Chapter 25

5.8K 520 220
                                    

"Ella, alam mo na ba ang balita?"

Napalingon ako kay Val nang makaupo kaming parehas sa armchair namin, ang hyper niya kahit maaga pa pero ako hindi pa nagsisimula ang klase, gusto ko nang umuwi. Parang gusto ko na lang magmukmok at punuin ang sarili ko ng mga tanong na hindi ko naman din masasagot.

"Ano?"

"Yung new story!"

Pagkasabi niya pa lang no'n ay na-gets ko na kung anong pinatutungkulan—yung new story ni...West.

Jusko, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit niya pinublish iyon, sobrang obvious kung sinong main character sa story! Hindi ko malaman kung kikiligin ako o iisiping torture yung ginagawa niya sa akin.

Lord naman kasi, why naman gano'n?

"O-oo, nagulat nga ako, eh." sagot ko sa kanya.

Para akong pinagpapawisan ng malagkit, ang hirap sumagot lalo na kung yung mga character sa kwento ay...ako mismo, at ang babaeng nililigawan niya. Nakakahilo isipin ang mga ginagawa ni West, ang mixed signal niya.

Una ay umamin siyang nagkakagusto na siya sa akin, sunod naman ay pumayag siyang ligawan ni Valeen, tapos yung new story, ano pang sunod? Sana naman wala na. Gusto nang manahimik ng love life kong hindi pa nga umuusbong pero mas complicated pa sa love story ng iba. Dinaig ko pa may jowa!

"At alam mo kung anong mas nakakagulat?"

"H-huh?"

Pinanlakihan niya ako ng mata kasabay ng isang mahina at pigil na pigil na irit. Pigil nga pero kung makapiga siya sa braso ko akala mo basang tuwalya lang na pinipilipit. Ang sakit! "Yung taggings! Gxg, Ella! Jusko, girlxgirl, girl to girl! Para akong matetegi sa tuwa!"

No'n ko naalala na oo nga pala, for the first time in history ng pagsusulat ni Nishi_Ishin ay ngayon lang siya gumawa ng gxg na kwento.

"Alam kong masaya ka pero maawa ka sa braso ko," Hindi ko na napigilang matawa dahil kulang na lang mag-celebrate siya. Akala mo ngayon lang naka-encounter ng ganoong klase ng kwento.

Nililigawan niya si West, sure, pero best friend ko pa rin siya. Walang reason para maging awkward ako...siguro. Wala naman siyang ginagawang masama, eh. Bago niya gawin lahat, sinabi niya muna ang mga 'yon sa akin at ako naman itong si support lang. In the end, ako lang talaga ang naghanap ng batong ipupukpok sa sarili ko.

Kahit hindi ligawan ni Val si West, masasagot ko ba yung pagkagusto niya? Hindi ko alam, parang wala naman akong lakas ng loob na gawin 'yon. Aasa lang yung tao sa akin.

"Ay, suri man, Jabee—"

"Jabee ka diyan!"

Natawa siya ng malakas nang braso niya ang pinilipit ko. Babaeng 'to! Lagi na lang sinisingit yung pang-aasar niya!

"Pero, girl ramdam ko, ka-pederasyon ko ayang si Nishi—"

"Pero lalaki siya, 'di ba?" Pagputol ko sa sinasabi niya kahit na alam ko naman kung sino talaga ang nasa likod ng Wattpad username na Nishi_Ishin.

"Oo, sabi ng mga readers. Assumption lang nila since halos lahat ng main characters niya ay lalaki and naka-third point of view perspective lagi ang narration style niya. Pero what if, all this time, babae pala siya?"

Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko na alam ang sasabihin kasi—oo, Val, babae siya. Kilalang-kilala natin parehas.

"Ella, naalala ko, sa ating dalawa, 'di ba ikaw ang may crush sa kanya?"

"Kay Nishi?"

"Girl, oo, unless may crush kang iba."

"W-wala, ah!" Tinaasan niya ako ng kilay habang natatawa. Tumikhim ako at napailing. "So, ano nga?"

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon