KABANATA 7

25.4K 745 93
                                    

KABANATA 7

Kahit na kabisado ni Anael ang lugar ng unibersidad ay nahirapan pa rin siyang hanapin ang mga kaibigan at kaklase dahil masyadong maraming tao sa open field nila. Halos lahat kasi ng estudyante ng unibersidad ay naririto ngayong gabi para sa selebrasyon. Panay ang pag-ikot ng tingin ni Anael sa open field, umaasa na sana ay makita na niya kung nasaan banda ang mga kaklase. Hindi naman ganun ka gitgitan ang mga estudyante sa open field dahil na rin sa malaki at malawak ang espasyo nito. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na magkabunguan ang mga ito.

Ang ipinagtataka lang ni Anael, bakit tila humahawi ang ibang mga estudyante kapag dumaraan siya. Sa tuwing babalingan naman ni Anael ang mga ito ay makikita niya na hindi 'to nakatingin sa kaniya. Siguro ay nasasaktuhan lang na lumalayo ang mga ito kapag daraan siya. Nagkibit balikat na lang si Anael bago ituloy ang paghahanap sa mga kaklase.

Hindi rin nagtagal ay nakita na ni Anael ang pwesto kung nasaan ang mga ito. Kinakabahan ngunit nakangiting nilapitan ni Anael ang mga kaklase. Abot tainga naman ang ngiti ng mga ito nang makita siya. Agad na tumayo si Lanie at niyakap siya.

"Anael, you're finally here!" Masiglang aniya.

NIyakap niya pabalik ang kaibigan. "Ang hirap niyo naman hanapin." Pabiro niyang sagot rito.

Nakangusong humiwalay si Lanie sa kaniya bago siya nito alalayang umupo sa damuhan. Mula sa pwesto niya ay kitang-kita ang malaking bonfire na hindi pa nasisindihan. Hindi na nag-abala si Anael na latagan ng panyo ang damuhan. Sanay kasi sila na umuupo sa damuhan at isa pa malinis naman ang kinauupuan nila dahil alagang-alaga ang open field ng unibersidad.

"May activity ba kayo na ginawa kanina?" Tanong ni Anael sa mga kaklase.

"Kanina? Meron pero ang alam ko exemp—" hindi natuloy ng isa niyang kaklase ang sinasabi nang bigla itong sikuhin ng katabi.

Exemp? Ano ang sinasabi nito?

"Hindi activity 'yon, examples lang 'yon ng prof natin." Paliwanag ni Lanie. "Don't worry, Anael."

Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Anael sa narinig. Mabuti na lang at wala silang activity kanina, nakakapanghinayang din kasi 'yon lalo na't malaki ang percentage ng activity sa grading system nila.

Tahimik na lang na nakikinig si Anael sa kinauupuan niya. Watching her classmates have a fun time, while her? She's silently observing them. Malalim din kasi ang iniisip ni Anael. Itiniklop ni Anael ang tuhod atsaka ito niyakap bago isinubsob ang mukha rito.

Nandito siya para magsaya at para mabawasan ng kaunti ang alalahanin niya pero kabaliktaran ang nangyayari.

Anael felt uneasy. Anxiety started to eat her system. Parang... hindi siya ligtas. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Anael sa tuhod. Mariin din niyang ipinikit ang mata.

"I'm safe, maraming tao. Andito ang mga kaklase at kaibigan ko. Anael, you're safe." paulit-ulit na Aniya sa sarili.

Huminga ng malalim si Anael. She also forced herself to calm. Napabalik si Anael sa sarili nang tapikin siya ni Lanie sa balikat. Lanie looked at her with worries. Napansin siguro nito na tila tuliro siya.

"Are you okay, Anael?" Nag-aalalang tanong nito. "Gusto mo magpahangin ka muna? Masyadong maraming tao dito." Dagdag pa nito.

Tama, kailangan lang muna siguro ni Anael na magpahangin at lumayo saglit sa mga tao.

Maingat na tumayo si Anael. Tinanggal niya rin ang nakapulupot na jacket sa bewang niya atsaka ito sinuot.

"Punta lang ako sa garden." Paalam niya rito tutal malapit lang naman ang garden sa open field nila. Para makabalik din agad siya.

Chained to the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon