Chapter 6 (2/17/15)

775K 18.5K 3.5K
                                    

Chapter 6

 

 [Timi’s POV]

 

“Hay, ano na kaya ang gagawin ko?” tanong ko kay Ayen sabay buntong hininga.

            “Umuwi at matulog,” sagot naman niya sa akin.

            “Eh! Sama na kasi ako sa’yo!”

            Napailing na lang si Ayen.

            Nandito ako ngayon sa office ng agency na may hawak sa EndMira. I-m-meet kasi nitong si Ayen yung isa pang solo artist na sinulatan niya ng kanta at ngayon ay pakikinggan niya itong kumanta.

            At dahil wala akong work ngayon, sumama ako sa kanya. Ayoko kasing mag-isa sa bahay eh. Nababaliw ako kada naalala ko yung sinabi ni Kite. Yung lalaking yun kasi hanggang ngayon hindi pa rin pala sumusuko sa akin.

            Kailangan ko ng kasama para malibang. Si Rika nasa Cebu pa rin, ang ibang EndMira busy sa shoot ng music video nila. Itong si Ayen lang ang available.

            Well not totally available pero sa kanya lang ako pwedeng sumama. Gustuhin ko man na manuod ng shoot ng EndMira, ayoko naman makita pagmumukha ni Ice.

            Mamaya ma-inlove pa ako. Kainis.

            “Behave ka lang Timi ah? Wag kang mag re-react doon sa singer pag narinig mo ang boses niya. Keep your opinions to yourself,” sabi ni Ayen bago kami pumasok sa recording room.

            “Oo naman! Ano ba tingin mo sa akin, laitera?”

            “Oo.”

            “Sama nito! But wait, is she that terrible?”

            Nag kibit balikat lang si Ayen bago tuluyang binuksan ang pinto sa recording room.

            Pagkapasok namin dalawa, may sumalubong sa amin na isang babae. Halos ka-edad lang namin siya. Petit ito na mukhang may lahi. Brown ang mata at auburn ang color ng buhok. Maganda siya. Naka-suot lang siya ng plain white spaghetti strap dress and flipflops at nakalugay lang ang buhok niya pero ang ganda niya. Wala rin siya halos make-up sa mukha. Ang kinis ng balat. At ang amo ng mukha.

            Punyemas, nakaka insecure naman ang isang ‘to!

            “H-hi Sir Ayen!” bati nung babae at tinignan niya rin ako, “hi po!”

            Nginitian ko lang siya. Ibinalik niya ulit ang tingin niya kay Ayen.

            “Uhm ang gaganda po ng sinulat mong mga kanta! Thank you po talaga!” masigla niyang sabi kay Ayen.

            “Oh, ikaw yung singer?” singit ko.

            “Ah, opo ako po. Mia po pala,” sagot niya sabay lahad ng kamay sa akin.

            We shook hands, “I’m Timi. Ayen’s friend.”

            “I-I see!”

            Napangiti ako. Infairness ha? Hindi mayabang ang isang ‘to. Sana pag sumikat wag lumaki ang ulo.

            “Uhm thank you talaga Sir Ayen,” sabi ulit ni Mia.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon