25

1.2K 73 10
                                    

FRANCES POV


"Frances, Dito na ba tayo?"



Nandito na kami ngayon sa Pasay City dahil ngayon ang punta namin kila Mommy. Ngayon ko na din ipapakilala si Jaydee sakanila. Hindi ko alam pero maski ako kinakabahan, alam ko namang tanggap nila ako kahit ano pa ako



"Dito na yon" Sagot ko at tumingin sa wooden clock, it's already 7 pm. Sabi ni Mommy dinner daw ako pumunta



Agad na nag park si Jaydee sa tabi ng bahay namin. Una siyang bumaba para pag buksan ako ng pinto sa Passenger seat



"Medyo kinakabahan ako Frances" Bulong niya sakin. Mabait naman si Mommy pero, tignan natin ang magiging reaksyon ni Daddy



"Matatanggap nila tayo, okay?" Sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay niya. Ang lamig ng kamay niya para siyang patay



Naglalakad na kami papunta sa gate, hindi pa kami nakakapag doorbell may nag bukas na agad sa'min ang kasambahay nila Mommy.



"Magandang gabi po, pasok na po kayo ma'am" Bati sa'min ng kasambahay. Nginitian ko ito bago mag salita



"Goodevening" Sabay naming bati ni Jaydee sakanya. Napatingin siya sa kamay naming dalawa at naka kunot ang noo



"Girlfriend niyo po ma'am?" Tanong ng kasambahay sakin habang nakatingin kay Jaydee. Tumingin ako kay Jaydee na natatawa at nakatakip ang bunganga gamit ang isang niyang kamay. Bumitaw ako sa pagkahawak namin at kinurot siya sa tagiliran



"Aray" Bulong niya at tinanggal na ang kamay niya sa bibig.



"M-maybe" Sagot ko sa kasambahay. Tumingin siya sakin saglit at inilipat na din kay Jaydee



"Ginayuma niyo po ba si Frances?" Tanong ng kasambahay kay Jaydee. Agad namang kumunot ang noo ni Jaydee. Hindi ko mapigilang matawa kaya napatakip ako sa bibig ko



"Pigilan moko Frances" Sabi ni Jaydee habang nakatingin sa kasambahay.  Gusto ko ng pumasok sa loob kaya hinila ko na siya



"Hayaan mo na" Bulong ko sakanya habang hila hila siya



"Ang laki ng bahay niyo, Frances" Bulong ni Jaydee. Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Jaydee, mas malaki nga ang bahay ng Mommy niya



Ako na ang nag bukas ng pinto na'min. Hawak hawak ko parin ang kamay ni Jaydee at nagtungo na kami ng Dining Area. Nakita ko sila mommy at daddy na nakaupo at parang nag hihintay sakin, nan'don din si Duke katabi Mommy.



Kinakabahan akong lumapit. Ngumiti sakin si Mommy nang makita ako pero nawala ang ngiti nang makita si Jaydee sa tabi ko.



"Hi mom." Bumeso ako kay mommy.
"Dad..." At tsaka ako bumeso kay daddy at niyakap ko din si Duke



Nakatingin lang si Daddy kay Jaydee. Nang lingunin ko si Jaydee, tahimik lang siya at halatang kinakabahan. I had never seen her this nervous. She was also composed and calm.



"This is Jaydee, my-" Kinakabahan na sabi ko pero hindi na ako pinatapos ni Daddy



"Take a seat. Mukang alam ko na" Seryosong sabi ni Daddy sa'min



Nasamid si Mommy sa iniinom niya dahil sa sinabi ni Daddy. Mas kinakabahan pa pala ako kay Mommy. Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang bibig niya. My dad did not give me a reaction so hindi ko alam anong anong iniisip niya. He was just staring at Jaydee.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now