Chapter 6

2K 54 10
                                    

Calleigh POV

Mabilis na pumasok sa starbucks si Jewel dahil excited siyang makitang muli ang kanyang kaibigan. At ng makita niya ito ay agad agad siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit.

"Hindi naman halatang sobra mo akong namiss." saad ko.

"Ang tagal mo kayang nasa ibang bansa. Psh!" sabi niya sabay irap sa akin

Hindi ako umimik sa kanyang sinabi kaya nagtaka siya. "Oh bakit natahimik ka yata?" tanong nito sa akin.

Ngunit matamang tinitingnan ko lang siya habang sinusuri ng mabuti. Hinawakan ko pa ang kanyang mukha. Agad niya naman tinanggal ang kamay ko. "Hoy napapano kaba, ha? Epekto ba 'yan ng mahabang byahe?" pagbibiro nito

Ngunit nanatiling seryoso lang akong nakatingin sa kanya. "Are you sure na okay ka lang Jewel? Look at you now, ibang iba kana."

"What do you mean iba?" tanong niya

"Tingnan mo ang sarili mo sa salamin para maintindihan mo ang ibig kung sabihin. Seriously? What are you doing to yourself? Hindi na ikaw ang Jewel na kilala ko. You look like a trash," prangkang anas ko.

Napayuko naman ang si Jewel dahil sa sinabi ko dahil alam niyang may punto ito. Masyado niya ng napabayaan ang sarili niya, ni pag aayos hindi niya man lang magawa.

"Masyado lang akong busy, kaya hindi ako nagkaroon ng oras para mag ayos." mahinang bulalas nito

"Busy? Busy saan? Sa pag aalala sa asawa mong wala namang pakialam sayo? Huwag mo akong patawanin best. Huwag mong hayaan ang sarili mong maging ganyan. You're better than this," positibong sambit ko.

"Hay naku, kung makapagsalita ka ah. Bakit kayo ni Dark ay maayos naba?"

Agad naman umirap ito sa kanya. "Paano naman nasali sa usapan ang lalaking 'yon? Ikaw at ang asawa mo ang topic dito hindi siya. Duh!"

Umiling na lang siya at hindi na nagsalita pa. Umorder na kami ng pagkain, marami din kaming napag usapan at mahahalata mong sobrang miss na miss namin ang isa't isa.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko siya para mag ikot ikot at mag shopping pero bago 'yon ay dinala ko muna siya sa isang parlor shop para ipaayos.

Halos ilang oras din silang magkasama at hindi na namalayan ang oras. Malapit ng mag gabi ng nakalabas kami sa mall, hinatid ko na lang siya pauwi.

"Thank you best! I enjoy this day. Take care." ngiting turan nito pagkalabas ng sasakyan.

Ngumiti naman ako sa kanya at sumenyas na aalis na.

Nakita ko naman siyang magmadaling pumasok sa loob ng kanilang bahay dahil baka nando'n na ang asawa nito at hindi pa siya nakapagluto.

Jewel POV

Hindi na ako nag atubili pang magpalit ng damit at dumiretso na ako sa kusina para magsimulang magluto.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto senyales na nando'n na ang asawa ko. Agad ko siyang sinalubong ng may mga ngiti sa labi. "Thunder, nagluto ako kumain kana," ani ko.

Hindi man lang siya nito pinansin at nagtuloy tuloy nasa hapag kainan, pero kahit gano'n ay masaya pa rin siya dahil dito ito kakain ngayon na malimit lang mangyari.

Sinundan niya ito at nakita niyang nagsisimula na itong kumain. Mas lumawak naman ang ngiti niya ng makitang mukhang sarap na sarap ang asawa sa pagkain.

Hinintay niyang matapos kumain ang asawa at saka niligpit ang pinagkainan nito. Nang matapos na siya ay napansin niyang nando'n pa rin ito at nakaupo habang tinitingnan siya nito. Nakaramdam naman siya niya hiya.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon