23

1.2K 87 14
                                    

FRANCES POV

"Frances, wala na ba tayong nakalimutan?"



Papunta na kami ni Coco sa condo nila Amy at Jaydee. Monday na ngayon, gagawin na namin yung deal namin na sa condo kami nila mag s-stay hanggang Friday. Tinignan ko ang Silver watch ko, it's already 11:30 am



"Wala na, nan'dyan na din yung mga laptop natin" Sabi ko at tumingin sa backseat, para sigurado ako sa sinasabi ko



"Malapit na tayo, Frances" Sabi ni Coco habang nag ddrive



Tinignan ko ang wallet ko at 1k nalang ang natira. Kailangan ko mag withdraw. Tumingin ako sa katabi kong window, nahagip ng paningin ko ang ATM machine



"Coco, saglit mag wi-withdraw lang ako. Hinto mo muna yung sasakyan" Kinuha ko ang credit card na bigay sakin ni grandma. Agad naman hininto ni Coco ang sasakyan



"Bilisan mo, bawal umi-stop dito baka mahuli tayo" Sabi ni Coco na naka hawak sa manibela. Agad naman akong bumaba para pumunta doon sa ATM machine. Buti nalang medyo walang nag wi-withdraw



Nakarating na ako sa ATM machine at pumindot. "15,000" ang pinindot ko at, may natitira pa akong "35,000". Pera ng lola ko ito, ako lang ang apo niya kaya sakin niya binigay ang credit card. Ang credit card na ito nagamit din ni mommy noong panahong kasing edad niya ako



"Frances!" Nagulat ako nang may tumawag sakin. Si Kielle lang pala



"Nagulat ako Kielle, ano ba" Sabi ko sakanya at kinuha na ang perang wini-draw ko



"San punta mo?" Tanong niya habang pinag lalaruan ang phone sa kamay niya



"Sa condo nila Jaydee. Doon kami mag s-stay ni Coco, hangga't Sem break pa lang" Ngiting sabi ko sakanya. Nag iwas din siya ng tingin nung sinabi ko iyon



Tumango tango siya bago sumagot



"Ingat kayo ni Coleen ha, tawagan niyo nalang ako kapag may kailangan kayo sakin" Sabi niya at tumingin na din siya sakin



"Alam mo Kielle, hindi kami ganong tao ni Coco, na tatawagan ka lang kapag may kailangan kami sayo. Pumunta ka kung gusto mo, okay lang sa'min" Sabi ko at ngumiti ng sagad sakanya



"Sige Frances, kailangan ko na din magmadali. Ingat kayo ha" Sabi niya ng nakangiti din bago nag lakad palayo



"INGAT KA!" Sigaw ko sakanya. Lumingon naman siya sakin at tumango



Naglakad na ako pabalik sa kotse ni Coco



"Dalian mo Frances, papunta na dito yung Traffic Enforcer" Tarantang sabi ni Coleen kaya mabilis akong sumakay sa Passenger seat. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan



"Kapag nahuli tayo, kukunin ng traffic enforcer yung license ko tas tutubusin ko sa City hall" Sabi ni Coleen habang palingon lingon sa daan



"Istorbo lang yung pag tutubos" Dugtong pa niya at lumiko na kung saan doon ang condo nila Jaydee



"Nakausap ko kanina si Kielle doon, pero saglit lang" Sabi ko sakanya



"Ano daw sabi?" Tanong niya sakin



"Nag usap lang kami, tinanong din niya kung saan tayo pupunta" Sabi ko at tumingin na sa katabi kong window



"Sinabi mo kung saan?" Tanong niya. Tumango nalang ako


Naghahanap na si Coco ng bakanteng paparkingan dito sa parking lot. Agad naman siyang nakakita ng bakante at doon pinark ang sasakyan



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now