Chapter Eight

25.4K 1.7K 895
                                    

CHAPTER EIGHT

Madalas, hindi ko iniintindi ang mga emosyong alam kong wala namang mai-du-dulot nang maganda sa akin. Magaling ako mag control ng emotion. Magaling din akong mag panggap na walang pakielam. Pero pag dating ng gabi, pag mag isa na lang ako sa kwarto ko, iniiyak ko lahat nang bagay o tao na nanakit sa akin.

Magaling akong mag pigil, but it doesn't mean na hindi ako nakakaramdam. May mga pagkakataon din na sumasabog ako kahit ayoko.

Parang ngayon.

For some reason, I feel so small and humiliated. Ang pagkakaroon ng period is something I have no control of pero naiinis pa rin ako sa sarili ko bakit hindi ko napansin agad? Binigyan ko tuloy sila ng reason para pag tawanan ako.

Tapos nabangga ko pa si Harold. Siguro mukha akong pathetic sa harapan niya kanina. Ano kayang iniisip nun sa'kin? Pangalawang beses na 'to na nadadapa ako sa harapan niya ha? Tsaka nakita kaya niya yung tagos?

Natigil ang train of thoughts ko nang may kumatok sa cubicle ng girls' restroom kung saan ako naka pwesto ngayon at nag mumukmok.

"Okay ka lang ba?" boses ni Seb.

Kanina pa ako hindi lumalabas sa cubicle. Binilhan na ako ni Seb ng napkin---at iba't ibang klase pa. With wings, long, yung regular, at may panty liner din. Siya na rin ang nag dala ng PE uniform ko pamalit kasi hindi niya ma-contact sina LJ at Chichi.

At ngayon, kinandado niya ang ang buong girls restroom habang nagkukulong ako sa loob ng cubicle, at siya, nasa labas, inaantay ako.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nakaupo lang ako sa bowl at pilit ko pinapakalma ang sarili ko.

"Mali ba yung nabili ko?" he asked. "Pwede naman ako bumili ulit. Ano ba yung kailangan mo? Nalito kasi ako, iba iba pala klase niyan 'no?" then he let out an awkward laugh.

Huminga ako nang malalim to straighten my voice.

"O-okay lang ako," sabi ko sa kanya. "Labas ka na. Baka mag start na yung klase."

Hindi umimik si Seb. Then maya maya nag salita siya.

"Alam mo, mas okay mag emote sa may fire exit kesa dito sa CR kasi medyo mapanghi dito."

Napakunot ako nang noo, "hindi ako nag e-emote!"

"Eh ba't ayaw mo lumabas?"

Kasi wala akong mukhang ihaharap? Hiyang hiya ako?! Kahit kay Seb hiyang hiya ako!

"B-basta! Thank you sa tulong, pero okay na ako."

Napatahimik ulit ng saglit si Seb at narining ko ang pag buntong hininga niya.

"Nahihiya ka ba sa nangyari?"

Hindi ako umimik. Gusto kong itanggi pero hindi ko makuhang magsalita.

"Ba't ka nahihiya eh wala ka namang ginawang mali?" tanong ni Seb. "Dapat sila ang mahiya sa'yo kasi pinagtawanan nila ang isang bagay na hindi dapat pagtawanan."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Seb.

"Gusto mo ba gulpihin ko sila?"

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya pero agad ko ring binawi. Buti na lang talaga at may pinto sa pagitan naming dalawa kaya hindi niya nakita.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon