21

1.1K 73 8
                                    

FRANCES POV


Kinabukasan. Saturday na, sabi nga ni Coco, maglalaba kami dahil sa Monday na kami s-stay sa condo nila Jaydee at Amanda.




Tapos na kami ni Coco maglaba dahil kaninang umaga pa kami nag simula, time check 12:15 PM.



"Frances, tignan mo yung ig story ni Jaydee. Kasama niya si Madie mag gym" Salita ni Coleen na nag phophone, parang ayokong tignan. Mukhang ma hu-hurt lang ako.



"Hayaan mo na, masyado kang ma issue nag gym lang naman sila." Sagot ko kay Coco at kinuha ko ang phone ko.



Nag notif agad ang dm sakin ni Jaydee, parang ayaw ko muna siya replyan pero hindi ko din matiis.



Jaydeerous: Goodmorning, Frances, breakfast ka pag gising mo. Have a great day mwa.



Kanina pa 'ting umaga yung message, hindi ko alam kung mag rereply ba ako. Tinignan ko ang story niya dahil hindi ko din matiis ang sarili ko.



Mirror shot nilang dalawa ni Madie, nakanguso pa si Madie kay Jaydee at nakatingin sakanya. Kitang kita din sa likod ng picture si Amy na may kausap na babae, hindi ko alam kung sino 'yon, 3 hours ago na yung story.



Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, simpleng ganon lang nag seselos na ako pero hindi ko sinasabi. Nag reply nalang ako kay Jaydee.



Me: Eat your lunch Jaydee, enjoy.



Pagkatapos ay sinend ko na, parang naiirita pa ako. Nag pop-up naman ang dm ni Kielle, agad ko itong nabasa.



Eve Ezekielle: Tara Samgyup tayo ni Coleen. Here at mall yung malapit dyan sa condo niyo.



"Coleen, nag-yayaya si Kielle mag Samgyup, tara?" Tanong ko kay Coco, mukhang papayag naman siya.



"Saan daw?" Pabalik niyang tanong.



"Samgyup, diyan sa malapit na mall" Sagot ko nang mabilis, para hindi na mag sayang pa ng oras.



"Tara na." Sabi niya at tumayo na, tumayo na din ako para makapag ayos. Nag message muna ako kay Kielle bago kami lumabas.



Me: Otw na kami, palabas na kami ng condo.



Sinend ko na iyon at pinatay ang phone ko. Palabas na kami ni Coco ng unit namin at bumaba.



Naglakad nalang kami ni Coleen papunta doon sa mall dahil malapit lang naman.



Papasok na kami ng Mall ni Coleen nang mahagip ng paningin ko si Jaydee at Madie na papalabas ng PANDORA. Anong ginagawa nila doon? tsaka bakit silang dalawa lang, wala sila Amy at Laney?



"Coleen, bilisan mo maglakad tara na" Irita kong hila ko kay Coleen kaya nagulat siya. Nagseselos nanaman ako, bakit ba sila ganon.



"Dahan dahan Frances, para tayong hinahabol!" Salita ni Coleen habang hila hila ko pa din siya. Ayoko lang makita nila kami.



"Frances, nalagpasan na natin yung Samgyup" Kasabay ng pagbitaw ko kay Coco, agad akong nabalik sa wisyo at bumalik sa nalagpasan naming Samgyup.



"Bakit ba tayo tumatakbo kanina?" Tanong niya habang naka kunot ang noo.



"Wala, tara na pumasok na tayo" Sagot ko ng mahinahon at pumasok na sa Samgyup Restaurant. Nakita agad namin si Kielle dahil bungad lang ang napili niyang maupuan, nakahanda na din ang mga pwedeng iluto sa table. Nagsalang na din siya ng mga beef.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now