Chapter 22: Escape (GONE WRONG)

17 3 6
                                    


[Chapter 22]

Magha-hating gabi na at malapit nang mag-umaga. Ngunit naroon pa rin ang apat na estudyante habang nakagapos sa katawan ng mga naglalakihang puno. Tahimik lamang sila na tila dinadamdam ang pagpapahinga nilang iyon na hindi nila ginagawang tumakbo kay kamatayan sa oras na iyon.

Sa kanilang apat na natitira sa klase ng seksiyon D, si Emerald at Tens na lamang ang tanging hindi sumusuko para sa kalayaan na kanilang gustong matamasa. Si Jewel ay tuluyan nang nawalan ng pag-asa dahil sa mga pananakot ni Aira.

Nakaangat ang ulo ni Emerald habang nakatingin ng masama kay Aira na may kausap sa telepono. Ganon din si Tens ngunit karamihan sa kaniyang sulyap ay kay Emerald napupunta. Tahimik at seryoso lamang si Tens pero sa kaniyang loob ay nag-aalala siya para sa kaligtasan ng kaniyang kababata na si Emerald.

Ilang sandali pa ay dumating na ang dalawang tauhan na inutusan ni Aira para kunin ang katawan ni Luke na ngayon ay naaagnas na dahil sa asido na naibuhos sa kaniya. Pabagsak itong ibinaba ng dalawang tauhan sa nakalatag na dahon ng saging at hindi man lang pinakitaan ng paggalang.

Kaagad napatingin ang apat na estudyante sa kanilang kaklase na kanina lamang ay nabubuhay. Tumatak ang takot at galit sa reaksiyon nila Jewel at Emerald habang napamura naman sa galit sina Francis at Tens.

Mabilis naman na tinapos ni Aira ang usapan nila ng taong nasa kabilang linya at hinarap ang mga estudyante na ngayon ay takot na takot na. Ngumisi siya sa mga ito na mukhang nananatakot at nang-iinis.

"Who wants to go next?" nakangising tanong ni Aira sa mga estudyante at tumingin pa ito kay Emerald na tila may nais siyang gawin dito.

"Ikaw na ang sumunod! Walang'ya ka!!" dala ng galit ay napasigaw na si Jewel at pinakawalan ang kaniyang saloobin.

Hindi naman nagbago ang reaksiyon ni Aira at mas lalo lamang napangisi na mukhang natutuwa na nagagalit sa kaniya ang mga estudyante.

"Ikaw na lang kaya Jewel. Tutal ikaw ang pinakaayaw ko," suhestyon ni Aira na nagpagulat sa taong kaniyang binanggit.

"No!!" sigaw ni Jewel at muli na namang bumuhos ang kaniyang mga luha dala ng kaniyang takot.

Iuutos na sana ni Aira sa mga tauhan na tanggalin ang gapos ni Jewel nang magsalita ang kanina pang tahimik na si Emerald. Ini-angat nito ang kaniyang tingin at tumingin ng masama kay Aira.

"Kung ginagawa mo ito para sa pera, pakiusap tumigil ka na," panimula ni Emerald na umagaw sa atensiyon ni Aira. Humalukipkip ito at humarap kay Emerald habang may ngiti. "Sa oras na matapos ang laro, papatayain nila kayong lahat para lamang ma-solo nila ang pera. Sinisigurado ko sa'yo na mamatay ka kung magpapatuloy ka pa." dugtong pa nito. Napakunot ang noo ni Aira dahil sa sinabi ni Emerald habang kumunot naman ang noo ni Francis sa kadahilanan na biglang may tanong na pumasok sa kaniyang isipan nang marinig ang sinabi ni Emerald.

"Ikaw ba ang traydor?!" pasigaw na tanong ni Francis kay Emerald. Hindi naman nagulat ang huli at hindi na lamang ito pinansin at sinagot.

Nakatuon lang ang atensiyon ni Emerald kay Aira habang inaalala ang pangyayari na minsan ay nasaksihan niya. Tungkol ito sa pagpatay ng kaniyang pamilya sa kanilang mga tauhan nang minsan na pinaguusapan nila ang tungkol sa pera.

May awa at galit siyang nararamdaman sa tuwing pumapasok ang senaryong iyon sa kaniyang isipan. Nasaksihan niya ang pangyayaring iyon ilang taon na ang nakaraan. Nakita niya kung paano patayin ng kaniyang ama ang mga tauhan nila para lamang napasakanila ng buo ang pera. Wala siyang magawa kundi ang tumayo lamang sa isang sulok at panoorin ang nangyayari dahil alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang magagawa para mailigtas ang taong iyon.

Trust No OneWhere stories live. Discover now