Chapter 25

6.6K 363 123
                                    

Chapter 25

"Ragna, you okay?" Georgina asked and put her arm around my shoulder. Out na namin at naglalakad na kami papuntang parking.

"Oo naman." I smiled at them. "Pasensya na, hindi ako makakasamang kumain. Susundin ko pa ang kambal."

Ipinulupot ni Claudine ang braso niya sa braso ko. "It's fine. Basta G na tayo sa Saturday."

Pinagplanuhan na nila ang pag-chill sa bahay sa Sabado kanina noong hindi ganoong busy sa ER. I just listened to them plan about it and I couldn't say no.

"Do I have a choice?"

Umiling si Georgina. "Alam mong wala kang karapatang tumanggi." She high-fived Claudine. Natawa na lang sina Maxine at Drea.

Binuksan ko na ang pinto ng kotse at nilingon sila.

"Tawagan mo na rin si Phoebe. Ma-meet naman namin ang babaeng 'yon," pahabol ni Claudine.

Tumango na lang ako. Akala mo hindi mga nurse kung magplano ng inuman.

"Pag-uwi ko. Nasa meeting pa 'yon ngayon," sagot ko.

Tuluyan na akong pumasok sa kotse at kinawayan sila habang palabas ako ng parking. Papunta sa SIS ay tinawagan ko si Rainer. I let the window open, enjoying the breeze of fresh air touch my skin.

"Anak, I'm on my way."

"All right, Mommy. We're waiting on the bench. Have you had lunch?"

Nakakain naman kami nang kaunti pero nagugutom pa rin ako dahil sa biglang pagdating ng tatlong pasyente kanina.

"Yes, but I'll have a snack with you once we reach home."

Agad kong ipinarada ang sasakyan sa parking at pumunta sa bench kung saan ako laging hinihintay ng kambal. Yumakap sa akin si Halona at hindi ko na iyon napigil. Basa pa man din ako ng pawis.

"How's your day?" I asked Halona.

"Terrible. Our classmate, Cyrus, kept on talking to me while we're having class discussion."

Nilingon ko si Rainer. Nagkibit-balikat lang siya, pero seryosong-seryoso ang ekspresyon. Pumasok kami sa sasakyan at uupo sana si Halona sa passenger seat, pero agad kong itinuro ang back seat. Baka masita pa kami.

"Buckle up, Halona," Rainer told his sister.

Agad namang isinuot ni Halona ang seatbelt. Pinaandar ko na ang sasakyan at pansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Halona.

"Do I have a dirt on my face, baby?" I smiled at her. "Or are you gonna tell me something?"

She shot me a shy smile. "I wanna ask you some questions about him."

Hindi siya nagbanggit ng pangalan pero alam ko na agad kung sinong tinutukoy niya. Itinuon ko ang tingin sa daan.

"What is it?" Kahit hindi ko tingnan si Rainer ay alam kong pinakikinggan niya kami ni Halona.

"Is he visiting us tonight?"

Muli ko siyang tiningnan sa rear-view mirror. Nakatungo na siya at namumula ang mga pisngi. Pinaglalaruan niya ang mga kamay sa kandungan niya.

"I don't know. You want me to call him and ask?"

Pinunasan niya ang tumulong pawis sa gilid ng mukha niya. Palipat-lipat kong tinitingnan ang daan at siya. Idinampi ni Rainer ang panyo niya sa mukha ni Halona.

Halona smiled at her brother. "I'm gonna give him something, but if he's not coming, then it's fine. I'll just give it next time."

Binuksan niya ang bag niya at may kinuha roon. It was a pink half folded letter with different sizes and colors of heart stickers as its design.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon