelt. Ikakabit na din ni Vera ang seatbelt nang biglang magring ang phone nya.

"Parang kilala ko na kung sino yan." ismid ni Sena.

Hindi na lang pinansin ni Vera ang kanyang sinabi at agad nyang sinagot yung tawag, "Hello?"

("Nandito ako sa harap ng gate niyo.") wika ni Tyrone sa kabilang linya.

"What? Wala ako dyan. I'm with Sena." paliwanag nya.

("Ganun ba. Then I'll just wait you at the venue. Be careful cherry.")

"Okay. I will."

("I love you.")

Bahagyang natigilan si Vera sa tatlong salitang binitawan ni Tyrone. Habang tumatagal, mas nahihirapan sya. Pero kailangan pa din nyang gawin ang plano.

"I love you too." halos pabulong na na sagot ni Vera tapos ay binaba na nya.

----

Alas sais y media na nang marating nila ang venue--ang Valton University. Sa labas pa lamang ay makikita na ang mga sasakyan lulan ng mga studyante na nakabihis ng pormal, kasama ang mga partner at kaibigan nila.

Pumasok na rin sila at ipinark na yun sa loob. Lumabas naman si Jinx para pagbuksan ang dalawa. Naunang lumabas si Sena at huli naman si Vera.

Nagsimula na silang i-escort ni Jinx papunta sa event hall kung saan gaganapin ang B.A Night o ang Business Ad Night.

"So, where is Renz and other securities here?" mahinang tanong ni Vera kay Jinx habang naglalakad sila papuntang event hall.

"They're scattered around the venue, Lady."

"Jinx, this is an event for all Business Ad students. No Mafia will crash this night."

"You don't know Lady. It's better that we're here to make sure you're safe."

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon