Kabanata 23

2.9K 121 7
                                    

Reyster is a man of his words. Kapag sinabi niya, gagawin niya. Kapag nangako siya, tutuparin niya. Patuloy ang komunikasyon naming dalawa kahit na minsan ay mahirap ang signal sa barko.

Habang tumatagal ang relasyon namin ay mas lalo itong tumitibay. Sabagay, hindi ko na rin naman talaga nakikita ang sarili kong nagmamahal pa ng iba at alam kong gano'n din siya.

At the age of 28, Reyster proposed to me. It was the most elated moment of my life. I felt like I was over the moon that time. Hindi ko maipaliwanag iyong sayang nararamdaman ko noong mga panahong iyon.

My family and friends know about his plan. Kahit na tanggap at parang pamilya na ang trato nina Nanay at mga kapatid ko kay Reyster ay hindi pa rin niya nakalimutang humingi ng permiso sa pormal na paraan. Masinsinan pa rin niyang kinausap si Nanay kahit na obvious naman na papayag iyon.

Sa totoo lang ay ilang beses na rin kaming kinukulit ng mga kakilala namin tungkol sa bagay na iyan. Stable na naman ang buhay naming dalawa at hindi na rin kami bumabata. Wala na rin kaming ibang iniisip pa.

Graduate na si Eunice ng kolehiyo at maayos na maayos na ang buhay nito. Sina Albert at Marie naman ay malapit na ring makatapos. Ngayong taon ay gra-graduate na si Albert at ang nakaka-proud pa ay pinag-aagawan ito ng mga kompanya para doon mag-trabaho.

Hindi ko talaga na-imagine na ganito ang kahihinatnan ng buhay namin. Akala ko'y habang buhay na lang kaming nasa baba at hind na kailanman uusad pa... but life is really full of surprises, right?

"Iyong mga invitations ba okay na?" tanong ko kay Kean.

Kumagat siya sa pandesal na hawak niya at tumango-tango sa akin. "Yes, Ma'am. Kukunin na lang mamaya sa shop para maipamigay na..."

"Okay. Sinong mamimigay no'n?"

"Iyon lang ang hindi ko pa alam kasi 'di ba pupunta kaming Maynila ni Terrence sa susunod na araw? Susunduin namin si Trisha," aniya at sabay kaming napatingin kay Shaeynna na bumababa sa hagdan na mukhang kagigising lang.

Napangiwi ako. Si ate, hindi man lang yata muna naghilamos bago humarap sa amin ng fiance niya. Sumilay ang matamis na ngiti ng lalaking nasa harapan ko. Isinubo nito ang natitirang tinapay na hawak niya bago lumapit sa babae upang bigyan ng malalim na halik sa labi.

"Tangina ninyo, mga pokpok! Sa harapan ko pa talaga." nagngingitngit kong saad at kulang na lang ay ibato ko sa kanila itong papel na checklist na hawak ko.

Pareho lamang silang natawa.

"Magpakasal ka na rin kasi..." Kean smirked at me.

I rolled my eyes heavenwards. Parang tanga 'to. "Magpapakasal naman talaga dapat kami ngayon taon kung hindi lang kayo epal ni Shaeynna at inunahan kami."

Totoo 'yon. Dapat ngayong taon kami magpapakasal ni Reyster pero ipinagpaliban namin para sa kanila dahil may pangako nga pala kami nina Shaeynna at Trisha sa isa't isa noong highschool.

Nangako kami no'n na alphabetical order dapat kung sinong unang ikakasal. Sa makatuwid, dahil Heli ang apelyido ni Shaeynna ay siya ang mauuna. Ako dapat ang pinakahuli pero dahil wala namang jowa si Trisha ay mauuna na 'ko sa kaniya. Alangan namang hintayin ko pa siya magka-boyfriend 'no, ano siya chix?

"Malapit na ang kasal nina Kean at Shaeynna. Sayang lang at wala ka."

"Oo nga, Mahal. Kailan nga ulit 'yon?"

"July 17," matipid kong sagot, "Mabuti na lang napilit naming umuwi si Trisha. Mukhang walang balak na yata talagang umuwi ang isang 'yon, eh."

"Eh hanggang kailan naman 'yon dito?"

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon