KABANATA 8

27.6K 916 107
                                    

KABANATA 8

Anael kreiss Perez

Hindi maalis ni Anael ang tingin sa lalaki na kasalukuyan din nakatingin sa kaniya. Tila ba may kakaiba rito at hindi niya maipaliwanag kung ano 'yon. Bakit nakatingin ito sa kaniya nang magpakilala ito. Sa dinami rami ng tao na pwede nitong balingan ng tingin, bakit sa kaniya pa? Iwinaksi ni Anael ang mga tanong na dumaraan sa isip niya. Laking pasasalamat ni Anael nang kalabitin siya ng kaklase na nasa gilid niya lang, dahil tuloy doon ay naalis na niya ang tingin sa lalaki, kay Ulric.

Nagtatakang tiningnan ni Anael ang kaklase.

"Ayos ka na ba diyan sa pwesto mo?" Tanong nito gamit ang medyo mahina na boses. Hindi masasabi ni Anael na bulong iyon. Sakto lang kasi ang lakas at hina nito.

"Okay na ako rito, bakit mo naman naitanong?" sagot niya rito.

"Nakatulala ka kasi, akala ko kung anon a nangyari sa 'yo."

Bahagyang natawa si Anael sa narinig. Napansin pala nito na natulala siya. Gusto sanang sanang sabihin ni Anael na hindi siya nakatulala sa halip ay nakatingin siya sa lalaki na nagmamay-ari ng unibersidad nila nguinit itinikom niya na lang ang bibig dahil sa panahon nila ngayon marami na ang mahilig gumawa ng issue at iyon ang iniiwasan ni Anael. She wants to have a peaceful college life, but she thinks that small dream of her was now ruined lalo na't marami ang nakakita sa kaniya nang hanapin siya ng mga nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Simon.

Anael knows that most of the witness thinks of her as a criminal. She knows that deep inside they're already judging her. Naiyukom ni Anael ang kamay nang simulang lamunin ng nangyari ang isip niya. Hindi niya na dapat masyadong inaaalala iyon, pero eto siya't nilalamon na ng kaba gawa ng ideya na bumabagabag ngayon sa isip niya.

Sa ikalawang pagkakataon, kinalabit siya ng kaklase. Ngayon ay kitang-kita na sa mukha nito ang pag-aalala. Ibinalik ni Anaela ng ngiti sa labi niya para kahit papaano ay mawala ang pagtataka at pag-aalala sa mukha ng kaklase.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Alam mo kahit hindi ganun kaliwanag at ang apoy at buwan lang ang nagsisilbing ilaw rito ngayon, kitang-kita ko pa rin na namutla ka." Aniya bago bumuntong hininga.

Tinapik ni Anael ang balikat nito. "Ano ka ba, kung anu-ano naiisip mo. Gutom ka lang ata." Pagpapalusot niya rito.

"Speaking of, true 'yan. Hindi pa kasi ako kumakain, masyado akong na-excite dahil first time ito na nangayri sa unibersidad natin." Napakamot ito sa ulo. "Kain tayo after ng introduction ng new owner."

Bumagsak ang balikat ni Anael. Kahit gusto niyang kumain wala naman siyang pera.

"My treat." Biglang aniya ng kaklase na siyang naging dahilan para kuminang ang mata ni Anael.

"Wala ng bawian ah!" Pasigaw niyang bulong rito pero mukhang narinig ng kaibigan niyang si Lanie ang pag-uusap nila ng kaklase nila.

Nagulat si Anael nang bigla siyang hawakan ni Lanie sa balikat at bahagyang inilayo sa kaklase. Kumunot ang noo niya. Ang mabibong emosyon sa mukha ni Lanie ay nawala, tila seryoso ito ngayon at kapansin-pansin din na tila tinatapunan nito ng masamang tingin ang kaklase nila na kausap ni Anael kanina.

"Bakit nasa iba ang atensyon mo?"

Mas kumunot ang noo ni Anael nang marinig kung gaano kaseryso ngunit nababagabag ang tono ng boses nito. Tila ba may kinakakaba ito.

"Dapat nasa kaniya lang ang atensyon mo..." Saglit itong huminto sa pagsasalita bago hawakan ang baba ni Anael at pihitin ito paharap sa may bonfire kung nasaan sina Ulric, Primus, Fire, at ang isa pang kasama nito.

Chained to the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon