Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 7

807K 18.9K 2.9K
                                    


RHIANNE

"Ikaw ang may kasalanan nito! Ikaw na lang sana ang namatay!" Papalapit nang papalapit sa akin si Ayah. May hawak siyang kutsilyo.

"Ayah, huwag!"

Bigla na akong nagising. Panaginip lang pala.

Kagabi ko pa iniisip ang sinabi sa akin ni Ayah. Sino nga ba ang dapat mamatay?

"Rhianne! Bumaba ka na dito! Mag-almusal ka na," sigaw ni Dad kaya naman bumaba na ako.

"Good morning! Kumain ka na." Dumiretso ako sa hapag-kainan. Hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Hanggang ngayon ba naman, hindi mo pa rin ako kakausapin?" dinig kong sabi niya. "Rhianne, ano ba..."

"Pwede ba?! Wala kang karapatan na kausapin ako! Nandito dapat si Mommy pero dahil sa'yo, wala na siya!" Tumayo na ako at umalis. Alam kong masakit ang mga nasabi ko pero who the hell cares?

Tama nga si Alexander. May kanya-kanya tayong sikretong tinatago.

Nagmadali na akong magbihis at umalis na kaagad dahil hindi ko kayang makasama ang tatay ko sa ilalim ng iisang bubong.

Pagdating ko sa school, ang daming taoong nagkakagulo sa library.

"Rhianne!" Nakita ko sa Luraine, ang secretary namin. Tumakbo siya papalapit sa akin habang umiiyak.

"Patay na si Ayah!" Humagulgol si Luraine. Hindi pwede. Hindi pwede! Kausap ko lang siya kahapon! Imposible! Kahit ako... hindi ko matanggap. Wala na ang class president namin. Wala na ang best friend ko. Wala na si Ayah!

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Ako ang may kasalanan nito. Bakit pa kasi ako lumipat dito?

Pagpasok namin ni Luraine sa classroom, nagtaka ako sa nadatnan namin. I'm expecting na malungkot sila sa classroom pero bakit ganon?! Walang umiiyak bukod kay Luraine.

"Patay na si Ayah," sambit ni Andrei.

"Oo nga eh," natatawang sabi namanni Megan. Tumawa siya?

"Bakit mukhang masaya pa kayo?" Lumuluha na ako.

"Bago ka pa lang kasi dito, Rhianne. Hindi mo pa lubos na kilala si Ayah." Lumapit sa akin si Megan at pinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Oo nga pala." Nagulat ako sa pag-sang-ayon ni Lilia.

Anong nangyayari?! Bakit ganito sila?

***

Lumipas ang mga oras hanggang sa nag-bell na. Hudyat na breaktime na.

Naguguluhan ako sa ugali nila. Akala ko pa naman close kaming lahat at mahal namin ang isa't-isa.

"Rhianne, mag-ingat ka. Wag ka basta-basta tataliwas sa opinyon nila." Nilingon ko ang kumausap sa akin.

"Bakit ganon sila, Maxwell?" tanong ko.

"Halos four months ka pa lang kasi dito. Kami, ilang taon nang magkakasama. Hindi mo pa kami lubos na kilala," sagot niya. Naiintindihan ko ang sinabi ni Maxwell dahil parehas sila ng sinabi ni Alexander.

"Wag kang mag-alala, tutulungan kita kung medyo naguguluhan ka pa." Nginitian niya ako. Hindi ko alam kung bakit, pero tila gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Natapos na ang breaktime. Bumalik na sa classroom ang mga kaklase ko pero iba na ang atmosphere. Hindi na sila ang dating Special Section.

Ang gulo. 'Yong iba, naghahalakhakan, 'yong mga lalaki, nagkukumpulan sa likod.

"Masanay ka na." Lumingon ako kay Maxwell.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ko. "Nagbago sila."

"Wala na kasi si Ayah. Wala nang nagsasaway, wala nang nagbabantay, wala nang nagpaparusa, at wala nang nagrereyna-reynahan," sabi Maxwell. Nagpaparusa? Ano bang klaseng tao si Ayah?

Ganito ba talaga sila?

"Samahan mo naman ako, Maxwell."

***

MAXWELL

Habang naglalakad kami'y pinagmasdan ko ang mukha niya.

Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata. Maganda.

Hindi ko namalayan na sa library pala siya magpapasama, kung saan namatay si Ayah, ang tinuturing niyang best friend.

Hindi niya kasi kilala ang dating Ayah. Kami, kabisado na namin ang ugali niya.

Pumasok siya sa loob ng library. As expected, nalinis na ng mga pulis. Sa bagay, diyan lang naman sila magagaling. Sa huli lang naman sila dumarating. Wala sila sa oras na may pinapatay, at dumarating lang 'pag may namatay na.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Rhianne nang mahigpit ang kamay ko.

"Hindi ko dapat iniwan si Ayah." Umiiyak siya. "Alam ko na siya ang number two pero iniwan ko pa rin siyang mag-isa. Kung hindi ko siguro siya iniwan, sana buhay pa siya ngayon."

Patuloy ang pag-iyak niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

Ramdam na ramdam ko na nasasaktan siya sa nangyari kay Ayah. Hindi ko nga lang siya maintindihan. Kung hindi niya raw iniwan si Ayah?

Magkasama sila kahapon?

"Salamat, Maxwell. Tara na, it's time to go home."

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang gumaan ang loob ko noong nakita ko na wala na ang mga luha niya.

Basta ang alam ko lang ay ayokong makita siyang nasasaktan.

***

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko kaagad ang tatay ko.

"Maxwell, nakauwi ka na pala." Hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako sa kusina at hinanda na ang aking hapunan.

"Hindi mo na naman ba ako kakausapin? Maxwell Aguas! Sumagot ka!"

"Magtatalo na naman ba tayo? Paulit-ulit na lang! Ayokong makipag-usap sa pulis," sabi ko.

"Sa oras na 'to, hindi ako pulis. Tatay mo ako, kaya kausapin mo ako nang maayos."

"Pulis ka pa rin."

"Dahil na naman ba ito sa kapatid mo?"

"Kung nandoon sana ang mga pulis, hindi sana siya na-rape at pinatay. Biruin mo, pulis ang tatay namin, pero wala pa ring nagawa? Nakakatawa!"

Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. Hindi ko masikmura ang mukha ng tatay ko.

Bata pa lang ako, iniwan na kami ng nanay ko para sumama sa kabit niya. Tapos, last year, ginahasa at pinatay ang kapatid kong babae.

Lintikna buhay 'to.

Special Section (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon