12th Chronicle / Code Blue

50 2 0
                                    

Thea Arcapeña

4th Floor Apartment / Makati City

Amoy ng crispy chicken fillet ang malalanghap sa kitchen ko habang abala naman ako sa pagluluto nito. Ito na ang magiging hapunan ko na sasamahan ko ng fried rice. Tatlong piraso na lang ang niluluto ko at matatapos na ako.
Habang abala sa pagluluto, dinig ko naman ang nakasinding flat screen tv sa loob ng kitchen ko. Hindi ko man napanonood nang buo, ngunit pinakikinggan ko naman ang mga impormasyon na inilalabas ng balita, isang balita na tungkol sa bird flu ang naririnig ko.
Dahil sa balita na narinig ko tungkol sa bird flu, napapaisip na lang talaga ako. Noong nasa presinto ako ng Ermita, tungkol naman sa sakit ng baboy ang naririnig ko, ngayon naman ay tungkol sa ibon.
A question came into my mind.
Is this a season for diseases?
Napansin ko kase na hindi lang tao ang nagkakaproblema sa sakit ngayon, maging ang mga hayop gaya ng baboy at ibon din.
I just shook my head despite the question that runs in my mind.
Knowing na magiging okay rin naman ang lahat.
Iniahon ko na sa mainit na mantika ang niluluto ko at saka inilagay sa isang plato. Umupo ako sa mesa at saka kumain. Tuloy naman ang pakikinig ko sa balita.
Not until I heard a seemingly familiar topic from the news.

"...may mga imported case na ng sakit sa bansa, ang isang sakit na hanggang sa ngayon ay 'di pa rin tuluyang natutukoy ang pinagmulan. Lulan diumano ng yate ang mga imported case na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam kung saan nanggaling, dahil hindi pa naglalabas ng komento ang pulisya tungkol dito. Nawawala ang mga infected na lulan ng yate dahil sa naganap na barilan sa loob ng pier, hindi pa rin nakikita ang mga ito hanggang sa ngayon. Gumagawa naman na ng hakbang ang mga awtoridad patungkol dito. Isinara naman na ang buong north harbor upang sakaling hindi na makalayo pa ang mga nawawalang infected."
Sabi pa ng Bureau of Health, "...hindi malayong nasa pier lang ang mga infected kase ipina-lockdown agad ng mga pulis ang pier pagkatapos ng mga pangyayari..."

Because of what I heard, I immediately turn my eyes in the direction where the tv is. I saw the video footage of the Manila north harbor being flash from the TV.
I stopped chewing the food inside my mouth and seemingly lost my awareness of the place that surrounds me as I stared at the TV while the newscaster spontaneously speaks about the imported case inside the country.
I don't know what was the reason but, when I heard about that, a continuous fast beat of my heart began.
Para na lang akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko habang nakikinig sa pagsasalita ng newscaster.
Alam ko naman ang tungkol doon pero nabigla pa rin talaga ako nang marnig iyon mula sa television, natatandaan ko, ganito rin ang naging reaksyon ko noong nasa coffee shop kami ni Efren at nakarinig ako ng balita na tungkol din sa naganap sa north harbor.
This time, the news became more detailed compared to when I was in the coffee shop, it was like pieces of puzzles that are gradually being fixed into one place to produce a certain image.
Napatayo pa ako sa kinauupuan ko na tila hindi ako kuntento na naririnig iyon nang nakaupo.
The newscaster continues to speak as I listen to what is being reported.

"Isang Pilipino naman ang infected na ng misteryosong sakit. Hindi pa matukoy kung sino ang nakahawa rito ngunit, naaalarma na ang awtoridad dahil dito sapagkat ikinababahala nila ang posibleng mabilis na pagkalat nito kung hindi maaagapan. Sinabi ito ng Bureau of Health na kinumpirma naman ng Manila Doctor's Hospital kaninang umaga. Galing diumano ang naturang infected sa squatter area na malapit sa Manila north harbor."

Nagpagimbal sa akin ang mga salita na sinabi ng newscaster.

'Isang Pilipino naman na ang infected...'

Ngunit paano?
Paano siya nahawaan?
Sino naman ang nakahawa sa kaniya?
Posible kaya na isa sa mga infected na lulan ng yate ang nakahawa sa kaniya?
Pero paano? Gayong nasa squatter area naman iyon at ang mga infected ay nasa mismong pier pa?
Different questions began to dominate my mind.

Quarantine ChroniclesWhere stories live. Discover now