26

1.3K 68 9
                                    

JAYDEE'S POV


Kinabukasan. Umuwi na kami ni Frances sa condo ko at umuwi na din sila ni Coleen sa condo nila.



Lahat ng sinabi ko sa harap ng parents ni Frances, lahat ng iyon totoo. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin lahat ng iyon, pero sigurado akong siya na talaga ang makakasama ko, pero hindi pa kami.



Akam kong bata pa kami masyado at hindi ko naman minamadali si Frances. Gusto ko nga pagkatapos ng graduation ko, doon nalang siguro ako mag sasalita para sa'min. Binabalak ko pa lang lahat ng mangyayari sa'min.



Wala namang gumagambala sa buhay ko ngayon at wala akong natatanggap na kahit anong message kay Daddy sa Pampanga. Alam kong hahanap hanapin niya parin ako dito sa Manila at pinapabayaan niya muna ako sa ngayon. Hindi ko alam kung bakit ga'non ang ugali ni Daddy, mas masahol pa siya sa hayop.



Nandito ako ngayon sa bahay ni Mommy sa rooftop, kung saan umamin ako kay Frances. Sobrang memorable ng rooftop na ito sakin.



Umuwi muna ako dito dahil 8th Anniversary daw ng Resort ni Mommy sa Batangas. Lahat ng nag tra-trabaho doon sa resort nandito sa bahay nag ce-celebrate at nag iinuman sa baba. Medyo madami na akong nainom pero hindi pa naman ako lasing, sumasakit lang ng konti yung ulo ko kaya nagpapahangin ako dito.



Malalim na ang gabi at nakatingin lang ako sa magandang buwan.



"Hey" May biglang nagsalita sa likod ko, hindi naman siguro ito multo kaya nilingon ko siya.



"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya dahil baka pumunta lang siya dito ng walang pahintulot.



"Grabe, hindi mo man lang ba muna ako papa upuin?" Balik na tanong niya at tumawa. Siningkitan ko lang muna ito ng mata, kanina ko pa siya nakikita sa baba nung umiinom ako.



"Here" Abot ko sakanya ng upuan dito sa tabi ko at hinarap ko ang upuan sakin ng 1 meter, para mag kaharapan kami. Agad naman siyang umupo doon.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin, kumunot ang noo ko dahil siya pa talaga ang nag tanong sakin ng ganyan.



"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong ko sakanya. Ngumiti siya bago sumagot. Nakakahawa yung ngiti niya kaya ngumiti ako ng tipid, pero hindi ko pinakita.



"Gusto ko lang. Tsaka sabi ni ma'am Juarez pwede daw akong pumunta dito kapag wala akong magawa" Sagot niya sa tanong ko.



"Anong pangalan mo?" Hindi pa ako nag sasalita nag tanong na ulit siya. Ano bang pakay nito sakin?



"Nandy" I said with no emotion. Tulad ng sabi ko, Nandy muna ang binibigay kong pangalan sa mga tulad niya na hindi ko pa masyadong kilala.



"Sounds good" She said and smiled at me.



"I'm Karla" Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Tinanggap ko naman agad iyon at ngumiti siya sakin.



"So bakit ka nga nandito?" Tanong nanaman niya. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong yan o sadyang makulit lang siya.



"Bahay ng Mommy ko to. May tanong kapa ba?" Tanong ko pero tumango lang siya at parang nagulat sa sinabi ko.



"Umiinom ka pala?" Tanong niya. Baka siguro nakikita niya ako kanina sa baba na umiinom. Tumango nalang ako.



"Ikaw?" Balik na tanong ko para malaman ko din. Hindi ko kasi nakitang uminom siya kanina.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now