004 • imessage

4.9K 320 122
                                    



Mababait na Nilalang

Today 16:02


Nana:
BE!!!!!!
@Momo san ka?

Momo:
Yes ate

Nana:
Pwedeng makahingi ng fansign? 🙏

Momo:
Kanino
Try ko kausapin yan tsaka anong name
Birthday ba or what?

Nana:
Fansign sa 'yo. Pang congrats sa engagement. Kay Ate Nicelynn sana? :D

Ruru:
wat
ano tong nababasa ko
my martyr radar is tingling xD

Momo:
Luh
Bat may pa fansign

Nana:
Nag-pm kasi sa akin si Baste kanina. Tinatanong kung roommates pa rin daw ba tayo. Pinapakinggan ka pala kasi ni Ate Nice, yong mga commentaries mo. Idol ka raw niya.

Momo:
Tapos nanghingi ng fansign?
para i-congrats sila???

Nana:
Uhm, hindi naman hiningi? In-offer ko lang.

Ruru:
inoffer?!
hahahahaha nana anunaaa
palitan na GC name "Mga Martyr na Nilalang" xD

Momo:
Hahaha master :))
Pero ate naman
Sinasama mo ako sa pagiging martyr mo????
I dont know what to feel haha

Nana:
Sige na, be? Para may maregalo ako to congrats them? :D

Ruru:
ayaw mong bigay yung durog durog mong puso???
offer mo na sa kanila xD
mukhang willing to give ka naman :))

Nana:
Ang sama, Ruru :(
Kita mo pag ikaw nagmahal . . .

Ruru:
HAHAHAHA GRABE mahal agad. crush lang tayo, busy akes xD

Nana:
Hahahaha basta master, hihintayin ko yon. Kala mo ha.

@Momo? Fansign? Kahit ako na magsulat! Gusto mo ba ng kape? Libre kita ng mochi! Lulutuin ko fave food mo for 1 week!

Momo:
Tempting...

Nana:
🙏

Momo:
Okay sige isang fansign, video greet pa . . .
But in 1 condition

Nana:
Kahit anong kaya ko! Thank you agad, Be!

Momo:
Xylo.
Tomorrow night.
Wear your best bar dress and heels.
Kami ni master ang bahala sa gabi mo and there's no space for no.

Nana:
Huy, bakit naman ganyan? Fansign lang naman? 😖

Momo:
Fansign to greet the couple na dahilan ng down moment mo?
Nako ate love kita pero hindi ako kasing martyr mo haha
Gusto ko ng kapalit.
At gusto kong maging masaya ka sa kapalit na yon dahil lagi mong pinipiling masaktan ka sa gilid.

Ruru:
woohhh go momo!
pupusta ako kay momo!
nagpiperiod na sa chat
seryoso na yan
hahaha

Momo:
HAHAHAHAH
Pansin mo rin ba hahaha

Anuna ate @Nana hahaha
You g? 😊

Nana:
😰





#SNMSL1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#SNMSL1

#ychronicles

siklab na may sakdal laya (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon